Chapter 1

239 16 5
                                    

"13 baker st. Vigan." pagbasa ko muli sa pilas ng papel na hawak ko. Ito ang address ng uupahan kong bahay.

Magdamag kong hinahanap ito ngunit talagang mapagbiro ang panahon, mag-gagabi na ngunit di ko pa rin matagpuan. Napayakap ako sa sarili nang tumama sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Isang lumang bahay ang napukaw ng atensyon ko.

"A-Z Antiques Used Merchandise." pagbasa ko sa karatulang kahoy sa itaas ng pinto. May mga butas na maliliit ang karatula dala siguro ng kalumaan nito.

Pumasok ako sa tindahan. Di kalakihan ang loob nito, may tatlong mesa at mga upuan sa gitna, napakaraming lumang libro. Hilihilera itong nakalagay ng maayos sa bawat shelf.

My eyes flew over the broken birdbath, the crumbling statue of Diana the huntress, a small figures of gold horses, and the big replica of the famous bust of Nefertiti.

Based on the style and antique things, masasabi kong isa itong Egypt Merchandise store.

I stared at the figures breathless. Amazed.

Nabitawan ko ang dala kong bag nang mamatay ang ilaw. Hindi ko makita ang paligid kahit ang ilaw sa labas ay hindi ko maaninag, dala na rin siguro ng night blindness ko.

W-wag mong sabihing.. magsasarado na ito. Myghad!

"H-hello po! May tao pa ho rito sa loob!" sigaw ko baka sakaling may makarinig.

"Is there anybody's he--"

"Gabi na iha, ano pang ginagawa mo rito? Magsasara na kami." malamig na bungad ng isang matandang lalaki, matangkad ito at may hawak na tungkod. May dala-dala itong gaserang ilaw.

"S-sorry ho, may hinahanap po kasi akong paupahan, at.. narito ako upang magtanong." Ipinakita ko ang address at tinuro niya ang mismong tapat ng store na ito. Nagpasalamat na ako at umalis.

Pumasok ako sa pulang gate, nagulat ako sa pagtahol ng isang puting aso.

"Kanina ka pa po kayo ni mama hinihintay, pasok kayo." ani ng isang batang babae sa gilid ng hagdan.

Sumunod ako sa kaniya paakyat. Binati ako ng isang babaeng nagpakilalang si manang Celia, may-ari ng malaking bahay na uupahan ko.

"May makakasama ka sa bahay, lalaki siya."

"Ho? Babae ako tapos lalaki kasama ko, di ba--"

"Don't worry, Zade. Wala yung hilig sa babae at malaki ang tiwala kong wala siyang gagawing masama sa'yo. Magkakasundo kayo nun."

Huminto kami sa isang pinto sa ikatlong palapag. Kumatok si aling Celia, agad bumukas ang pinto. Bumungad ang isang maputing lalaki na may hawak na libro umupo ito sa sofa at pinagpatuloy ang pagbabasa. He has this cold aura that can make anyone stuck for a second or two. Hindi ko maiwasang matameme habang pinagmamasdan siya. His blank eyes met mine. Napaiwas ako ng tingin. Shit. He's handsome. I admit it.

Nakaka-attract ang gray na buhok nito na bumabagay sa maputi niyang balat. His gray hair seemingly so soft. Gah! Kailan pa ako naging interesado sa physical appearance ng isang lalaki? Hays, this nonsensical taste of mine!

Nagpaalam na si manang Celia dahil mag-aasikaso pa raw siya ng hapunan nilang mag-anak. I already paid for the down and advance payments. I cleared my throat when I enter the house.

"H-hi! Ako nga pala yung boarder na makakasama mo dito sa bahay." Pinagmasdan ko ang paligid, may mga libro sa mesa. May nagkalat na T-shirt, iniwas ko ang aking tingin nang makita ko ang isang boxer shorts na agad niyang dinampot at nilagay sa labahan.
Napangiwi na lang ako. Kung saan-saan lang ba siya naghuhubad kaya nagkakalat ang mga damit at underware niya? Gross.

Déjà vuWhere stories live. Discover now