Lingon sa likod
Lingon sa kanan
Lingon sa kaliwa
Lingon sa harap
Repeat step
"Hoy!" ayan bigla tuloy akong binatukan ng aking labing na BFF. "Ako nahihilo sa'yo. Itigil mo na nga iyan. Hindi ba nananakit ang leeg mo sa ginagawa mo? Kung gusto mo pilipitin ko na lang yan!"
Iyan ang mabangis na BFF ko na si Bethel. inosente man tingna pero sadista yan baka akala niyo.
"Bes, naman," naka-pout kong sabi. "Alam mo naman na puhunan ko ito sa eskwela."
"Yan, diyan ka magaling, sa paghahanap ng mga lalaki. Kaya ka laging bagsak."
"FYI! Inspirasyon ko sila. Inspirasyon, gets?"
"Pero bakit ka nga laging bagsak?" nakataas ang isng kilay na tanong niya sa akin.
"Eh, sa wala pa akong mahanap na matinong inspirasyon," sabi ko naman sa kanya na nakataas ang dalawa kong kilay para full force.
Pero sa totoo lang hindi talaga ako marunong magtaas ng isang kilay lang. Mabait kasi ako. :)
"Ang sabihin mo nandito ka kasi ayaw mong umuwi sa inyo. Wala ka namang Physics na subject pero nakikisiksik ka dito sa klase namin."
"Mainit kasi sa labas pero dito air-conditioned."
Air-conditioned kasi lahat ng classroom namin dito sa aming eskwelahan. Sosyal , eh.
"hi , guys kumusta?" bati sa amin ng bagong dating.
"JAM!!" agad akong lumapit dito at niyapos ito. "Inaaway na naman ako ni Bethel." pagsusumbong ko agad dito.
"Hoy, CL! Ano naman ang magagawa ni buko diyan, si Boss V2ng yata yan," pang-aasar ni Red kay Bethel. ito ang BF ni Jam.
"Hoy, lalaking-walang-ibang -ginawa-kundi-manood-ng-hentai! Wag mo nga akong matawag niyan!" sigaw ni Bethel sabay duro at batok dito.
Hahaizt sadista talaga.
"Aray, boss. Isusumbong kita kay buko. Buko, ang sakit ng pagbatok ni boss sa akin," sumbong naman ni Red kay Jam with that puppy dog eye.
"Talaga, masakit?" tanong naman ni Jam sabay himas sa ulo nito.
"I-kiss mo para mawala," sabi nito at ginawa naman ni Jam.
Wow bago to, PDA ang dalawa. never pa kasi ang mga ito nag-PDA.
"Dito rin, buko," sabi ulit ni Red at itinuro ang dibdib na dinuro ni Bethel. "Tsaka dito rin," turo naman nito sa labi.
Lumapit naman si Jam dito at...
BOOGSH!
Sapol sa lips ni Red...
ang nag-aalab na kamao ni Jam.
"ANO GUSTO MO PA? ANG MANYAK MO TALAGA!" umuusok ang nakaawang na kamao ni Jam.
"Buko, naman, masakit yun."
Adik rin tong si Jam kasi sadista katulad ni Bethel.
Oh, I haven't introduced myself.
I'm Chanice Lhianne Herrera, 17, Philippines!
My friends call me CL for short and my family call me Chanli for long.
A second year student of Saint Charles University taking up AB Linguistics and Literature.
I am a consistent DL. Drop List, palagi kasi akong nasa bottom 5 ng ranking.
Balik tayo sa aking friends, hayun nagbubugbugan pa sina Jam at Red, ay mali... si Red lang pala ang nabubugbog. Si boss V2ng naman ay kinukunsinti ang kapwa sadista.
yang tatlong yan classmate ko noong high school. Iba kami ngayon ng course pero pareho ng school. They're all CE, Civil Engineering students. Actually lahat ng nasa classroom na iyon ay CE students.
Ako, sumasali lang sa klase nila sa Physics, wala naman kasi akong Physics class. Aanhin ba naming english majors ang Physics? Nandito lang ako para magsaya. Ang boring kasi ng aking life.
Pupunta ng klase, tapos mag-aaral ng mabuti, tapos exam, tapos bagsak.
Totoo lahat yan
Except sa nag-aaral ng mabuti. Hindi ko alam yun, eh. :)
Pero sure ako malapit nang magbago ang lahat dahil mahahanap ko n aang aking inspirasyon.
Isang tall, chinito and ubod na gwapong lalaki sa aking buhay.
"Oh, ba't kayo tumigil?" tanong ka sa aking mga kasama.
Tumigil kasi sila bigla sa pag-iingay at ngayo'y nakatingin lang sa pintuan.
Nilingon ko naman ang kanilang tinitingnan.
Parang slow motion ang lahat ng nangyari nang makita ko kung sinu-sino ang kakapask lang ng classroom.
Tama ng basa niyo, sinu-sino dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa pero hindi rin naman apat , kundi tatlong nag-ga-gwapuhang mga lalaki ang pumasok.
Tama nga sila
Ask and you shall receive.
Wata first day of class this is.

BINABASA MO ANG
Pansinin Mo naman Ako
Fiksi RemajaTanga ka, matalino siya Simple lang ang look mo, hearthrob siya Top student siya, top failer ka Crush mo siya, kilala ka ba niya? He's perfect and you're perfectly imperfect May pag-asa ka nga ba? O maglulumpasay ka na lang with... "Pansinin mo nama...