Chapter Three

28 1 1
                                    

***********CHAPTER THREE********************

    Morisette's POV

Kakagising ko lang... Parang ang ganda naman ata ng umaga ko ngayon at take note hindi ako nalate ng gising..

"Mori, baba ka na pagkatapos mong maligo ah.. " Sigaw ng mommy ko..

"Yes mom.."

************

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako.. para mag breakfast at nasurprise naman ako dahil sabay-sabay kaming kakain minsan lang mangyari ito, because my parents as you can see are busy in work..

"So how's your new school Mori..?" Tanong ng daddy ko...

"Ah... Okay lang naman po... I have a lot of friends na... At tinetreat naman nila ako ng maayos..."

"By the way, ilalaban ka daw sa competition, how's the feeling...?" Ang bilis naman kumalat ng balita... As always naman may tenga si Dad kahit san ako mapunta..

"A little bit nervous, but I think I can handle it naman... It's a dual competition naman po..."

''Okay... basta kung may problema man , don't forget to tell us ah.... Sige alis na ko, at may meeting pa ako with our new investors."

"Take care Dad, I love you..." At inakap ko siya. Actually pagdating sa tatay ko, even na lalaki siya, I know na naiiba siya dahil he's not the type of Dad na masyadong strikto, at mabait pa siya.. Sana nga may ganun pang lalaki , tulad ng Daddy ko... kaso wala na eh..

"Uh, mom, pasok na po ako..."

"Okay, Mori ingat ka...."

Malapit lang naman ang Wesley dito sa subdivision namin, kaya nilalakad ko lang, meron kaming driver pero yun talaga yung pinakiusap ko sa parents ko, kasi gusto ko rin namang maging independent eh.

*lakad* .... *lakad* ..... *lakad*

*Peeepeeeep* *Peeepeeep*

(sound po ng kotse yan haha)

"Ano may balak ka bang magpakamatay miss?" Nasa loob parin yung driver ng kotse, kaya hindi ko makita yung mukha nung lalake, at nakasalamin pa. Huh, nakakainis ah ako na nga tong muntik masagasaan , siya pa may ganang magalit....

"Hoy ikaw pa talaga tong may lakas ng loob na magalit , ikaw nga tong hindi tumitingin , makakapatay ka na ng tao eh..." Napansin ko na habang nagsasalita ako, nakatingin lang siya sakin, ano problema nun? At nung natapos ako magsalita, pinatakbo na niya ng mabilis yung kotse niya.. 

BASTOS yun ah, hindi manlang nagsorry. Siguro guilty. Ang mga lalaki talaga, walang MANNERS.. At pasalamat nalang at hindi ako nalate sa klase..

******

    *******Special POV of the guy********

Aish, late na talaga ako sa Flight, ano ba yan masyado naman kasing rush.. kakadating ko lang yesterday sa Pilipinas.. Pinapabalik na naman ako ni Daddy sa Canada. Ewan ko ba kung anong emergency na naman yun.. Buti nalang at may thirty minutes pa bago lumipad yung eroplano..

Binilisan ko na yung takbo ng kotse ko ng biglang..

"Ano may balak ka bang magpakamatay miss?" Bumusina ako ng napakalakas, panu muntik ko ng masgasaan yung babae, nakatalikod siya at I became speechless nung humarap siya at sinabing..

She's a certified Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon