I am dedicating this chapter to those who commented at the previous part.
agusame, iamsanchui, msiba, EmelouCatipon, FlordelizaNolasco9, jigzckie, elinore1989 and mharniekuran.
Thank you!
CLEAH'S POV
IT'S FIVE OCLOCK IN THE MORNING. I am ready for school and for the event.
Lumabas na ako ng kwarto para pumasok. Naghihintay na sakin ang driver at mga body guards ko.
Yeah. I have bodyguards, mga lima lang naman. Pinabawasan ko pa sila kay Papa kasi naiintimidate ako kapag may mga nakabuntot sakin.
"You're early."
Nakita ko si Kuya Clyde na nasa dining. Nagbabasa sya ng newspaper. Maaga talaga atang gumising ang lahi namin.
"Today's the Sport Festival. Maraming aasikasuhin." Tumabi ako sa kanya para kumuha ng toasted bread.
"Si Mina?"
"Mamaya pa yun, nakakaawa naman. Im sure puyat yun pag-aasikaso kay Beau."
Kuya Clyde smiled. "You know what, Beau punched Papa yesterday!"
Humagalpak ako ng tawa. Okay lang naman na mag-ingay ako sa mansion kasi sound proof naman ang mga kwarto, wala akong maiistorbong tulog.
"Really! Sinuntok talaga ni Beau si Papa? Bakit nya sinuntok? Anong sabi ni Papa?"
Kitang-kita ko na pinipigilan din ni Kuya na tumawa nang malakas.
"Pinipilit kasi ni Papa na magclose-open ang mga kamay ni Beau, sabi naman ni Beau malaki na daw sya. Ayun nainis ata kay Papa sinuntok."
"Hahahahaha"
Laugh trip talaga ako ngayon. Naiimagine ko si Papa habang hinihimas ang sinuntok ni Beau.
Nagkwentuhan pa kami about kay Beau nang bumaba na din yung mag-ina. Mumukat-mukat pa ang baby namin.
"Goodmorning." Nakangiting bati samin ni Mina.
"Goodmoring." Bati namin sa kanya.
"Cleah pasensya ka na ha. Maliligo lang ako tapos papasok na agad." Nahihiyang sabi ni Mina.
"Okay lang yan. Alam ko naman kung gaano kaactive ang babaeng to lalo na kapag gabi." Hinalikan ko si Beau sa pisngi. "Ang cute-cute."
Hindi ako pinansin ni Beau. Tiningnan nya si Kuya tapos ibinukas nya ang mga palad nya.
"Tito Cly!!! Tito Cly!!!"
(╥╯θ╰╥) "Bakit si Kuya ang gusto nya, ako ang nagpapacute eh." Kunwari nagrereklamo ako.
"Beau!" Sinaway naman sya ni Mina. "Busy si Tito Clyde, pupunta na tayo kay Lola."
"Tito Cly!!!" Nag-iinarte na naman ang babaysot na ito.
Tatawa-tawang tumayo si Kuya then nilapitan nya si Beau saka binuhat.
"How's baby Beau?" Tanong ni Kuya sa kanya.
Tuwang-tuwa naman na niyakap ni Beau si Kuya sa leeg. "Tito Cly ikaw alaga sakin pasok Mommy ko."
"Haha! May work si Tito..." Paalala nya kay Beau.
"Sama ako work mo. Inggit ako kay Tita Na, sya lagi sama mo."
"Aba nagselos pa kay Nina." Iba talaga ang anak nitong si Mi------
Nalungkot ako when I saw sadness on her face.
Alam nya na naghahanap ng ama si Beau pero wala syang magawa kundi ipagkait kay Beau ang tunay nyang ama.
BINABASA MO ANG
Love Changed Him
Romantik♛♥♛ He was full of dreams but Love shattered his feelings that damaged his soul. Love took his smile away. Love stole everything he wished for. Unfortunately, Love betrayed him. Love Changed Him. ♛♥♛ A/N: This is a sequel of Sya Ang Kuya Ko Seasons...