**
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat, dahan dahan kong iminulat ang aking mata bumungad sa akin ang hindi pamilyar na lugar.
Agad akong naupo sa matigas na papag na aking hinihigaan, inilibot ko ang aking paningin pinagmasdan ang hindi pamilyar na lugar kung nasaan ako.
Mula sa kurtina na tumatakip at nagsisilbing harang sa pintuan, isang bata ang sumilip.
"Inay! Gising na po siya." rinig kong sabi nito.
"Siguro sa iyong kaingayan kaya nagising ang dalaga, ano?" rinig kong ani ng isang babae. Napatingin ako sa aking suot, isang maluwang na kulay puting bistida. Napakunot ang noo ko ng mapagtantong hindi itong bistidang ito ang natatandaang suot ko ang suot ko'y maikling short at isang sweatshirt.
"Hindi ho, inay!"
Napabalik ako sa katinuan ng sumilip ang babaeng may katandaan na at ngumiti sa akin. "Oh iha, gising ka na pala halika tumayo ka riyan at sabayan mo kami sa agahan." malumanay na sabi nito, sinagot ko ito ng isang tipid na ngiti at tango. Agad akong tumayo at sumunod sa kaniya.
Nakita ko ang mga pagkain sa maliit na lamesa, isang babaeng mukang kaedad ko, isang batang lalaking maliit at ang babaeng tumawag sa akin. Nginitian ako ng matanda at inayang umupo at saluhan sila, nagugumilihanang naupo ako sa harap ng babaeng kaedaran ko.
"Ano pong pangalan niyo ate ganda?" sabi ng batang lalaki sa akin agad naman akong napangiti at nagsandok ng mga pagkain na nasa lamesa.
"Ako si Chasley Shann Frest" ani ko agad napatingin sa akin ang babaeng nasa harapan ko.
"Mukang sa iyong pangalan pa lamang halatang galing ka sa isang mayamang angkan." malamig na sabi nito sa akin, kaagad napatigil ako sa pagsubo.
"Hindi ako, ngunit ang mga magulang ko." agad na ani ko.
"Saan ba ang iyong tirahan, iha at papaanong napunta ka sa dusk woods?" tanong sa akin ng matanda.
"Dusk woods?" tanong ko ng nagtataka at sumubo ngayon ko lamang nalasahan ang ganitong mga pagkain, kakaiba kesa sa nakasanayan ko ngunit masarap.
"Wala ka pong natatandaan? Kagabi'y nakita ka po namin ni Ate Seira sa dusk woods, wala pong malay." sabi ng bata agad napahinto ako sa pagkain at inaalala ang mga nangyare.
Ngunit wala, wala akong matandaan agad akong napailing sa kanila. Nagtaka ako ng nagtinginan sila sa isa't isa.
"Wala po akong matandaan. Ang alam ko lamang po, sumama ako sa bakasyon ng mga magulang ko sa Dustria Province po dahil may tinayo pong resort ang mga magulang ko ngunit ng makarating sa resort naisipan ko po munang libutin ang buong lugar ngunit natagpuan ko na lamang po ang sarili ko sa isang masukal na kagubatan at..." sabi ko at napayuko ng hindi ko na alam kung anong kasunod ang nangyare sa akin.
"...at hindi ko na po alam ang sunod na nangyare sa akin." sabi ko ngumiti naman sa aking ang matanda.
"Okay lamang iha ngunit...napakalayo ng Dustria mula dito nakakapagtakang napadpad ka rito." sabi nito na siyang ikinataka ko.
"Nandito ka sa Exordia." diretsong ani nung Seira sa pagkakarinig ko ng pangalan nito.
"E-exordia?"
"Lugar kung nasaan ka ngayon, wag kang mag-alala nasa pilipinas ka parin." ani Seira.
"Opo ate, yun nga lamang po tago at layo ang lugar ng Exordia kung kaya't wala po masyadong nakakaalam na mayroon pong lugar na Exordia." napatango na lamang ako.
"Hindi ko lamang alam iha kung papaano ka makakarating ng Dustria Province dahil sa isang buwan pa ang layag muli ng cruise ship." agad akong napailing.
"Hindi...hindi po ako uuwi." agad naibagsak ni Seira ang kubyertos at napatingin silang tatlo sa akin. Napayuko at napakagat sa labi.
"Sa totoo lang, gusto kong tumakas...tumakas sa mga magulang ko, tumakas sa buhay na meron ako, tumakas sa mga taong nakapaligid sa akin. I never felt that i am their daughter nor i am loved by them, even treating me as a person would do for me, but no...t-they imprisoned be instead. Binilanggo nila ako, they took away all of my freedom. Hindi niyo po ako masisisi kung ayaw ko ng bumalik sa kanila. Probably, they knew i was lost but they just don't care at all so they wouldn't exert even a single effort just to find my whereabouts." sabi ko at napangiti ng mapait ng maalala ang buhay na meron ako bago ako mawala ngunit hindi na masama ang pagkawala ko, i atleast got my freedom back and i knew they were so happy as hell when they found out that the daughter-no, the person they loathe is now gone.
"Naiintindihan ka namin, iha. Ngunit, sigurado ka ba sa desisyon mo?" napakagat labi ako at tumango.
"Papayagan ka naming dito tumira ngunit kailangan mong pagtrabahuhan ang lahat." walang ganang sabi sa akin ni Seira, agad na napangiti ako ng malaki sa kaniya.
"Really? Naku! Maraming salamat po, opo magta-trabaho ako." sabi ko, napatawa sa akin ang matanda.
"Iha, sigurado ka ba talaga? Alam mong maliit lamang ang espasyo ng tirahan namin, masikip at hindi palasyo kagaya ng bahay na iyong nakalakhan." sabi ng matanda.
"Siguradong sigurado po."
"Pwede kang matulog sa kutson ko." sabi ni Seira, marunong ba siyang ngumiti?
"Mo? Paano, san ka matutulog kung gayon, huwag na lamang." sabi ko habang iniwasiwas ang kamay ko tanda ng pag-ayaw ko.
"Naku Ate, pe-pwede po. Si Ate Seira tuwing sabado't linggo lamang po siya dito natutulog at nauwi." napakunot ang noo ko.
"Bakit naman?"
"Nag-aaral po kasi siya sa dormitory school sa Exordium University po."
"Exordium University?" naibulong ko. Why i felt a sudden goosebumps all over my body? Hindi ko alam bakit iba ang epekto nito sa akin.
"Sorry po ate hindi ko po masasabi sa inyo dahil hindi po pinahihintulutan sina ate na maglabas ng mga impormasyon na nanggaling sa loob o nangyayare po sa loob."
"Sven! Sinabi ni ate diba na huwag kang sumali sa usapan ng matatanda?" saway ni Seira, Sven pala ang pangalan ng bata, napayuko ito.
"Bakit naman bawal?" tanong ko ngayon kay Seira ngunit binigyan niya ako ng malamig na titig.
"Kung gusto mong umuwi sa inyo ng normal pa rin ang buhay at manirahan dito ng normal huwag mo na lamang alamin. I won't give you further information, kaya iwaksi mo na lamang sa isipan mo ang tungkol sa University." sabi nito at tumayo.
"Ako na ho inay ang maghuhugas ng pinggan." rinig kong sabi nito ngunit malalim ang iniisip ko.
Ako ang tipo ng tao na hindi titigil ang kuryosidad hanggat sa makita ko at malaman. Oo, punong puno ako ng kuryusidad at sa ngayon hindi nanaman ako mapalagay ang kuryosidad ko sa katawan at ngayon lalo akong nakukuryos sa universidad na sinasabi ni Seira.
Why is it so mysterious? Even Seira's words sounded so mysterious, I mean why she wouldn't let me know or the university rather wouldn't let people know what was happening inside that University? Now i am much aware that i am hella curious, and this is not good..this curiousity might lead me into a worst situation and i'm also aware of it
But why i wanted to know more about Exordium University?
***
Im Yoon Ah as Chasley Shann Frest
BINABASA MO ANG
Moonlight
FantasyChasley Shann Frest had been locked up by her mother. In her whole life, she never experience how it feels outside on her four-cornered room. Until she found this strange city, strange university and met strange people. ©weirdcupcakesy, 2017