LSK 2- About Her... </3

109 2 0
                                    

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

Nag-bell na at pumasok na sa kanya-kanyang klase ang bawat estudyante, kasama na dun yung limang magbabakarada (dalawa po kasi bilang kay Adrian XDD)

-----------------------------------------------------------------------

Dylan's POV

(Nandito siya ngayon sa library dahil kailangan niyang pag-aralan yung lesson nila, hindi kasi siya nakikinig at puro pakikipaglandian lang sa mga babae niya ang kanyang inaatupag)

"Anu kayang problema ni espren?, sa tuwing naririnig niya yung pangalan ni Julie Rose, nag- iiba bigla yung mood nya, akala ko ba ayos lang sa kanya na mag-break sila, pero bakit kaya sobrang affected parin siya sa kanya?, Dati-rati lang sobrang saya nila, naaawa na talaga ako kay bestfriend" tanong niya sa kanyang sarili.

"Buti nalang hindi pa ako pumapasok sa seryosong relasyon, hanggang fling at flirt lang yung ginagawa ko, mabilis rin kasi ako magsawa kaya wala akong time sa long-term commitment.." dagdag pa niya

"Mabuti pa nga ay hanapin yung mokong na yun para matanong ko kung ano talagang nangyari sa kanila ni Julie" sabi niya at umalis na para hanapin si Jaxon

Sakto naman at pagdaan niya ng school canteen ay nandun si Jaxon, bumibili ito ng Cup Noodles, favorite niya kasi ito lalo na kapag may kasamang siopao.

"Pre!" tawag ko

"Oh andiyan ka pala?, kain tayo ^^" sagot niya sa akin

"Geh ayos lang, busog pa naman ako" pagtanggi ko

"Eh bakit ka nandito?, wala ka bang klase?" tanong niya

"Wala eh, vacant ung schedule ko ngaun ko, may gusto lang sana ako itanong sayo.." sagot ko

"Bakit?, nahihirapan ka ba mangchix?, weak mo talaga, ganito lan..." Jaxon

"HINDI. (tingnan mo itong kumag na to, puro panchi-chix lang laging nasa isip), hindi yun yung itatanong ko, tungkol sana kay Ju.." di na niya ako pinatapos magsalita ay pinutol na niya ito

"Pre naman...., sabi ko diba ayaw ko nang marinig yang pangalan na 'yan kahit kailan?!" sagot niya na may tonong naiinis

"Yun nga eh..., bakit sobrang affected ka pa rin sa kanya?, eh diba halos siyam na buwan na mula nang maghiwalay kayong dalawa?, tapatin mo nga ako, may nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?" mahinahon kong tugon

Yumuko siya saglit at nilapag sa lamesa yung Cup Noodles niya...

pagkatapos nun ay humarap siya sa akin at nagsalita...

"Sige na nga bestfriend naman kita eh..." Jaxon

"Yun oh!, yan ang bestfriend ko! :DD " masaya kong sabi

"Eh ano ba talagang nangyari?, dati lang, halos itapon mo na kami sa basuharan makasama mo lang si Julie... (itapon sa basurahan- hindi pansinin/ wapakelz)" tanong ko

----------------------------------------------------------------------------

Jaxon's POV

(Ang kulit talaga nitong mokong nato, mabuti pa nga at sabihin ko na sa kanya ang totoo..)

"Yun oh!, yan ang bestfriend ko! :DD " sigaw niya

"Shhhhh..., wag ka maingay!, mamaya matuon na naman sa atin yung atensyon ng mga babae dito sa canteen, wala ako sa mood lumandi!" sabi ko

"Opo, tatahimik na po..." Dylan, parang batang sumunod sa tatay niya XD

"Ganito kasi 'yun, 'di ko naman talaga tanggap na break na kami ni Julie, biglaan kasi yun pre..." sabi ko

*FLASHBACK*

"Hi babe!, Happy 3rd Monthsary <33" masaya kong sabi sabay abot ng flowers at chocolate

"Ahhh ehhh... salamat..." Julie

"I Love You :">" tugon ko at akmang yayakapin siya

"Ehhhhh..." sabi niya sabay tulak sa akin

"Bakit may problema ba babe? :'(( " malungkot kong tanong

"Let's just be friends..." sabi niya habang nakatungo

(Ang katagang yun ang dumurog sa puso ko, pakiramdam ko ay tila gumuguho ang mundo ko matapos ko marinig ang mga katagang yun )

"H-ha?... I don't u-understand..." mangiyak ngiyak kong tugon

"Let's break up, Jax..." sabi ni Julie na 'di nagtagal ay hindi na napigilang mapaluha

(Ang binitiwan niyang 'yun nag tuluyang dumurog sa puso ko ng pinong-pino at tuluyang nagpaguho sa mundo ko. Pakiwari ko'y pumapatak na ang luha mula sa aking mga mata)

"B-bakit?, M-masaya naman t-tayo diba..?, P-pareho tayong n-nagmamahalan diba?" tanong ko

"M-mahal k-kita, p-pero may p-problema eh..." sabi niya

"A-ano y-yun?...,s-sabihin mo Julie, s-sabihin mo!!" halos sumigaw na ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko

"Kasi..." Julie

"HOOOY MGA DUDES!!!!!" pamilyar na boses na nanggaling sa likod

*END OF FLASHBACK*

(May dumating na balyena este baboy este si Adrian pala XDD)

"HOOOY MGA DUDES!!!!!" sigaw ni Adrian

"Samahan niyo naman ako bumili ng gulaman, nagugutom na ako eh.., 'Di kasi pwede c Mike eh, may opening daw ng bagong computer shop dun sa may kanto, magpapasikat na naman siguro yun" dagdag pa niya

Tiningnan siya ng masama ni Dylan at akmang susuntukin buti nalang at napigilan ko siya bago pa lumapat ang kamao nito sa matabang pisngi ni Adrian

"P***** **a ka!!, naghe-heart to heart talk kami dito tapus bigla kang sisingit para lang magpasama na bumili ng lecheng gulaman na yan!!!!" sigaw ni Dylan

"Hahahahahahah, chillax bro!, next time ko nalang itutuloy yung kuwento" sabi ko at inakbayan ko silang dalawa

"Tara na, bili na tayong gulaman :DD" Adrian, na may tonong pang-aasar at nakatingin kay Dylan

"P**a, isa pang gulaman diyan, sasapakin na talaga kita!" sagot naman ni Dylan

"Bro, andyan na yung mga chix na humabol sa atin kahapon!!" sabi ko

1....2....3...

TAKBOOOOOOO!!!!

Love Story Ko :&quot;&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon