2nd Reason

1.1K 22 5
                                    


Oyy ateng kamusta ? Balita ko hindi swak sa iyo iyong 1st reason ? Naku ! Sige try mo itong pangalawang rason baka ito na. Sarap naman kasing kutusan itong taong gusto natin dahil di tayo gusto ! Naku-Naku ! Ang sarap lang magpagawa ng gayuma at ipainom sa kanya lahat pati bote ng matauhan siya. Char lang ! Baka mamatay pa siya eh di mas lalo tayong nawalan ng pag-asa na magustuhan kung nagpa-china na siya.

Anyway, ano ba ang kasarian ng taong gusto mo ? WHAT ? O_O BAKLA ?! TOMBOY ?! O_O

Girls sa sobrang dami ng lalaki sa paligid mo bakit sa bakla ka pa nagkagusto ?! Naku naman ! Lalaki rin ang hanap niyan ! Anong labanan ito ? Girl to Girl Relationship ? Haha. Paano ka magugustuhan niyan eh di ka naman lalaki. Hindi ka naman gwapo. Wala kang abs. Wala kang panlalaking totot. So ano ? Aasa ka pa rin ? Eh baka nga mas girly pa iyan sa iyo. Mas makapal pa ang make up sa mukha. Mas makinis. Mas pino ang kutis. Mas sexy. Mas maputi. Mas hot. Mas mapula pa ang labi. At may pumipilantik pa na mga false eyelashes. In short, baka MAS MAGANDA pa siya sa iyo. Tapos mag-eexpect ka pang magkakagusto siya sa iyo ? Naku girl tama na ang pagkain ng Hopia baka maempatso ka. Baka nga sabihan ka pa niyan ng "Ayaw kong maging Tomboy nooo!" pag nagtapat ka sa kanya. Girl tama na paghahangad kay beki huh' mabuti sana kung malakas ka kay papa God at matupad agad ang panalangin mo na mauntog Si beki at maging lalaki ulit. Pero hindi lahat ng kaso ganyan. Ang mga Papa nga nahihirapang gawing lalaki ulit ang baklang anak na kahit na isako sila at bitayin ng patiwarik at ilublob sa drum ng tubig ay di pa rin ibinababa ang bandila nila ng pagiging beki ikaw pa kaya ? HU U ? Honestly, mahirap talaga ang magustuhan ka pabalik ng isang binabae. Alam mo kasi girl, ang mga beki beni-bestfriend :) Promise hindi ka magsisisi na maging kaibigan sila. Mapagmahal at maalagang kaibigan ang mga iyan. Malakas pa ang sense of humor. Hindi ka mabo-bored. Instant fairy godmother pa. At hindi pa AHAS di  katulad niyang katabi mo Char ! Kung ako sa iyo besh, sumuko ka na at kaibiganin mo na lang. :)

Boys ano ? Si ateng Tomboy ang gusto mo ? Siya na semi-kalbo ang gupit na talo ang gupit mong Korean style na di bumagay sa hitsura mo ? Sos. Sa daming sisiw este chicks na nandito sa earth sa kanya pa talaga ? Try mo kayang suntukin iyang puso mo at baka nababaliw na. Pero boys wag mawalan ng pag-asa kasi di tulad ng sa beki mas malambot ang puso ng tomboy dahil babae pa rin iyan. Malay mo sa sobrang galing mong humabi ng kasinungalingan ai este diskarte pala *kamot sa ulo* baka mapa-ibig mo siya. Asesss ! Pero AGAIN, kung ang natipohan mong tomboy ay iyong pusong lalaki na talaga, back out ka na Tol nandito pa ako sa akin ka na lang. Haha de joke lang. Pero kung talagang ganoon na ang kaso then boys move on na agad at hanap na ng bago tutal diyan naman kayo magaling di ba ?! Haha Joke lang ulit.

Oh siya. NaC-CR na ako. Tama na muna ito. See you on next Reason ! :)

Bakit Hindi Ka Gusto Ng Gusto Mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon