"OMG, Kesha! Saan ka ba nanggaling?" Bumungad agad sakin ang boses ni Kylie. Nasa apartment ko pala sila.
"Alam mo bang sobra akong nag-aalala? Di mo pa sinasagot ang mga tawag namin."
Nilingon ko ang lalaking nasa likod ni Kylie. Si Mark. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya.
"My phone's battery was dead. Sorry."
Wala man akong pamilya, may mga kaibigan naman ako na alam kong di ako pababayaan. Mga kaibigan na alam kong nandyan sa tabi ko kahit na anong mangyari. Sila ang pamilya ko. And I thank God for having them.
"Saan ka ba kasi nanggaling? Wala ka naman sa sementeryo kagabi nung nagpunta kami. Sabi nung guard don maaga ka naman daw umalis. Saan ka ba nagsusuot at di ka umuwi kagabi ha?"
Salita ng salita si Kylie samantalang si Mark ay nanatiling walang kibo at nakatitig lang sa akin.
Ngunit laking gulat ko ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Mark.."
"I was so damn worried, Kesha. Where have you been, huh?"
* * *
Nagpalit ako ng damit at nagluto naman si Kylie ng pagkain. Nang matapos ako ay tapos na din magluto si Kylie. Naghahain na si Mark at tumulong na din ako.
"Teka, may pasok diba? Bakit nandito kayo?"
"Tingin mo ba, Kesha makakapagfocus ako sa school kung alam kong wala ka kagabi. Nako, Kesha."
Sabi ko nga. Tss.
"Eh ikaw?" Sabay baling ko kay Mark.
Nagkibit-balikat lang siya at nilantakan ulit ang pagkain. Binatukan ko nga.
"Aray naman!"
"Ikaw! Di ka naman talaga nag-alala sakin no! Hmp!"
"Di mo alam kung gaano ako nag-alala! Di nga ako nakakain ng ayos kahapon eh." Sinimangutan niya ako at hinarap ulit ang pagkaing nasa harap niya.
Ngunit natigilan siya ng niyakap ko siya. "Thank you, bestfriend!"
Natawa lang siya sa ginawa ko.
"Hoy, Kesha! Bakit sa kanya ka lang nagpapasalamat ha?! Nag-alala din ako!" Sigaw ni Kylie. Nag-flying kiss ako sa kanya at umiling lang siya habang ngingiti-ngiti.
"You should report that, Kesha." Suhestyon ni Kylie. "Baka mamaya ay ikaw pa ang balikan ng mga yan. Mahirap na."
"I will. Maybe mamaya."
"Sasamahan ka namin." Ani Mark.
"Sino yung mga tumulong sayo?"
Dapat ko bang sabihin sa kanila? Paniniwalaan kaya nila ako? Fresh pa din sa utak ko ang mga nangyari kanina. Nasa harap ko ang EXO! Alam kong sila yun! Di ako pwedeng magkamali!
"May mga residente don na tumulong sakin."
"Ahh! Mabuti naman. Mabuti at di ka nasaktan."
It's already 6 in the evening ng umuwi ang dalawa. Nag-insist pa sila na sasabayan daw nila ako pumasok bukas para masigurado nilang safe ako.
Inabot ko ang phone ko na nasa kama ko. May ilang tawag don si daddy. What now?
Sakto namang nag-appear ang pangalan niya sa phone ko. Tumatawag siya. Alam niya kayang muntik ng mamamatay ang anak niya dito sa Pinas? I bet no. Baka nga siguro pag nalaman niyang nakaligtas ako madisappoint pa siya na di ako natuluyan. Tss.
"Baby .."
"Yes, dad?"
My dad calls me baby. And I hate that. He says na ako lang daw kasi ang unica hija niya kaya ganon. Ang anak niya kasi sa pamilya nya doon ay dalawang lalaki.
"How are you?"
"I'm fine po. You?"
"I"m okay, baby. I have something to tell you, my dear."
"What is it?"
"I'll be in the Philippines next month. I'm so excited to see you, baby."
Halong galak at excitement and naramadaman ko! Finally, magkikita na kami ng ama ko!
Maaga pa ng dumating ako sa school. Tinext ko na si Kylie at Mark na wag na akong daanan. At todo protesta agad sila. Bahala sila. Andito na ako sa school ehh.
Nakaupo ako sa bleachers ng gym at nanonood ng mga nag-babasketball. Malapit na nga pala ang inter-school competition. Ball Cup kumbaga. Ilang mga universities ang maglalaban at isa ang unibersidad ko doon.
Nakita ko si Matthew. His wearing a black and red jersey. He's so hot! Damn!
Ingay lang ng mga sapatos ang naririnig sa buong gym. Ilang tilian din galing sa mga babae sa kabilabg bleachers.
Maya-maya lang ay pumasok na si Mark. Suot din ang black and red nyang jersey. Late siya.
Bago siya dumiretso sa mga ka-teammates niya ay nilibot niya ang kanyang mata sa mga bleachers. May hinahanap.
Nang mamataan niya ako ay ngumisi siya saka kumaway. Nginitian ko naman siya pabalik.
Nag-jog siya papunta sa mga kateammates niya. Sakto namang may umupo sa tabi ko.
"Loka ka! Sabi ko susunduin ka namin!"
Nagkibit-balikat lang ako. Bumuntong hininga siya. "Tigas ng ulo."
"Samahan mo ako sa library after lunch. Wala ka namang klase diba?"
Tumango ako. "Sige na. Punta na ako sa klase ko. Bye!"
Naglalakad na ako papunta sa klase ko ng makasalubong ko ang pawisang si Matthew. Halatang pagod galing training.
"Matthew.."
Ngumiti siya at tumayo ng ayos. "Di ka pumasok kahapon."
"Ahh. Oo. Absent ako."
Naalala ko si Baekhyun. Nang makita ko ng personal si Baek ay masasabi kong magkamukha talaga sila ni Matthew. Di maipagkakaila.
"Why? Nagkasakit ka?" Lumapit siya sa akin at nilagay ang likod ng palad niya sa noo ko. Naalala ko naman si Baekhyun! Ganitong-ganito din ang ginawa niya sakin. Natigilan ako at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Wala ka naman lagnat."
Hinawi ko ng bahagya yung kamay ni Matthew. Di ako mahinga ng ayos dahil sa ilang pagitan lang ang layo namin sa isa't isa.
"I'm f..fine."
Di ko alam kung bakit. Bakit ganoon ang puso ko. Dahil ba kaharap ko si Matthew o dahil naalala at nakikita ko sa kanya si Baekhyun?
* * *
Vote. Comment. Support.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Dream
RandomEvery fangirl's dream is to be notice and be close with oppa, right? And this story will make you believe that, that dream will be possible.