ZADE
"I already settled the place and the activity," panimula ni Bryne habang inaayos ang folder sa mesa, "each two of you will be locked in a room of puzzle, there will be a hint or two that can help you to escape. And the twist is, the air inside the room consists of chemical gas that can make you feel panic. The game will end in exact 20 minutes, for those who lose, you will conquer consequences. So, goodluck."
Hindi ko nga alam kung bulong-bulong-an ba ang nililikha ng mga kaklase ko dahil sa lakas ng nagagawa nitong ingay, "This must be exciting!" pasigaw na sabi ni Athena. Nag-thumbs up naman ang iba.
"Mukhang kailangan na nating ilabas ang na-restore na skills." siniko ni Chandler ang katabing si Piers, sa tingin ko ay magkasundo ang dalawang ito.
"I hope this game is not like playing with death. At walang tatanga tanga." Jonell entered the noise conversation. And threw a glimpse on me. Alam kong ako ang pinatatamaan at tinatakot niya. Ngumisi pa ito, hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin dahil masisira ang araw ko. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya ah! I know that i'm just new here but he doesn't have the right to say those words.
"If everyone of you is wise, the game is harmless." Bryne said in monotonous voice.
Agad namang sinabi kung sino-sino ang makakasama namin kaya naman kaya lalo akong kinakabahan. Kapapasok ko pa lamang dito ay mapapasabak na agad ako.
Habang tinatahak namin ang daan sa lumang abandonadong building sa loob ng campus ay napatakip ako ng ilong. Hindi ko maiwasang mabahing dahil sa mga alikabok at luma nitong amoy.
Napatingin ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may iba pang taong narito bukod sa aming klase. Maaring may nagtatago lang sa paligid o guni-guni ko lang.
Huminto kami sa mga designated rooms para sa bawat magpartner. Sabay-sabay papasok at kailangan maka-labas within the given time. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hamon na ito kung saan para sa kanila ay simpleng paglalaro lang ng hide-and-seek. Napadasal na lang ako sa isip na sana ay kayanin ko, hindi ko pa man alam ang nasa loob ay kinakabahan na ako.
Naka-tapat na kami sa hilera ng mga kwarto. Napakapit ako sa braso ni Lence kaya napatingin ito sa akin. Nainis ako nang ngumiti ito na parang nangungutya. Inirapan ko naman ito pabalik. Kainis.
"In one.. two.. three.. START."
Hahawak pa lang kami sa pinto upang buksan ito nang biglang may tumakip sa aming bibig gamit ang isang tela na may matapang at nakakahilong amoy hanggang sa maging dalawa na lamang ang paningin ko, bago ako mapapikit ay nakita ko ang nagpupumiglas na katawan ni Lence hanggang sa bumigay na rin ito.
•••
Nagising ako sa sakit ng batok. Kinusot ko ang aking mata at nagpalinga linga sa paligid. Nakita ko si Lence at walang malay na nakahiga sa sahig. Gumapang ako at niyugyog ang katawan nito.
"Hmm?" mula sa pagkakahimbing ay nagising ang diwa nito. Tulad ng ginawa ko, nilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto--isang magulo at lumang kwarto. Kulay dilaw ang nag-iisang ilaw na nagbibigay ng sapat na liwanag para magkakitaan kaming dalawa. Naging mabigat ang bawat paghinga ko, may kung anong pumipiga sa baga ko para hindi pasukan ng hangin. Ilang beses akong napaubo.
"Paano tayo napunta rito?" tanong ng kasama ko. Naunahan niya lang akong magtanong. Tumayo ito nang kibit-balikat lang ang isinagot ko.
YOU ARE READING
Déjà vu
Mystery / ThrillerTragedies, wounds, bloods, deaths, tears. . . Who will remain standing? Zade Chloey Mendez, a simple girl that will take her destiny to a unusual class in a strange school, the Cavalliers University. She has no idea what happenings would come. Th...