Chapter 4.2

20 0 0
                                    

******CHAPTER 4.2*****

    Morisette's POV

katatapos lang ng klase namin sa Trigonometry... One of my favorite subject

at sa wakas uwian na namin. at kung minamalas ka nga naman, bumuhos pa ng napakalakas ang ulan

sa pagkakaalam ko wala namang bagyo ah... Climate Change talaga, sadyang nakakaranas na talaga ng Climate Crisis ang bansa natin pati pala ang mundo

oh well siyempre dapat may pakielam tayo sa pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan

(A:N/sumegway lang po ako.. sa mga dumalo sa Y-CONNECC sa Convention, sobrang wonderful po ng experience)

at dahil nagbabago na ang kalikasan, may malaki din akong problema, wala akong payong

I guess kailangan ko munang magpatila ng ulan. ayokong mang-abala pa sa bahay namin.. alam ko kasing busy din sila

pero malapit na ding dumilim kasi madilim na talaga ang kalangitan, bakit ba kasi nakalimutan ko pa yung payong ko(^.^)

Mori.....Mori....Mori.....

oh my god... parang awa niyo na po, takot po talaga ako sa ghost

bakit ba kasi ako nalang yung tao dito...medyo madilim pa

mommy...daddy.... kaya mo yan Mori

"Hoy. alam mo bang hindi ako natatakot sa'yo ah, kaya wag kang makalapit lapit sakin

patahimikin mo na ang kaluluwa mo , wag kang manggulo ng buhay na ibang tao..

Pag ako namatay dahil sa heart attack, mumultuhin din kita.."

at thanks to God , natakot ang ghost haha.... wala na kasing tumatawag sakin

ng biglang....

"Bitawan mo ko. Anu ka ba . Bastos ka talaga. Pag hindi mo ako ibinaba swear you will be a dead meat..."

binuhat lang naman ako ng Vincent na yun ng parang pangkasal...

at siya lang pala yung nananakot sakin... infairness bagay sa kanya ang maging ghost...

hay, back to normal bakit kaya ako nito dinala... diyos ko wag mo sabihing....

"Hoy Morisette, For your Information, hindi kita type.. kaya wag kang mag assume na may gagawin ako sa'yong something"

"Eh ang kapal naman pala talaga ng mukha mong mokong ka eh... May panakot nakot ka pa, tapos dadalin mo ko dito sa kotse mong bulok

tapos sasabihin mo saking ako pa tong nag aassume... Hello? Never..."

"Para namang trip kita. Eh wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga babaeng dinedate ko... "

"Aaarrrrgggghhh... buksan mo nga 'to..."

"Ano magpapaulan ka? Baka mangisay ka dyan?"

"Alam mo, Mr. Mahangin na nag aastang gwapo, mas pipiliin kong mangisay - ngisay dyan sa daan, kaysa sumakay dito sa kotse mo

at makasama ang pinakamayabang na lalaki sa mundo.. Tsaka please lang, wag masyadong mataas ang confidence sa sarili ah

baka lumagapak ka eh."

"Tsss....magpasalamat ka pa nga't concern sa'yo yung tao. Hindi mo ba alam na may gumagalang ghost dito sa school?"

kinilabutan naman ako dun..

"Eh mas masaya pa ngang kasama yung ghost kaysa sa'yo na makapintas wagas...kala mo namang kung sinong habulin ng babae"

"So, Ms. Sungit , naiinis ka ba dahil sa sinabi ko kanina... Hahahahahahhahahha"

tsk, tsk baliw na talaga 'tong lalaking 'to

"Sino ba kasi nagsabi sa'yong maging concern ka?Please lang buksan mo na ito."

"Okay.." at pinatakbo niya ang kotse niya

my God, san nya ba ko dadalhin

"Hoy sabi ko ibaba mo ko ba't mo pinatakbo yung kotse..?"

"Wag ka na ngang magreklamo, mamaya marape ka pa dyan sa kalye, oh kaya lapitan ng ghost kasalanan ko pa hello. baka multuhin mo pa ako."

akala ko naman concern na talaga siya hindi naman pala

nakakainis talaga ang mga lalake..

"San ba yung bahay niyo? tsaka wala ka bang sundo?"

"Nakita mo bang meron. Ade sana hindi na ako naghintay kug may sundo ako diba.. Sa Ciudad Real yung subdivision namin"

"Tss.. tanong ko lang . bakit ba ang init ng dugo mo sakin ah?"

"Wala ka ng pakielam kung bakit..."

malapit narin kami sa wakas, nakita ko namang nakangiti ang mokong, hindi kaya siya naiinis sa mga sinasabi ko

oh well ako pa nga ata ang naiinis sa mga sinasabi niya eh

"Vincent stop the car.. Eto na yung bahay namin.."

"Bahay niyo yan? Wow ah, ang yaman niyo pala hindi sa'yo halata.."

napailing nalang ako sa mga sinabi niya, baka kasi mabungangaan ko na naman eh pagod narin ako.

nagulat naman ako dahil lumapit siya sakin...

inch by inch by inch... konti nalang

my God naalala ko na naman yung nangyari kanina ...yung First Kiss ko nalintikan

"Mori seatbelt mo ...hahahahahahahhahahha"

sige tawa pa.. nakakainis nah talaga siya ah

"You think, hahalikan kita? haha, masyado ka talagang assuming Morisette.."

"Bwisit ka talaga Vincent, napakasama mo"

at bumaba na ako ng kotse, tumila narin kasi ang ulan, papapasok na ko ng gate nang tawagin niya ko...

"Morisette , wala man lang bang thank you..?"

what the ef, nang-asar pa, kung hindi lang talaga ako pinilit niyan naku...kainis talaga

"Fine... Thanks"

at nagtuloy-tuloy na kong pumasok sa bahay namin

(A:N/ sori po kung natagalan ng paguupdate...:) thanks for reading)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a certified Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon