Kesha's Point of View
~Nal bogo michyeo
(C.R.A.Z.Y) ttara hae
(C.R.A.Z.Y) modu da michyeo~"Ugh!" Rinig kong sigaw ni Kylie. Nagkamali siya. "Sorry."
"Okay sige. Pahinga muna tayo." At pagkasabi ko non ay nagsipagpahinga na sila.
Umupo ako sa dulo ng practice room. Nagpapapractice kasi kami today for next week's event. Lumapit sa akin si Mark at inabutan ako ng tubig.
"Thanks." Then I smile.
Umupo siya sa tabi ko at naglabas ng bimpo at pinunasana ang pawis ko. Ang sweet talaga ng bestfriend ko. Hihi. Thank you po, Lord.
"Thank you, bestfriend!" Natigilan siya sandali pero ngumiti lang. Ngiting halata mong may mali. Pero di na ako nagtanong, sasabihin din naman niya sa akin kung may problema.
"Welcome, b..bestfriend." At ngumiti ulit siya.
Naghintay pa kami ng ilang minuto saka pinagpatuloy ang pagpapractice. Six in the evening na din ng matapos kami sa pagpapractice. Nililigpit ko na ang gamit ko at halos ako na lang ang tao sa practice room pati si Mark na nakasandal sa pintuan.
"Oh, bat ayaw mo pa umuwi?" Kinakausap ko siya kahit di ako nakatingin sa kanya.
"Inaantay ho kasi kita. Hatid na kita. Gabi na, delikado."
"Kayang-kaya ko naman silang labanan no!" At nag-akto pa ako na parang nakikipaglaban. Sipa dito, sipa doon. Suntok dito, suntok doon.
Ngunit tawa lang niya ang nangibabaw sa loob ng kwarto. Seryoso kaya ako. Hmp!
"Talaga lang ha? Eh kung di kaya sinundan noon dati edi sana nanakawan ka na noong araw na yon?"
"Oo na! Ikaw na panalo."
"Hahahaha. Halika na." Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagdala.
Naglalakad na kami ng tahimik. Pero di awkward. Actually, naeenjoy ko ang katahimikan.
Nasa tapat na kami ng apartment ko inabot niya sa akin ang bag ko at nagpaalam na. Papasok na sana ako ng bigla niya akong tawagin.
"Bakit?"
Napahawak siya sa batok niya na parang nahihiya. "Ahh. W...wala pala. Hehehe. Bye!" At tumakbo na siya paalis.
Weird.
Parang may gusto siyang sabihin ehh. Ramdam ko lang. Eh ano naman kaya yon?
Naglalakad ako sa campus. Wala kasi akong klase. Si Mark naman busy sa club. Nagpapractice din sila ng ipeperform nila next week. Si Kylie naman ay may klase. Ako lang ang di busy. Hahaha.
Tumigil ako sa music room ng may marinig akong kumakanta doon.
~Didn't you want to hear the sound of all the places we could go?
Do you fear the expressions on the faces we don't know?
It's a cold hard road when you wake up and I don't think that I
Have the strength to let you goMaybe it's just me, couldn't you believe
That everything I said and did wasn't just deceiving?
And the tear in your eye and your calm hard face
Makes me wish that I was never brought into this place~Binuksan ko dahan-dahan ang pinto ng music room. Madilim sa loob kaya di ko masyadong makita kung sino ang kumakanta.
~There goes my ring, it might as well have been shattered
And I'm here to sing about the things that mattered
About the things that made us feel alive for, oh, so long
About the things that kept you on my side when I was wrong
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Dream
De TodoEvery fangirl's dream is to be notice and be close with oppa, right? And this story will make you believe that, that dream will be possible.