It's already morning masiglang bumaba si Alexis at nagluto sa kusina.
It's her daily routine pagkatapos magluto ay pumunta siya sa labas at nagdilig sa garden ng Donya.
Masayang-masaya siya dahil sa wakas wala na ang mga nag-gwa-gwapohang lalaki. Naligo naman siya at nagbihis ng uniform tamang-tama rin at nasa hapag na ang Donya."Good morning mga mahal ko. Kumusta ang tulog niyo? Kung ako ang tatanungin niyo. Napakaganda ng aking tulog nanaginip pa ako na humiga ako sa ibabaw ng sampalok."
Nakapikit pang sambit ni Alexis at kababakasan ang saya sa munting labi nitong mapupula.
"Good morning din apo. Halika na at ng maaga kang makakapasok sa University."
Nakangiting sambit ng Donya. Agad naman siyang umupo at hinintay na mahain lahat ng katulong ang mga luto niya.
"Ikaw ba ang nagluto nito apo?"
"Opo lola. Kain na po tayo."
"Sige hija. Oh, Kleinder apo halika na at ng sabay na kayong pumunta sa University."
Nakangiting sambit ng Donya. Agad naman na sumama ang timpla ng mukha niya.
"Anong ulam lola?"
Nakangiting sambit ng binata at umupo katabi niya. Agad naman siyang napairap. Nangunot ang noo ni Kleinder sa nakita.
"Anong klaseng ulam to? Ba't puro may sampalok?"
Naningkit ang mga matang tiningnan ni Alexis si Kleinder.
"Sinigang na bangus with sampalok sinigang na baboy with sampalok at sinigang na baka with sampalok. Ako ang nagluto niyan bakit may reklamo?"
"Balak mo bang mawalan kami ng dugo Alexis?"
Nakangising tanong ni Kleinder.
Agad namang nagtagis ang mga bagang ni Alexis at sinipa ang paa niya."Alam mo bang masarap ang niluluto ko ha? And por your impormesyon masustansiya yan."
Nakakunot-noong tiningnan ni Kleinder si Alexis. Nangingiti na nagmamasid lamang ang Donya sa kanilang dalawa.
God, grabe talaga ang arogante ng binata. Walang nagawa si Kleinder at kumain na lamang. Infairness masarap nga talaga."Apo anong kukunin mong course?"
Tanong ng Donya kay Kleinder na kasalukuyang kumakain. Nakikinig lamang si Alexis at nilantakan ang sinigang niya.
"Tatapusin ko na po ang pag me-medicine ko lola."
"That's good then, e ikaw hija hindi ka ba magsi-shift?"
"Wag na po lola gusto ko po ang kurso ko eh."
"Good, so sabay na kayong pumunta ng LSU since iisang University lang naman ang pinapasukan niyo."
"Lola ayoko alam niyo namang suki ko si Mang Kadyo wag na doon nalang ako sa motorsiklo niya sasakay."
Agad namang nangunot ang noo ni Kleinder sa sinabi ni Alexis . How dare her to refuse.
"Ang sabi ng lola sumabay ka sakin. I don't know where is La Sedilva University baka maligaw ako."
Napaismid na lamang si Alexis. Sa mukha pa lang nito imposibleng maliligaw to. Naku lang talaga pagdating sa University nila siguradong pagkakagulohan to.
"Oo nga naman hija, tour him around. Kleinder is a smart man kaya pagkatapos mo siyang i-tour sa Universidad niyo maari mo na siyang iwan."
"Ahy, kaya mahal kita lola eh. Nilalayo niyo ako sa masasamang bagay."
Nakangiting sambit ni Alexis. Napailing na lamang si Kleinder. Seems like his peaceful life will never be peaceful again and he finds it challenging and exciting.
-------------
TBC
Zerenette
Facebook: Zerenette Babies
BINABASA MO ANG
Billionaire's Baby Series1: Kleinder Salvi (Completed)
General FictionKleinder Abbas Salvi X Alexis Julie Alonzo Bachelors Baby series 1:Kleinder Salvi @zerenette NOTE : All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having thesame nam...