TBUP 3

526 16 0
                                    

TBUP -3: I'm jared and I'm your worst nightmare }


Ang boring-boring-boring talaga!! I love Mathematics! I really love Mathematics! I love Mathematics forever!

Damn! I just CAN'T love Mathematics! Bakit pa kasi may ganung subject pa?! Bakit kapag bumili ka ba sa palengke ng gulay sasabihin mo bang:

"I will buy this for 2x2+ 3y=9"

Shet lang! Kung ganun din lang naman ang silbi ng Math eh hinding-hindi na ako bibili sa palengke! Bakit ba kasi kailangan nito? Di naman ako kukuha ng Engineering! Hinding-hindi ako kukuha ng course na may kaugnayan sa Math nu!

"Okay class, bring out one whole sheet of paper. We'll have a surprise quiz." -Teacher.

Waaaaaaaaaah! Anong surprise quiz?! Wala akong naintindihan sa tinuro nila eh! Paano na ako? Ang layo-layo pa naman ni Best sa akin. Kanino ako kokopya?!!

Teka nga at maglalabas muna ako ng papel~

*bukas bag; hanap papel*

Kung mamalasin ka nga naman oh! Nakalimutan kong bumili ng papel! Aish! Bobo mo Jhoanna!

Luminga-linga ako sa mga kaklase ko para humingi ng papel. Kaso naalala ko, bawal palang humingi ng papel. May rule kasi kami sa room na bawal maging "parasites". Parang bawal umasa sa iba, provide your own materials daw or kung hindi, wag ka ng mag-aral.

"Number one. What is the blah blah blah blah-------"

Lagot na! Paano ako?!!!!

"Oh ayan." Sabay abot sa akin ng one whole sheet of paper ng patago.

Ang nag-abot? 'Yung dakilang ex ko. Bakit john dhel?! Bakit mo 'to ginagawa? Hindi mo ba alam na mas nai-in love ako sa mga ginagawa mo? Nahihirapan tuloy akong mag-move on! Pakshet ka!

"Salamat..." Pabulong kong sabi.

So ayun, nag-quiz kami. Solve dito, solve doon. Pero wala eh! Wala akong ma-solve dahil hindi ko naman talaga alam 'to. Kaya, wala akong naisagot! >________<

Pagkatapos nun eh may biglang pumasok sa kwarto namin. Isang lalakeng pamilyar sa akin. Tinitigan kong mabuti 'yung lalake. At confirm! Kilala ko siya!

Siya 'yung lalake sa food court na hinulaan ko ang break-up! Lagots! Anong ginagawa niya rito?

"Mister, you missed my class!" Sabin g teacher namin. What? Ibig sabihin kaklase namin 'to? Paano naman 'yun?

"I'm sorry Ma'am." Sabi nung lalake. Tapos napako ang tingin niya sa akin at tinignan ako ng masama. Yikes >_______<

"Class, you have a new classmate. Mister, introduce yourself." -Teacher.

Nakatingin pa rin sa akin 'yung lalake. As in talagang kung nakakamatay lang ang tingin na 'yun eh baka nasa funeraria na ako.

"I'm Jared." Wow kakaibang pangalan! Jared? jaread? Lol :)))))

Hindi niya sinabi 'yung apleyido niya tapos dahan-dahan siyang lumapit sa upuan ko at hinawakan ang cheeks ko. Anong ginagawa niya?! O_________O

"... and I'm your worst nightmare." Sabi niya sa akin tapos nag-smirk siya.

Naramdaman kong nag-goose bumps ako. As in talagang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan na parang nanunood ako ng horror movie.

Tapos 'yung mga kaklase ko naman nagsimula ng magbulungan. Aish! Kahihiyan! Bakit ka lumapit sa akin?!

The BREAK-UP plannerWhere stories live. Discover now