LSK 6- Unexpected Things Happen

68 0 0
                                    

Dylan's POV

"Sige na nga, GAAAMEEE!" sagot niya.

"Pre, bakit ka nga ba bitter sa mga korean?" tanong ko.

"Basta! =_=, tara na nga!" inis niyang sagot

Pagkatapos nun ay agad kaming kumaripas ng takbo, nag-uunahan kasi kami para makuha yung number nung bagong estudyante, balita namin chix daw eh! :3

Kaya ito kami ngayon, TAKBO!, TAKBO!, TAKBO!

Nagtutulakan pa kami habang tumatakbo, magkasingbilis lang kasi kami, ito naman si bestfriend hindi rin nagpapatalo, basta sa mga gantong bagay hinding-hindi talaga papayag na malalamangan siya.

TAKBO! TAKBO! TAKBO!

ng biglang

.

.

.

.

KRRRRRIIIIIIINNNNGGG!!

S**t ngayon pa nag-break, dagsaan ang mga estudyante, panigurado puntahan agad yung mga yun sa main gate para salubungin yung exchange student, kailanga ako ang mauna kaya kailangan kong bili....

"Hoy engot anong iniisip mo diyan!!" sigaw ni Dylan na malayo na ang agwat sa akin

"Maghintay ka lang!!" sagot ko naman at lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.

TAKBO! TAKBO! TAKBO!

"Hahahahahahaha, mauunahan na rin kita >:)" sabi ko sa aking sarili

Naunahan ko nga si Dylan nang biglang....

.

.

.

.

BOOOOOOGSH!

Nabunggo ko ang isang babae na tila galing sa library dahil sa dami niyang dalang aklat, pero napansin kong cute siya, pero hindi siya yung type ko, teka teka, ano ba itong pinag-iisip ko? -_______-"

"Hahahahahaha, t***a!!" sigaw sa akin ni Jaxon na sobrang layo na.

"Wait lang!!" sigaw ko ngunit 'di niya ito pinansin at tuloy tuloy lang sa pagtakbo

Nilakad ko nalang papunta dahil alam kong nauna na si Jaxon doon, ngunit nakasalubong ko siya na tila pinagsakluban ng langit at lupa ang pagmumukha.

"Bakit pre?" tanong ko sa kanya.

"Tara na.." sagot niya.

"Ui, bakit nga?" pangugulit ko.

"Basta.." sagot niya.

"Eh ano nga?" tanong ko.

"BAKIT BA ANG KULIT MO!!!, BOBO KA BA O SADYANG BOBO KA LANG TALAGA?!?!" sigaw niya sa akin sabay alis

"Yari! O.O" bulong ko sa sarili ko.

Sinundan ko si Jaxon ngunit tuloy tuloy lang siya sa paglakad na tila mayroon siyang tinatakasang kung anong bagay. Matagal na mula ng huli siyang maging ganon, simula ng nagbre...., maaari kayang.., pero bakit?...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jaxon's POV

BOOOOGSSSH!

"Hahahahahaha, t***a!!" sigaw ko kay Dylan.

"Naunahan na nga ako, nakabunggo pa XD" sabi ko sa aking sarili

Padating ko doon ay napakarami na agad na estudyanteng nagkukumpulan para salubungin yung exchange student. Siyempre 'pag hearthrob pinapadaan kaya in less than two minutes nasa unahan na agad ako. Maya-maya pa ay dumating na kotse na sinasakyan ng bagong student, paglabas na paglabas palang ng mga binti nito ay agad akong lumapit sa may pintuan ng kotse ngunit sa aking paglapit ay tila lahat ng sakit na tiniis ko sa mahabang panahon ay biglang bumalik dahil ang exchange student pala ay si JULIE ROSE!

FLASHBACK

Isang buwan na rin kaming hindi nag-uusap, nagcha-chat o nagte-text man lang simula ng mag-break kaming dalawa. Dahil sa hindi kami nagkaroon ng formal closure ng aming relationship, napag-desisyunan ko na puntahan ko siya sa bahay nila.

Pagdating ko sa bahay nila, tinanong ko kaagad ang guard kung nandoon ba si Julie, ngunit ang sagot sa akin ng guard ay lumipad na raw siya papuntang South Korea. Isang sulat na inabot sa akin ng guard na ipinapabigay ni Julie na lubhang dumurog sa puso ko.

Dear Jaxon,

Unang-una sa lahat, patawad sa nagawa kong kasalanan sa iyo. Hindi ko naman lubos na akalain ng dadating tayo sa punto na maghihiwalay tayo na akala natin ay tayo ang para sa isa't-isa habambuhay pero napagtanto ko na napakahirap pala magmahal, alam kong naging masaya tayo pero hindi ko puwedeng suwayin ang magulang ko at higit sa lahat ay kailangan kong matupad ang mga pangarap ko. Hindi na nga pala ako nakapag-paalam sa iyo na aalis ako papuntang Korea, dahil alam kong mahihirapan kang makita na mawala ako sa iyo. Sana makahanap ka ng babae na hindi mang-iiwan sa iyo at sana maging masaya ka sa buhay mo kahit wala ako.

Nagmamahal,

Julie

Ganon?!?, ganon lang yun, matapos ang lahat ng pinagsamahan namin ay ganon lang ang sasabihin niya, isang p*******ang sorry lang?, sana nga makahanap ako ng babaeng hindi mo katulad dahil sinira mo ang pangako natin sa isa't-isa.

Magmula noon, lahat ng pagmamahal ko sa kanya ay naging matinding poot at galit ang naramdaman ko habang pinagdudusahan ang sakit na dinaramdam ko simula ng iniwan niya ako....

END OF FLASHBACK

"BAKIT BA ANG KULIT MO!!!, BOBO KA BA O SADYANG BOBO KA LANG?!?!" sigaw ko kay Dylan, ang kulit kasi niya eh! at sinundan pa ako ng mokong na ito =_________="

Diret-diretso akong naglakad dahil gusto ko munang mapag-isa para maibsan ang sakit na dinadala ko ngayon. Maya-maya pa ay napansin ko na wala nang sumusunod sa akin, naligaw na siguro 'yun.

Nandito ako ngayon sa garden ng school, malawak naman dito kaya puwede itong tambayan, tamang-tama wala namang estudyante kasi busy sila lahat kay Julie =_________________=.

Iniisiip ko kung bakit siya biglang bumalik dito sa Pilipinas, ang akala ko ba ay tutuparin niya ang pangarap niya na maging sikat na singer sa Korea, eh anong ginagawa niya dito?, mas mahalaga naman ang pangarap niya diba?, mas mabuti pa na mawala na lang siya sa buhay ko -_______________-"

Iyon ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan nang biglang

.

.

.

.

"Hey Jaxon!" isang pamilyar na boses na nanggalling sa likod, ang boses ng taong minahal ko dati.

Love Story Ko :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon