moonlight

440 25 4
                                    

**

Inilibot ko ang aking paningin ngunit ganoon parin ang nakapaligid sa akin, mga malalaking puno na tila tinatakpan ang mga ulap, mga tuyo't na dahon na gumagawa ng ingay kapag ito'y natatapakan at mga kuliglig na gumagawa ng kakaibang tunog.

Huminga ako ng malalim, kanina pa ako tumatakbo para lamang makaalis dito sa madilim at nakakatakot na kagubatan ngunit parang paulit-ulit at paikot-ikot na lamang ako.

Naupo na lamang ako sa isang malaking ugat ng puno at tumingala, madilim na at tanging ilaw ng buwan na lamang ang nagsisilbing ilaw ko sa kagubatan na ito, bagamat nasa ganitong sitwasyon ako'y hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng ilaw ng buwan...the moonlight

Walang bituin tanging bilog na buwan lamang ang kumikinang sa madilim na kalangitan. Tumayo ako upang tahakin muli ang masukal na gubat na ito, na posibleng may daan upang makaalis ako rito ngunit bago pa man ako makahakbang isang ungol...mali dalawa na nasundan pa ng isa at ng isa pa hindi mali...labindalawang ungol ang pumailanglang sa kagubatan na ito.

Napako ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw ng makarinig ako ng mga mabibilis na yapak papunta sa direksyon kung saan ako nakatayo, blangko ang isipan ko, naririnig ko lamang ang mga tunog ng tuyo't na dahon, mga mabibilis na yapak at kakaibang ingay ng mga kuliglig.

Pabilis ng pabilis at alam kong palapit ng palapit ang mga ito, palakas ng palakas naman ang tibok ng puso ko kasabay ng tunog ng mga tuyo't na dahon na animo'y inaapakan ng taong papalapit sa akin.

Nanlalaking mata kasabay ng paghiyaw ko, tumama ang likuran ko sa isang higanteng puno hawak niya ang mga balikat ko, napakabilis ng pangyayari bigla na lamang akong itinulak ng puwersa niya hindi ko man lamang siya nakitang paparating.

"S-sino ka, mister. A-anong ginagawa mo?" tanong ko, ngunit wala akong natanggap na sagot

Itinaas ko ang paningin ko upang salubungin ang mga mata niya ngunit nanlambot ang mga tuhod ko sa nakita ko, ang mga mata niya'y malalim na kulay abo't pulang mata, may mga sugat siya, kakaiba.. hindi normal, nakakatakot at nakakakilabot.

Hindi ko makita ang kabuuan ng muka nito ngunit salamat sa ilaw na nanggaling sa buwan naaninag ko ang itsura niya ng kaonti.

Nakarinig pa ako ng mga mabibilis na yapak ngunit ngayon iba na ito mukang marami sila, mali marami talaga sila dahil sa mga tuyo't na dahon na kanilang inaapakan nalalaman ko kung marami o hindi ngunit ngayon, marami sila.

Kunot noo akong tumingin ng hindi parin ako binibitawan ng estranghero bagamat natatakot nagawa kong salubungin ang nakakakilabot niyang titig at mata.

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ng bigla niyang inilapat ang mga labi niya sa akin, napako ako aa kinatatayuan ko at tila hindi ko na alam ang gagawin at kung ano nga ba ang nangyayare, nagsimula siyang gumalaw at idiniin niya ang mga labi niya sa akin kasabay ng pagbilis muli ng mga yapak. Kinagat niya ang mga labi ko at nakaramdam ako ng hapdi mula dito, nalasahan ko ay pawang kalawang... unti-unti parang hinihigop ang lakas ko.

Napatitig ako sa mga pinaghalong abo at pulang mata nito, nagtatanong ang mga mata ko kung bakit niya ito ginagawa. Inihiwalay niya ang mga labi nito sa akin.

Isang ngisi, isang nakakatakot na ngisi ang ibinigay niya sa akin, hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako ngayo'y nanghihina...

"guess what you have been claimed by a monster, baby..."

"...under the moonlight you have been claimed by me, you are now my property."

I hate sunrise, because it doesn't meant hope. It means another day to face word's cruelty

I hate sunset, because it doesn't meant serendipity. It means end.

I am never fan of stars, because i refused to believe that stars meant bright luck. It means 'lies'.

And then moonlight... i love moonlight but now i'm starting to hate it.. i loathe it.

moonlight...it witnessed how my life turned upside down.

It witnessed how i was claimed by this so called...monsters

**

No parts of this story can be post on other sites, steal the story and delete the copyrights unless/otherwise the author of the story said so. Plagiarism is a crime.

©weirdcupcakesy, 2017

MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon