TBUP 7

440 24 1
                                    

TBUP -7: May Crush Ako Kay JARED? }



Ito na ata ang pinakamasayang araw sa tana ng buhay ko. Ang pinakahihintay ko, ang kasal namin ni John dhell :)

"Ikaw lalake, tinatanggap mo ba si Jhoanna lester Fuentes bilang iyong kabiyak panghabang buhay?" Tanong ng Pari kay John dhell.

"Yes Father." Nakangiting tugon ni John dhell.

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si John dhell Epiales bilang iyong kabiyak panghabang buhay?"

"Op-"

"ITIGIL ANG KASAL!" May isang lalakeng sumigaw mula sa pinakadulo ng aisle. Agad ko itong nilingon at lumantad sa akin si jared. "lester! Di ba ako 'yung mahal mo? DI BA?! SABIHIN MO!"

...

...

...

...

...

"WAAAAAAAAAAAAH!" Shet, panaginip lang pala. Pucha! Akala ko totoo na. Bangungot!!

Okay na eh! Ikakasal na 'ko kay john dhell eh. Bakit may jared pang kasama? Aish! Panira! Kahit panaginip lang 'yun eh masaya pa rin naman kung hindi lang sana dumating 'yung jared na 'yun!

Oh, speaking of Jared... 'di ba binantayan niya ako kagabi rito? Saan na siya? Tsss, malamang umuwi na! May pasok kaya ngayon!

AY SHET! OO! MAY PASOK NGAYON! LATE NA NAMAN AKO!! >______<

Tinignan ko 'yung wall clock ko na nakasabit sa wall namin, malamang? Wall clock nga 'di ba? Kdot. 9:00 AM naa?! Paano ako makakapasok? Aish!

Babangon na sana ako nang makita ko 'yung sticky note sa drawer ko. May nakasulat.

"Wag ka nang pumasok, magpahinga ka na lang dyan. Ingat!" -Jared.

Okay? Si jared ang nagsulat? Sus, itong fafa jared na 'to sobra nang nagiging mabait! Nagugustuhan ko tuloy siya.

Anong sinabi ko? Nagugustuhan? ERASE! Di ko siya magugustuhan, si John dhell lang okay? Tyaka may deal pa kami eh. Tyaka, hindi ko siya type. Praaaaaaaaaamis!

Papasok na lang ako mamayang 12:00 noon. Half day lang :D

FAST FORWARD.

--12:30 noon.

Ayun, nasa school na 'ko. Sigurado ako nasa canteen si Best leonel at kumakain, mapuntahan nga.

Pagkapasok ko sa canteen ay natanaw ko kaagad si Best habang umiinom ng juice. Pumunta ako sa lamesa niya at umupo roon.

The BREAK-UP plannerWhere stories live. Discover now