"Kanor handa na ba ang lahat?"
Maligayang sambit ni Donya Isabella kay Mang Kanor habang pinapaypayan ang sarili. Ngayon na kasi ang uwi ng kaniyang kambal na apo mula sa Australia kaya't sobrang excited siya. Mahigit tatlong taon rin niyang hindi ito nakita dahil abala sa pag-aaral ang mga ito.
"Lola pumasok po muna kayo sa loob ang init-init dito eh."
Sambit ng isang dalagang matinis ang boses na nakapapak na naman ng sampalok na hilaw.
"Oh Alexis apo kanina ka pa ba dumating?"
"Kararating lang po lola. Hali na kayo ang init na eh."
"Init ka diyan eh malapit na ngang mag-ala sais ng gabi oh ikaw na bata ka talaga."
Nakangiting sambit ng Donya kay Alexis, ang kaniyang tinuturing na apo. Mahigit dalawang taon ng nakatira sa poder niya ang dalaga mula ng mamatay ang mga magulang niya dahil sa sakit sa puso. Gustong-gusto ng Donya na magkaroon ng babaeng apo kaya walang pag-alinlangang kinupkop niya ang dalaga at pinagtapos ng pag-aaral. Kasalukuyang 4th year college na sa kursong Business-Administration . Mabait si Alexis at masipag manang-mana sa mga magulang. Masiyahin at sobrang kulit. Sobrang ganda din nito kaya't marami-rami din ang manliligaw niya. Ewan din niya dahil kahit mga gwapo naman ito at may kaya sa buhay ay hindi niya magustuhan.
"Lola naman joke yun eh."
Tumawa na lamang ang Donya. Biglang bumukas ang gate at niluwa dun ang dalawang itim at halatang sobrang mahal na kotse.
"Halika apo makikita mo na ang mga apo ko."
Excited na yaya ng matanda sa kaniya. Maski siya ay kinakabahan batid pa niyang kasing edad niya lang ang mga ito. At sa tanang buhay niya ngayon niya lang ito makikita sa mga larawan niya lang kasi ito nakikita. Excited din siya kasi sobrang bait daw ng mga ito.
Her mouth hanged open as two men entered. Mala griyegong diyos ang mga mukha. Perpektong-perpekto ang pagkakahulma ng katawan ang tangkad at ang sobrang among mukha.
A guy who wore a V-neck gray shirt looked at her side at agad namang binawi ang tingin nito. Samantalang ang isa naman ay di na nag-abalang tingnan siya."Alexis apo halika dito. Ipapakilala kita sa mga apo ko."
Tawag sa kaniya ng Donya. Agad naman na lumingon sa kaniya ang lalaking naka white long sleeved shirt at kunot-noong tinitigan siya.
"P-po."
Sa pagkakataong ito hinugot niya ang kaniyang sampalok sa bag at pinapak. Ganito siya pag kinakabahan.
Mas lalo pang kumunot ang noo ng binata."Alexis apo these are my grandsons Kleinder and Kendrick they're twins but not identically. Mga apo this is Alexis Julie but you can call her Alexis."
Pagpapakilala sa kaniya ng Donya. Yung naka gray ay si Kendrick yung naka white naman ay si Kleinder kaloka te. Halos hindi na siya makapagsalita sa uri ng titig sa kaniya ni Kleinder samantalang si Kendrick naman ay busy sa cellphone nito.
Lumingon lamang si Kendrick sa kaniya at nakipagkamay. Samantalang si Kleinder naman ay nakatungangang nakatingin sa kaniya na pumapapak ng sampalok."Hey ugly is that tamarind?"
Usal ng lalaki napakislot naman siya ng magsalita ito. Sobrang manly ng boses nito at american ang accent. Kung maka ugly kala mo kong sino. Mapapasubo pa yata siya sa pag-e-ingles nito.
"Obyos ba gago."
"Lola tomorrow i'll be leaving. I'll stay in manila my company needs me there."
Agad naman na nalungkot ang Donya sa sinabi ni Kendrick. Sa sobrang yaman ng mga ito ang daming business. Nag-aaral pa ito pero may sarili ng naipundar na kompanya.
"Don't worry lola, Kleinder and I talked about this already he choose to stay here and manage the Salvi Ranch at Hacienda La Sedilva."
"Is it true apo? You'll stay here for good? Thanks God i'm sure magiging mas maayos ang lahat dahil tutulongan ka ni Alexis diba Alexis?"
Nakangiting sambit ng Donya sa kaniya. She was surprised upon hearing those words from Donya Isabella. Ayaw man niya ay wala siyang magagawa dahil ito ang legal na apo at tunay na may-ari ng Bilyones nitong ari-arian.
Tatango na sana siya ng magsalita si Kleinder."I can manage it alone grandma. I don't need a tamarind girl interfering with my works."
Agad naman na bumalatay sa mukha ni Alexis ang pagka-inis sa binata. Kung makapagsalita kala mo kung sino.
"But if she wants. She can be my personal maid."
Kung bulkan lang si Alexis siguro pumutok na siya sa sobrang inis na nararamdaman niya ngayon. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki at pansin niyang nag smirk lang ang kapatid nito.
"Lola magbibihis lang po ako ha at maghihilamos na rin may nakita kasi ang mga mata ko ng isang nilalang na sobrang nakakapuwing baka sakaling mawala ito at ng mapatay ko."
Ngumiti muna siya sa matanda at inirapan si Kleinder at tumalikod.
"Bwesit na lalaking yun. Kala mo kung sinong gwapo madapa sana bwesit ay!"
Kinain lahat ni Alexis ang sinabi niya. Talagang masama ang magtanim ng galit sa kapwa dahil muntik na siyang madapa sa hagdan. Lumingon siya sa sala at walang sabi-sabing tumakbo papunta sa kwarto niya. Nakita pa niyang inismiran siya ng binata.
TBC
ZerenetteFacebook: Zerenette Babies
BINABASA MO ANG
Billionaire's Baby Series1: Kleinder Salvi (Completed)
General FictionKleinder Abbas Salvi X Alexis Julie Alonzo Bachelors Baby series 1:Kleinder Salvi @zerenette NOTE : All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having thesame nam...