TBUP 1

853 33 1
                                    

TBUP -1: The Reason Why }

Wednesday ngayon at free day namin. Ewan, siguro tamad na ang mga teachers namin. Kaya nandito kami ni best sa canteen, ako kumakain ng hersheys, siya nagbabasa ng pocket book.

"Ay best, tignan mo 'yung dalawa run sa sulok." Sambit ko sabay kalabit sa bespren kong nagbabasa ng pocket book.

Ibinaba niya 'yung libro niya at tumingin siya sa akin. "Saan?" Tanong niya.

"Paano mo makikita eh nakatingin ka sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Ayun oh." Sabay pihit ng ulo niya.

"Ano best, anong hula mo?" -Ako.

"Tss, huwag na. Ikaw lang naman mananalo eh." At bumalik ulit siya sa pagbabasa ng libro.

Hinablot ko 'yung libro sa kanya. "March! March sila magbre-break!"

"Akin na nga 'yan!" Kinuha niya 'yung libro sa kamay ko at nagbasa ulit. "April."

"Yan ang gusto ko sa'yo best eh!"

Hindi lang naman talaga ako ang Break-Up Planner sa school na ito eh, dalawa kami ng bestfriend kong si Leonel , pero pinipilit ko lang siyang manghula para may thrill! May kapustahan! Mwhahaha!

Siguro tinatanong niyo kung bakit ako ganito nu? Ewan ko rin eh, ang weird-weird ko. Sabi nila pinaglihi raw ako kay Madam Auring. Pero yuck? Paano 'yun nangyari eh hindi naman naniniwala sa hula ang nanay ko.

My name is Jhoanna Lester fuentes and I'm the certified Break-Up Planner.

Dalawa ang pangalan ko but just call me jhoanna, ayoko kasi nung Lester eh.

"Lesssstttteeerrr! SI John Dhell!!" Sigaw ni leonel papalapit sa table na kinaroroonan ko.

"Putik leonel! Di ba sabi ko sa'yo, jhoanna? Ilang taon na tayong magkaklase?!"

"Eh kasi, mas maganda 'yung lester eh. By the way, parating na si john dhel!" Sabay hampas sa akin.

"So kailangan hampasin mo ako? Paki ko ba sa john dhell na 'yan? Teka, may babae bang kasama?"

"Tignan mo 'yan! 'Yan ba ang walang pake ha jhoanna?"

"So meron nga?"

"Wala."

Ex-boyfriend ko si john Dhel garcia, siya lang naman ang Student Council President ng Destiny High. Running for Valedictorian siya sa klase namin. Tama! Kaklase ko siya at ka-seatmate pa and that makes it more awkward dahil ex ko siya. Katunayan nga, kaka-break lang namin last year eh.

Bakit kami nag-break? Dahil sa hindi malamang dahilan.

*flashback*

Nakatayo kami ngayon sa roof top ng school. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig sa kanya. Gulong-gulo ang isip ko at pilit tinatanong sa sarili ko kung paano kami umabot sa ganito.

"Wala namang problema sa'yo eh, sa akin meron."  Sabi ni John Dhell habang nakayuko.

"Tumingin ka nga sa akin John Dhel! Ano ba talagang problema? Bakit ka nakikipag-break sa akin?!"

"Please, intindihin mo naman ako."

"Pinipilit ko! Pero kahit anong pag-intindi ang gawin ko wala pa rin! Hindi ko pa rin maisip kung bakit. Ano ba talagang problema? Bakla ka ba?!"

"What?! What the hell are you saying?!"

"May iba ba?!"

"W-wala! Hindi na kasi kita mahal and to tell you frankly, I didn't love you."

*end of flashback*

Bigla ko na lang iniwan si Best sa canteen nang pumasok dun si John dhel, tumakbo ako rito sa hagdan ng roof top. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano 'yung hindi ko naibigay. Ano bang kulang ko?

Shet, umiiyak na naman ako. Bakit ba hindi maubos-ubos 'tong luha ko para kay john dhel?

Simula nung break-up na 'yun, naging ganito na ako. Mahilig na akong manghula ng break-ups. Pag minsan sakto, pag minsan late. Mga ilang weeks din naman, hindi naman 'yung 2-5 days na sinasabi nila! Eksaherada?!

Haays! Bitter na kung bitter! Yes, I even begged john dhel to stay pero wala talaga eh.

So alam niyo na kung paano naging Break-Up Planner si jhoanna? Tsk tsk.

Makaalis na nga sa place na 'to, palagi lang nitong pinapaalala kung gaano ako katanga.

***

Naglalakad ako sa corridor nang bigla kong makasalubong si john dhel.

Hinarang niya ako at hinawakan sa braso. "Ano?!" Pagalit kong tanong.

"Pwede bang tigilan mo na ang pakikialam sa iba?"

"What did you say? Ako nakikialam? Eh wala nga akong pakialam sa paligid ko eh. How come na naging pakialamera ako?!" Pagalit kong sabi. Shems, ang gwapo niya pa rin! Lalo na pag seryoso!

"Bakit ba kasi kailangan mong manghula ng break-up ng iba? Andami ng naiinis sa'yo alam mo ba 'yun?" Hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ko

"Aray!" Agad niyang binitawan ang braso ko. "Wala akong paki sa sinasabi nila. Eh kesyo nga gusto ko eh! Tyaka kasalanan ko ba? Hindi ko naman sinabing mag-break sila eh! Hinulaan ko lang! Kaya pwede ba john dhel, huwag mo na akong pagsabihan at magkunwaring concern ka sa akin, kasi hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa'yo!"

Nag-walk out na ako. Grabe lungs, ang taray-taray ko! Pero wasak pa rin ang puso ko! Ang sakit-sakit pa rin! 'Yun ang first time na kakausapin namin ang isa't isa after ang break-up namin. Ang saklap pa dahil nag-away pa kami.

Punyeta lang john dhel! Sana maisip mo kung anong pinakawalan mo gago ka!

Pramis ko sa'yo! Kapag nagka-girlfriend ka, sisiguraduhin kong makukuha ko ang exact date ng break-up ninyo! As in 'yung walang palya!

---------------
{N/A: my god kinakabahan ako. Please vote and comment on my story kung may mali o walang kwenta😂😂. Vote lang guys😂😂😂.}

The BREAK-UP plannerWhere stories live. Discover now