Rt III

1K 43 1
                                    


Hi, Kamusta? Ako si Zeus, Zeus Collins. 23, 2nd year college.

Well tama ang iniisip mo
Sa edad kung 'to dapat professional na ako, may trabaho, may sariling pera.
Pero hindi eh
Simula ng ipagpalit ko sya sa inakala kong mas masayang malayang buhay kasama ang barkada, alak at iba pang bisyo... Nag bago ang ikot ng mundo ko, nasira ang buhay ko.

Dear Dawn,
Sana pala nag-stay ako.

Dear Dawn, Sana pala nag-stay ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


[ Zues pov. ]

"Dawn ano ba?! Diba sabi ko wag kang pupunta dito? Hindi ka ba makaintindi!?"

Nasa bar ako ngayon kasama ang tropa ng dumating ang lintik kong girlfriend.

"Ah ganon zues, ayaw mo akong pumunta dito kasi ano? Kasi ayaw mong makita kitang nag-papaka lunod sa Put*ngin*ng alak na yan? Gabi gabi ka nalang bang maglalasing kasama yang mga tarantado mong barkada!?"

Isa isa nyang dinuro ang mga kasama ko habang nasa iisang mesa kami sa puno ng baso ng alak, pulutan at upos ng sigarilyo.

"Gago ka ah, wag na wag mo kong babastusin sa harap ng mga kaibigan ko!"

Tumayo ako sa kinauupuan ko atsaka dinuro duro ang girlfriend kong si dawn na naka tayo sa harapan ko
Sasampalin ko na sana sya dahil sa inis pero pinigilan ako ng isa sa mga kasama ko.

"Tol tama na yan daming tao nakakahiya iuwi mo na yang girlfriend mo"

"Oh sige! Saktan mo ako zues, lagi namang ganyan diba?! Punong puno na ko sayo!"

"Hah! Wow, ikaw pa tong akala mo napeperwisyo ah. Kung napupuno ka na edi go! Hindi ka kawalan dawn"

Lasing ako ng mga panahong yun, araw araw ako naglalasing dahil sawang sawa na ko sa buhay ko na kinokontrol nya, girlfriend ko palang sya pero sakal na sakal na ako.

Ayoko na.

Di ko alam dadating nalang pala ang araw na pagsisihan kong nawala ka.

#ROADTRIPWhere stories live. Discover now