ZADE
Maaga akong umalis ng sa bahay dahil hindi ko pa kayang makita ang ulupong na 'yon at madagukan ko siya. Umagang-umaga ay makakagawa ako ng kasalanan. Marahil ay mahimbing pa ang pagkakatulog ng isang 'yon kaya 'di ko pa nakikitang lumabas ng kaniyang lungga. I don't want to see his face though.
Inilihig ko ang aking ulo at nakasandal na sumilip sa labas ng umaandar na taxi. Masasabing mala-syudad na rin ang dating ng mga imprastraktura dito sa Vigan. Huminto ang sasakyan sa isang tapat ng eskwelahan kaya agad na nagbayad ako at bumaba.
Pinaiwan ako ng isang ID ng guard para makapasok. Tulad ng tipikal na paaralan, maraming estudyanteng naglalakad, ang iba ay halos takbo na ang ginagawa, marahil ay male-late na sila sa kanilang first subject. Napukaw ang aking imahinasyon na makita ang aking sarili na suot rin ang kanilang uniporme na parang sa palabas na Sailor moon.
"Good morning, where is the Guidance office?" tanong ko sa isang lalaking may naiibang uniform sa lahat. He has maroon chaleco instead of dark blue like the others. Ang cute ng medyo kulot niyang buhok but he looked so serious.
"I will go there too, follow me." walang lingon niyang sabi.
Naka-pamulsa siyang lumakad at agad ko namang sinundan. Malalaking hakbang niya kaya't mas kailangan kong bilisan. Hindi na ako nagsalita pa dahil mukhang di niya naman ako kakausapin. Umakyat kami sa ikalawang palapag at huminto sa tapat ng guidance office. Kumatok ang kasama ko at binuksan. Sumalubong sa tapat ng pinto ang lamesang nakapangalan kay Mr. Walter. Marahil ay iyon ang gurong naka-upo roon.
"She's an enrollee, sir. Anyway, can I get the form?" sir Walter gave him an envelope he needed. Malamang nahulaan niyang mag-eenroll ako dahil naka-casual attire lang ako.
Lumabas siya ng kwarto at iniwan na ako. Di manlang ako nakapag-pasalamat. Anong kayang pangalan niya?
"Have a sit, miss?"
"Zade Chloey Mendez, sir." umupo ako sa upuan kaharap ng lamesa niya. I place down my complete requirements on the table. Agad niya naman itong dinampot at inisa isa ang mga laman.
"Well, you have a high grades. Good to hear that you chooses our school to study." nakangiting sambit nito. "So.. You are now enrolled. Welcome to Cavalliers University. What course you want to take?"
"HUMSS, sir." nakangiti kong sagot. Kumuha naman ito ng pen at isinulat ang magiging course ko sa form na inilabas niya.
"12-Section A will be your class. Here's your uniform together with your schedule. Pwede ka nang pumasok bukas, Miss Zade. Thank you." inilahad nito ang kamay niya na agad kong tinanggap while I mouthed 'thank you'. Di ko akalaing ganon lang kabilis ang proseso.
Binayaran ko na ang uniform sa counter ng guidance room at lumabas. Saktong pababa na ako sa hagdan nang makita kong papaakyat si Lence. He walks like a model while his hands inside his pocket.
What the fudge! What a small world!
Nagtakip ako sa mukha gamit ang bag. Kaya pala hindi ko siya nakita sa bahay dahil pumasok siya. At ang malala ay 'di ko alam na dito siya pumapasok edi sana sa ibang school ako nagpa-enroll.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nabigla ako nang magkasalubong kami. Dadaan ako sa gilid pero pupunta rin siya roon. Mukha kaming naglalaro ng patintero. Hindi ko kita ang mukha niya dahil sa bag ko, hindi ko tuloy malaman kung may evil smirk na namang nakapinta sa mukha niya.
"Excuse," inis na ako. Itutulak ko na sana siya pero nakuha niya yung kamay ko saka ako hinigit. "H-Hoy! Bitawan mo ako kung ayaw mong mamatay!"
"Nice threat." ngumisi ito habang di pa rin tumitigil sa paglakad. His hand grips on my left hand and fuck, it really hurts. As if he wants to crush my bones on.
YOU ARE READING
Déjà vu
Mystery / ThrillerTragedies, wounds, bloods, deaths, tears. . . Who will remain standing? Zade Chloey Mendez, a simple girl that will take her destiny to a unusual class in a strange school, the Cavalliers University. She has no idea what happenings would come. Th...