Matapos magbihis ni Alexis ay bumaba na siya at dumiretso sa dining room nila. Gulat na napatingin siya sa mga nagwa-gwapohang mga binata. Limang griyegong lalaki ang nakikita niya.
"Oh, apo halika na kumain na tayo. Siya nga pala apo this is Seb,Reuchi and Xander mga apo yan ng kapatid ko kararating lang din nila."
Nginitian na lamang niya ito. Nagsimula na silang kumain ng tumunog ang cellphone niya. Nahihiyang sinagot niya ang tawag at nag excuse.
"Hello Merian san ka na?"
"Nandito na ako sa labas Alexis pinapasok na ako ni Mang Lando asan ka na?"
"Sige wait lang ha going na ako."
Nahihiyang bumalik si Alexis sa hapag at tumingin sa Donya.
"Lola nandito po si Merian."
Agad naman na lumiwanag ang mukha ng Donya
"Talaga? Papasukin mo and let her join our dinner."
Mabilis na umalis si Alexis at lumabas. Nandon si Merian nakasuot ng mahabang puting palda at long sleeve na puting damit at may belo sa ulo. Si Merian ang bestfriend ni Alexis na ilang taon na lang magiging ganap na madre na.
"Merian halika na sumabay ka na sa aming kumain ng dinner."
Nakangiting sambit ni Alexis.
"Teka lang dala mo ba ang request ko?"
Tukoy ni Alexis sa sampalok na dala ni Merian.
"Ah oo nga pala ito oh."
"Ahy ang bait talaga ni tito Mayor salamat ah halika na."
Mayor sa La Sedilva ang ama ni Merian Contuillo. May taniman kasi sila ng Sampalok na gustong-gusto naman ni Alexis . Agad naman silang pumasok ng dining hall at ang limang pares ng mga mata ay nakatingin sa kanila ni Merian at Alexis. Ngumiti ang donya at sinalubong ng halik sa pisngi si Merian. Nailang naman agad si Merian ng mapansing nakatitig sa kaniya ang isang pares ng mga mata.
"Okay, everyone this is Merian Alinna Contuillo anak ni Mayor Zandro Contuillo. At alam niyo ba ilang taon nalang magiging ganap na siyang Madre."
Pagpapakilala ng Donya kay Merian.
"I bet you're 24 years old now. You're beautiful bakit ka mag mamadre? Did your first love hurt you?"
Napalingon lahat sa sinabi ni Reuchi at mapaglarong ngisi ang gumuhit sa mga labi nina Kleinder at Seb.
Si Reuchi ang tipo ng taong masyadong pihikan. Pag ayaw niya sa tao hindi niya pinapansin. It'd be a miracle if he'll say something towards to a woman. Miraculously it's Merian a soon to be Nun is the fortunate girl."Reuchi mag mamadre si Merian she's not available anymore."
"She's not a Nun yet grandma I bet I still have a chance to change her decision."
Nagulumihan naman agad si Merian at ngumiti na lamang si Alexis. Alam niyang masaya si Merian sa pinili niya. Pero kung siya ang mag dedesisyon ayaw niyang maging Madre si Merian. Gusto niyang maranasan nito ang buhay na may asawa at may anak. Subalit wala naman siyang magagawa, desisyon iyon ng kaibigan niya.
"You're not bluffing bro?"
Nakangiting tanong ni Seb sa kaniya. Nanatiling nakatitig si Reuchi kay Merian at nahihiyang napayuko si Merian.
"Nagbibinata na ang mga apo ko. Come now hija let's eat."
Nagsimula na silang kumain napapansin ni Alexis na panay ang sulyap ni Reuchi sa kaibigan niya. At nakatitig din sa kaniya ang hinayupak na si Kleinder.
"So Merian kailan ang punta mo ng Rome?"
Pagwasak sa katahimikan ng Donya.
"P-po? Sa susunod na buwan na po Lola."
Tumigil sa pagkain si Reuchi at tiningnan si Merian. She laughed with the scenery. Aksidenting napatingin si Alexis sa gawi ni Kleinder at napa ismid. Ang sama pa ng tingin sa kaniya. Agad niyang kinuha ang bread knife at iminuwestra na puputulin ang leeg niya. Ibig sabihin na papatayin niya ang lalaki pag siya naasar. Kleinder just smirked and saluted her with his middle finger.
"Napaka arogante talaga. Alam na ngang nasa hapag nag fa-fuck you sign pa. Mabulonan sana."
Bulong ni Alexis. Kinuha ni Alexis ang sampalok na dala ni Merian at kumuha ng sobrang hilaw. Nang-iinis na kinuha niya ito at nilantakan. Kitang-kita niya kung paano mangasim ang mga mukha nila. Maliban kay Alexis at Donya Isabella na sanay ng tingnan si Alexis na kumakain ng sobrang asim na Sampalok.
Napapalunok sa sariling laway sina Kleinder,Kendrick,Seb,Reuchi at Xander."Whoo ang sarap talaga. Ang asim thank you talaga sa Sampalok Merian ha. Ang sarap parang suka na sobrang asim. Yung tipong tutulo ang laway mo sa sobrang asim."
Nakangiting sambit ni Alexis at napatawa na lamang si Merian. Sarap na sarap siya sa pagkain samantalang halos isumpa na siya ni Kleinder sa ginagawa nitong pagpapalaway sa kanila.
"Yuck kadiri ka Seb tumutulo laway mo."
"Shut up Kleinder as if sa iyo hindi."
"Fuck!"
Napa pahid naman agad sa sariling bibig si Kleinder at...
"You imbecile wala naman ah."
"Just joking Mr.Salvi."
~~~~
TBC
ZerenetteFacebook: Zerenette Babies
BINABASA MO ANG
Billionaire's Baby Series1: Kleinder Salvi (Completed)
General FictionKleinder Abbas Salvi X Alexis Julie Alonzo Bachelors Baby series 1:Kleinder Salvi @zerenette NOTE : All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having thesame nam...