LSK 3- Double Trouble

97 4 1
                                    

*TAKBO TAKBO TAKBO*

----------------------------------------------------------

Jaxon's POV

"Woooooh!, buti nalang natakasan naten sila " sabi ko sa dalawa

"Oo nga eh, kung nagkataon, pinapak na naman tayo nung mga yun" sagot ni Dylan

"Pre, gusto mo ng gulaman? :D "pang-aasar naman ni Adrian

Bumalik ang init ng ulo ni Dylan at kinuwelyuhan si Adrian XD

"Pre, tama na yan, hahaha, next time nalang ulet XD" pagpigil ko kay Dylan

"Di kase alam ng mokong na 'to kung gaano ka kahirap kumbinsihin" pag-angal ni Dylan

"*Munch munch*, Anu ba yun?" tanong ni Adrian

"WALAAAA!!" sabay naming sabi ni Dylan

"Kdot. *munch munch*" sabi naman ni Adrian

(Tingnan mo 'to puro pagkain lang talaga ang mahalaga sa kanya XD)

*BOOOOOOGSH!*

Taob kaming dalawa ni Dylan except kay Adrian (antaba eh!), may nakita kaming dalawang lalaking tumatakbo palayo sa amin. Hindi nagtagal, may isang grupo pa ng lalaki ang sumunod sa kanila at yung iba ay may dala dala pang baseball bat.

"Aray ko!, takte sino ba yung mga yun?" sabi Dylan

"Oo nga eh, pati bakit may humahabol sa kanila?" sabi ko

"Baka may atraso sila?" sabi ni Dylan

"Siguro, Adrian!, nakita mo ba?" tanong ni Dylan

"Hindi, kumakain ako eh *munch munch*" sagot ni Adrian na punong-puno ang bibig

"Hayst, wala ka na talagang nagawang mabuti kundi lumamon ng lumamon" sagot ni Dylan

"Tama na yan pre, tara sundan naten yung dalawa, baka kung ano nang nang-yari dun" pag-aaya ko kay Dylan

"Tara bilis!!" sagot ni Dylan sabay takbo

Iniwan namin si Adrian na kumakain pa rin ng paborito niyang gulaman (wala na talagang pag-asa ang isang 'to =_=)

*TAKBO TAKBO TAKBO*

Nakarating kami sa kinaroroonan ng dalawang lalaki at aba kambal pala sila, magkatalikuran silang dalawa habang pinaliligiran sila ng grupo ng mga lalaki.

"Kayong dalawa pala ang sumulot sa syota ni boss noh!" sabi ng isang lalaki

*At pinagpasahan niyo pang dalawa, patay kayo samin ngayon* dagdag pa ng isang lalaking kalbo

"Ano, upakan natin yan!" sabi nung isang lalaking may dala dalang baseball bat

Siyempre bilang mga good samaritans *vomits*, hindi naming pwedeng hayaan na mabubugbog yung dalawang lalaking yun, tutulungan namin silang dalawa.

"Hoy kayong mga ungas, dalawa lang ba kaya niyo, sama niyo na kami!" sabi ko

Bumaling sa amin ang atensyon ng mga lalaki at nakaalis naman ang kambal sa kinalalagyan nila at pumunta sa amin.

Love Story Ko :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon