Kabanata 3

172 18 1
                                    

**

"A-anong g-ginagawa nyo? B-bitawan ninyo ako!" tanging sambit ko matapos ang pag-alis ng misteryosong matanda.

"Iniutos ni Ginoong Diabolus" ani sa akin ng isang lalaking nakahawak sa braso ko. Sinubukan kong ialis ang mga braso ko sa hawak nila ngunit masyado silang malalakas at mahigpit ang pagkakawak nila sa akin.

"S-Seira, h-hindi ko alam kung s-saan nila a-ako d-dadalhin, Seira!" tawag at hingi ko ng tulong kay Seira.

"I told you to stay away from this University Chasley. I'll tell you all, later. Now sumama ka muna, wala tayong magagawa." sabi nito agad akong pinaghinaan ng loob, i mouthed sorry tumango lamang ito at yumuko nagpatianod naman ako sa hila ng dalawang naglalakihang tao.

Hindi ko mapigilang humanga sa instraktura ng unibersidad na ito kahit may nararamdaman akong masamang kutob.

Nakakapagtaka lamang at bilang ang mga estudyanteng nakikita ko hindi ba isa itong paaralan? Ngunit hindi ko mapigilan na hindi magduda lalo na sa mga narinig kong kataga kay Seira.. illusyon? Bakit alam ng mysteryosong lalaki ang buo kong pangalan na para bang kilalang kilala ako nito at matagal na akong hinihintay.

Paaralan nga ba talaga ang isang to?

Dinala ako ng mga naglalakihang ito sa isang opisina, isang malaking opisina kung saan mayroong nakatalikod mula sa amin na tila pinaglalaruan sa kamay nito ang pulang likido na alak.

"Ginoo." bati ng dalawa pagkatapos ako ay binitiwan, hinawakan ko ang parte ng kamay ko na madiin nilang hinawakan kung kaya't nagkaroon ito ng bakas, naiinis kong binalingan ang lalaking ngayo'y tumawa.

"Ikaw na nga binibini." malamig na sambit nito.

"Anong sinasabi ninyo, maari na ba akong makaalis dito dahil hindi ako nag aaral dito." sabi ko, humarap ito sa akin at halos pangilabutan ako sa lamig ng mga mata at nakakatakot nitong ngisi ngunit agad kong iwinaksi sa isipan ko.

"Ngunit hindi ba kuryos ka binibini sa unibersidad na ito."

"Oo, ngunit wala akong balak na pumasok dito. Naguguluhan ako anong ilu-ilusyon? Aalis na ako ginoo." sabi ko handa na akong umalis ng magsalita muli ito.

'Ngunit binibini tinahak mo ang lugar kung saan walang kasiguraduhan na makakabalik ka sa lugar na iyong pinanggalingan." sabi nito agad napakunot ang noo ko.

"Maging masaya ka sa pananatili mo dito, binibini." at isang nakakatakot na ngisi ang kumawala sa kaniyang labi

"Ginoo." biglang pumasok ang isang matanda na napagtanto kong ito ay ang matandang sumalubong sa akin kanina.

"Ihatid mo na ang binibining ito sa kaniyang tutuluyan." sabi nito ng hindi nakatingin samin ngunit nakangisi ito sa kaniyang kopita na siyang nagdala ng kilabot sa akin.

"Masusunod ginoo." sabi nito humarap sa akin at hinatak ako para sundan siya.

Nagpatianod ako sa kaniyang hatak, hindi pa rin maalis sa akin ang takot sa ngisi ng matandang iyon, tila nanaisin ko na lamang na hindi iyon muling makita.

"Dito ka mananatili, binibini." sabi nito at umalis aangal sana ako na hindi ako dito mag-aaral ngunit huli na, umalis na ito.

Tiningnan ko ang maliit na pintuan sa harap ko, huminga muna ako bago kumatok at di naman ako nagkamali na ma'y nagbukas nito.

"What?" agad akong napaatras sa kaniyang katanungan, napaka taray ng isang ito ngunit napakaganda niya rin.

"Ano ba Yana wag mo tarayan!" sabi naman ng isa pa.

MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon