Josiah: Bra, paki translate naman itong sulat galing kay Samantha, penpal ko sa US. Hindi ko maintindihan yung sulat. English kasi! Paki translate lang.
"My dearest Josiah."
Azi: ikaw yun.
Josiah: Oo, ako yun.
"How I long for your arms."
Azi: Paano daw humaba yung braso mo?
Josiah: Hindi naman mahaba yung braso ko.
Azi: Hindi ko alam, yun yung tanong niya.
"The first time I saw your picture, I felt happy."
Azi: Nilagari daw niya yung litrato mo. Natuwa daw siya nung nilagari niya.
Josiah: Bakit naman?
"You have beautiful eyes."
Azi: Pangbabae daw yung mukha mo. Ayaw siguro kaya nilagare yung litrato mo.
Josiah: Eh bat kailangan pang lagariin? Pwede namang guntingin na lang.
"I lost your picture last week."
Azi: Winala daw niya yung picture.
Josiah: Sana sinoli na lang niya.
"But I felt glad when I saw it again."
Azi: Natuwa daw siya nung nilagari niya ulit.
Josiah: Akala ko ba winala niya?
Azi: Oo nga, hindi ko din alam.
"Even though you're a Filipino and I didnt understand your letter, I appreciate the thought."
Azi: Kahit filipino ka daw at hindi siya marunong magbasa, natutuwa daw siya na nag iisip ka.
Josiah: Hindi siya marunong magbasa? Tingin niya sa mga pilipino hindi nag iisip?
Azi: Siguro.
"I hope you can send me more pictures."
Azi: Padalhan mo daw siya ng picture ng sigarilyo.
Josiah: Bakit?
Azi: Ewan ko, yung "more" daw.
"Im sure you wont mind.:)"
Azi: Sigurado daw siyang hindi ka nag iisip. May smile pa!
Josiah: Loko pala yan eh!
Azi: Oo nga.
Josiah: Bra, paki sulatan nga. Sabihin mo lang na hindi ko na babasahin ang mga sulat niya. At hindi na din ako mag susulat sa kanya! At paalam na sa kanya!
Azi: Sige bra.
"Dear Samantha, I am no read, no write. Babay to you, Jos"
______________________________________
CREDITS TO THE OWNER
BINABASA MO ANG
Azrael Montefalco III Memes - Book 1 [Compilation]
RandomCompilation of Azrael Montefalco III Memes. Book 1 of Azrael Montefalco III Memes. I hope you also read the Book 2 of Azrael Montefalco III Memes. Thanks! I don't own any of the memes. I just compiled them. Credits to the rightful owners. Credits t...