Rio's POVHeyo guys. Rio Carlo Fernandez. 17 years old at gumagamit ng eyeglasses. Ou bestfriend ko si Trixie Marie Enriquez :) Matagal na kaming magbestfriend nyan! Kung alam nyo lang kung gaano siya ka--
"HOY! CARLO. HALIKA NA. PAPATAYIN TAYO NI MAMA NYAN!"
Ou siya yan. Ang ingay diba? At madaldal pa HAHAHA. Ang takaw-takaw pa nyan. Pero hindi naman tumataba. Hindi niyo ba alam? Everyday nakakaubos yan ng isang plato. Ou plato. Plato ang kinakain niya hindi pagkain XD HAHAHAHA.
"ANO?! BAHALA KA NA NGA DIYAN"
Ayon. Tampopot agad. Hahaha. Ang kyut-kyut niya talaga. Hay naku. Kailan ba'to makakahanap ng lalaki na matino?
"OU HETO NA. HAHA. LABYO" Biro ko sa kanya XD HAHAHAHA. Ang ganda niya kasi pag nagagalit.
Trixie's POV
Hello guys ^^ Trixie Marie Enriquez here. 17 years old. Oh! Nakilala nyo naba yung bestfriend kong kapatid ni Chuckie? Ou. Kapatid po siya ni Chuckie. Favorite movie nya po yan. Ewan ko ba kung bakit -,-"
"Oh! Halika na. Baka pagalitan tayo ni tita. Mahuhuli tayo sa kasal niya. Pffft" Sabi ni booy ewan.
"Kung mahuhuli man tayo. Sasabihin ko, kasalanan mo yun. Dahil ang bagal-bagal mo. Parang babae. Mas mabilis pa nga ako sayo. Hmp!" Galit na sabi ko sa kanya. Nakuuuu. Malilintikan talaga ako nun pag hindi ako nakapunta or late akong pupunta dun.
Mag-aasawa uli si mader lalu kasi. Nakahanap na siya ng bagoo. Hahaha. Dead na kasi si paderrr. Kaya yun. Pero walang makakapalit na kahit na sino dito sa puso ko. Iisa lang ang papa ko :'). Pinagbigyan ko si mama para maging masaya siya sa buhay niya. Tutal malapit nadin naman akong mag debut. Malapit na ako sa legal age. At makakapag trabaho na ako.
"HOY! Ano ba. Kanina pa ako salita ng salita dito pero wala palang nakikinig sa akin -,-""
HAHAHAHA. Isa pa'to e. Hay naku.
Nandito kami sa kotse kung saan papunta sa isang civil dahil sa civil lang ikakasal si mama at si Tito Ramon.
"Ah e. Sorry haha. May iniisip lang. Ito naman. Wag kang mag-alala. Ikaw naman ang iniisip ko. HAHAHAHA"
Yun bang dinadala mo nalang sa joke? HAHAHAHA. Shets!
"Ewan ko sayo. Hmp!" Hala. Nagtampo si bestfriend. Malambing nga.
"Uy! Bess. Wag kanang magtampo. Baka gusto mong halikan kita jan pag nagtampo ka pa sa'kin" biro ko sa kanya.
"Ou na. Hindi na. Tss." ano daw? May sinabi siya e.
"Ano?" Pagkaklaro ko.
"Wala. Oh! Nandito na tayo. Dali-an mo. Lumabas kana jan. Bingi" Aba't hindi gentleman. Hindi ako pinagbuksan ng pinto!
Ahhh. Ganun ah! Sige tignan natin mamaya. BWAHAHAHA.
Ay hala! Ang kasal ni mama. Kailangan ko ng magmadali.
**
Trixie's POVReception hall**
"Thank you everyone sa pagdalo ninyo sa maliit naming salo-salo. Sana po ay mag enjoy kayo" sabi ni mama. Habang hawak-hawak ang microphone. At nagpalakpakan ang mga besita.
Kanina ko pa hindi kinikibo si Carlo -,- wala lang. Wala ako sa mood.
"Uy! Bess! Kanina mo pa ako hindi kinakausap a. May ginawa ba akong mali?" Tanong niya. Naku Carlo ha umalis ka sa harapan ko. Wala ako sa mood. Baka masapak kita.
"Wala. Wala ako sa mood" walang emosyon kong reply sa kanya.
"Alam kong hindi. Lika nga. Sayaw tayo. Isasayaw kita *wink*"
Sheems >////< Sana hindi ako ng blush. Ano ba Carlo.
"Hindi ako marunong sumayaw Carlo" sabi ko sa kanya na parang tinatamad.
"Anong hindi? Ako ba pinaglololoko mo? Isa kang sikat na dancer sa school tapos hindi ka marunong sumayaw? Aba! Gingago mo ba ako?" Holo. Ou na ako na hindi marunong umarte -,- tss.
Kaya we end up dancing in the middle of the floor at slow dance pa ha. Wengya naman oh.
*What if I never knew, What if I never found you*
He slowly grabbed my waist pulling me near him and put my two arms around his neck. Para na kaming nakayakap sa posisyong ito. Myghad. Ang heartbeat ko. *dugdugdugdug* at may ibinulong siya na ikanagulat ng heart ko.
"I lo--"
..
..
..
..
..
..
"HOY! Miss Trixie Marie Enriquez sasayaw kaba oh hindi?"Hala! Nag iimagine pala ako? Shet! Akala ko totoo na. Wengya naman oh! Epal si Carloooo. Waaaaah T.T
"Sige tara!" Sabi ko sa kanya. Baka matutuloy na yun. Yung na imagine ko kanina.
Medyo nailang tuloy ako. Hindi naman kami ganito nuon ah? Wengya oh!
Tahimik lang kaming sumasayaw sa gitna ng dancefloor. At binasag ko ang katahimikan. Awkward na masyado.
"Uhm. Carlo, bess? Wala kabang sasabihin sa'kin?" Ano kasi. Baka meron. Yung nasa imagination ko kanina.
"Wala naman bess. Bakit?" Takang tanong niya sa'kin. Ayan, ayan. Yan yung napapala mo Trixie. Asa-asa ka kasi.
"Ha ha. Wala naman" fake na tawa ko. Haay, wag ka ngang mag assume Trix -,- yan kananaman kasi.
"Ay! Ou, free kaba bukas?"
Free kaba bukas
Free kaba bukas
Free kaba bukas
Free kaba bukas
Holo! Ano ang ibig sabihin nito? Wag nyong sabihin may gusto siya sa'kin. Waaaah
"Aray! Tss" Pinitik niya lang naman yung noo ko.
"Alam ko kasi kung ano yang iniisip mo! Wuy. Wala kaya akong gusto sayo. May ipapakilala lang ako" ipapakilala?
"Sino naman? Ahhh. Barkada mo?" Baka barkada nga.
"Basta bukas. Itetext ko nalang mamaya kung saan :)"
Aywanda kung sino yung ipapakilala niya sa'kin. Hmp. Bat parang kinakabahan ako? Hindi naman ito ang unang beses na may ipapakilala siya sa'kin a? Ano naba ang nangyayari sa'kin! Uggghh!