Kabanata 2

168 17 0
                                    

***

"Salamat nga pala sa pagpapahiram mo sa akin sa bistidang ito." sabi ko habang nakangiti kay Seira. Nagboluntaryo akong tulungan siya sa paghuhugas ng pinggan.

Huminto siya at tingnan niya ako tumango lang siya at ngumisi. "Pinapatuyo pa ang mga damit mo." walang ekspresiyong sabi nito, ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagbabanlaw ng mga pinggan habang kaniya itong sinasabunan.

"Salamat rin pala sa pagpapatira sa akin dito. Pasensya na dagdag ako sa pabigat sa inyo at hayaan mo kapag naglayag ang cruise ship na sinasabi ni Nay Sara baka uuwi na lamang ako." sabi ko at malungkot na ngumiti. Napagtanto ko na ang pangalan pala ng matandang tumawag sa akin ay si Nanay Sara.

Tumigil siya sa pagsasabon ngunit patuloy pa rin ako sa pagbabanlaw "Hindi, pinayagan kitang tumira sa amin upang may kasama si Inay sa tuwing wala kami ni Sven at..." sabi nito at tinuloy ang pagsasabon "...kung hahayaan ka nila." dagdag nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" ngumisi lang ito bilang sagot niya. Hindi ko talaga minsan maintindihan si Seira, napakalalim minsan ang mga salita niya halatang may laman at mapapaisip ka talaga.

"Ako na diyan, hindi dapat pinagta-trabaho ang mga kamay mo na halatang pinag gastusan upang maging malambot at makinis, animo'y hindi kailanman nararapat pagtrabahuhin." sabi nito sa akin. Umiling ako sa kaniya at ngumiti.

"Ako na, hayaan mo ako. Oo tama ka namuhay ako na parang isang prinsesa yun nga lang ang kinaibahan ko ako nakakulong, at walang tumutulong. Alam mo mas gugustuhin ko ang magtrabaho ang mamuhay ng kagaya niyo kaya kahit sa ibang bansa ako pinadala ng mga magulang ko at ikinulong inaral ko ang tagalog kaya eto matatas ako managalog." ani ko agad siyang napatigil at napatingin sa akin.

"Kakaiba...tapusin na natin ito" sabi niya kaya agad naming tinapos dalawa ang paghuhugas ng plato. Unang beses ito para sa akin, napakaraming unang beses mukang magugustuhan kong mamuhay ng kagaya nila.

Isang linggo na akong naninirahan dito sa Exordia at bagamat medyo nahihirapan ako sa una, nasanay na rin ako sa umaga gigising ako upang ihanda ang almusal nina Nay Sara at ang pagpasok ni Sven, palagian ko siyang inihahatid hindi na rin kasi kaya ni Nay Sara.

Nakakapagtaka lamang na kinabukasan ng umaga ang uwian nila. Si Seira naman ay umaalis ng gabi ng linggo at nauwi ng sabado ng umaga, dahil nga isang dormitory school ang pinapasukan niya. At ako naman, pansamantalang tinutulungan si Nay Sara sa inaalagaan niyang bukid.

Ang kakaiba lang sa lugar na ito ang mga tao, bukod kasi sa malimit ang paglabas nila sa umaga palagiang gabi ngunit nakakatuwa kasi tuwing gabi parang piyesta dito.

Nagugupit ako ng mga mahahabang damo ng tawagin ako ni Nay kaya agad akong lumapit.

"Bakit ho?"

"Chasley anak, pakibigay mo nga sa akin ang buto ng mga panibagong itatanim. Kuhanin mo don kay Ginang Presi alam mo naman diba?" tanong nito ngumiti at tumango na lamang ako. Si Ginang Presi ang mayordoma ng nag mamay-ari ng malaking bukid na ito, palaging wala daw ang amo nila Nay kaya siya ang muna pansamantala ang nangangasiwa.

Nagsimula ko nang tahakin ang daan patungo sa kanila. Madali lang naman na malaman kung nasan ang tirahan ni Ginang Presi dahil sila lang ang may pinakamalaki na bahay dito sa buong Exordia. Huminto ako ng nasa tapat na nila ako, kumatok ako ng tatlong beses at agad may nagbukas nito.

"Uhm, good evening po pinapakuha po ni Nay Sara ang mga buto na itatanim ho?" sabi ko agad niyang ibinigay sa akin ang buto at isinara ang pinto. Sanay na ako sa ganong trato ng mayordorma hindi ko nga lang alam kung bakit.

Papaalis na sana ako ng mapansin ako ang isang pamilyar na mukha papunta sa isang kagubatan.

"Se-Seira?" tanong ko ang alam ko pumasok na siya kanina pang madaling araw ngunit bakit siya nandito at pumasok sa isang kagubatan?

Dahil sa kuryosidad, sinundan ko kung saan siya pumasok, pumasok siya sa isang madilim at masukal na kagubatan na pinapalibutan ng malalaki at matataas na puno kung kaya't madilim ang kagubatan agad pinangtaasan ako ng mga balahibo at nanlamig ako ngunit agad kong winaksi ang mga iyon sa isipan ko nakita ko siyang lumiko kaya, lumiko rin ako at hinabol siya.

"Seira!" tawag ko pero hindi ko siya maabutan tinawag ko siyang muli ngunit nawala na siya sa paningin ko, inilibot ako ang paningin ko pero mga malalaking puno na lamang nakikita ko muli ko siyang tinawag at wala parin. Maraming beses ko pa siyang tinawag hanggang sa napagod na ako kaya napasandal ako sa kumpol ng malalaking dahon ngunit hindi lang pala ito kumpol ng dahon dahil bigla ako nalaglag...isa pala itong daan.

Napadaing ako sa sakit ng hawakan ko ang balikat ko agad akong napatayo at napadaing muli. Tiningnan ko kung nasan ako, nasa isang madilim na kweba ako dire-diretso akong naglakad hanggang sa may makita akong liwanag tumakbo ako doon at napanganga sa nakita ko.

"Exordium University..." basa ko sa nakaukit sa gilid.

Oo, nandito ako nakapasok ako sa likod ng University, nasa likod at nasa loob ako ng University. Napanganga ako sa laki halos walang mga estudyante ang naglalakad, may limang naglalakihang gusali dito.

"Cha-chasley? Anong ginagawa mo dito!" nakita ko ang gulat na gulat na muka ni Seira at agad akong hinatak.

"Sanda-" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Sinabi ko na sa iyo na samahan mo si Inay hindi ba? At huwag na huwag kang aalis sa kaniyang tabi, ano ka ba! Bat hindi mo ko pinapakinggan, bat andito ka?" nagulat ako ng makita ko siyang nagpipigil ng galit, agad akong napayuko.

"Pasensya ka na, dapat nga pala akong nasa tabi ni Nay Sara pasensya ka na, kasi nakita kitang papasok dito kaya sinundan kita." sabi ko agad nanlaki ang mata niya at para bang natatakot.

"Pumasok ka sa d-dusk woods at na-nakarating ka dito ng walang galos?" takot na tanong nito, naguguluhang tumango ako.

"Damn it, it was just an illusion!" sumigaw siya dahil sa sobrang frustrate na siyang ikinakaba ko.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, hayaan mo aalis na ako sinilip lamang kita-"

"Yung nakita mo kanina, isang illusion lamang bakit mo sinundan?" sabi nito habang hawak ako ng madiin sa dalawa kong balikat napadaing ako at bago pa man makapag salita may malalim na tinig na akong narinig.

"Ms. Giovan you are hurting the new student." agad siyang napabitaw sa akin at napatingin ng malamig sa taong nagsalita. Ang isa nasa katandaan niya na habang may dalawang lalaki sa tabi nito, bakas sa may lalaking may katandaan ang kapangyarihan at karangyaan nito.

"Ginoo." sabi lamang ni Seira ngunit tumingin ito sa akin nahihiya akong tumingin sa kaniya.

"A-ah, aalis na po ako." sabi ko.

"Nope." sabi nito sa nakakalibot nitong boses at saka tumawa, nakakakilabot.

"You are a student of Exordium now." sabi nito kunot noong sinalubong ko ang tingin nitong napakalalim ngunit agad din akong napaiwas na ikinangisi niya.

"Lahat ng taong nakakapasok sa Unibersidad na ito ay isa ng estudyante at walang sinomang makakaalis."

"You are the one who let yourself in, now there is no way for you to get out. Welcome here in Exordium University."

Isang ngisi ang ibinigay niya bago umaalis.

What just happened?

***

MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon