Woahhh ! Magbunyi ! Isa itong achievement para sa isang tulad kong tamad na makapag-sulat ng hanggang dito na. Grabe ! Stress kung stress ang kagandahan ko ngayon dahil folk dancer ang ninang niyo ! Haha. Hayy naku ang sakit ng mga muscles ko. Oo masakit ! Katulad noong naramdaman mo ng niloko at iwan ka ng syota mo ! Oh ano ? Relate ka na ? Naku talaga ! Basta mga love-love ang usapan umaaktibo agad iyang mga neurons niyo. Anyway, iyon nga Intramural meet namin ngayong week na ito tapos folk dancer ako. Iyon nga lang nasalihan ko. Gusto ko pa sana sumali sa Quiz bowl kaso naisip ko hindi pala ako two-timer di tulad ng syota mo. Tapos iyon ang partner ko sa sayaw ay si-- Teka bakit nakataas iyang isang kilay mo ? *iling-iling* Alam ko iyang iniisip mo. Iniisip mong "Duhh ? Anong paki ko kung Intrams niyo ngayon at folk dancer ka ?" Hay naku Onyok ! Atat ka Teng para sa ikatlong rason kung bakit hindi ka gusto ng gusto mo ? Sige tutal dahil mukhang nagmamadali ka sasabihin ko na. Hindi ka niya gusto dahil ahem ! ahem ! Lord patawad po sa sasabihin ko Huhuhu T_T pero naniniwala po kasi akong the truth will set you free at saka truth hurts kaya ito na ang 3rd reason - PANGIT KA PO.
Oo. Wag mo ng balikan at basahin ulit dahil tama ang nabasa mo. Dahil siguro sa hitsurang iyan kaya di ka magusto-gustohan ng maarte at feelingerong iyon ! Kapal naman ng mukha niya ! Bakit ? Sobrang Gwapo o Ganda ba niya ? My God ! Ang sarap lang pababain ang Goddess of beauty na si Ako este si Aphrodite pala at ang God of Handsome na si ammm.. ammm .. *kamot sa batok* sorry di ko pala kilala kung sino basta Gusto kong pababain sila ng tubuan naman ng hiya iyang natitipohan mo. Grabe huh' mata niya iyong na-iinlove ! Eh kung sobrang totoo pala itong ikatlong rason baka magkaroon na ng batas na BAWAL MAINLOVE ANG PANGIT ! SINDI KA NALANG NG KATOL ! Tseeeee ! Neknek ! Hustisya ! Hustisya !
Pero seriously speaking grabe napapa-english na ako, isa ito sa mga napapansin kong dahilan kung bakit maraming walang love life ngayon (Aray ! Parang natamaan ako doon sa part na walang love life). Aminin man natin o hindi, una tayong naa-attract sa pisikal na katangian. Minsan pa nga pag nakakita ng di kaaya-aya ahmf ignore agad ! See ? May nag add friend sa iyong Gwapo o di naman kaya ay Maganda ay walang pag-aalinlangang i-aaccept mo agad pero pag pangit ignore lang. Masapok nga kita pag nagkita tayo kahit isa lang pwede ? May nag message sa iyong cute reply ka agad pero pag hindi Seen mo lang. Wushoo ! Wag ako. Minsan pa nga may pag kajudgmental din tayo eh - Pag gwapong may hikaw HOT pero pag panget na lalaking may hikaw ADIK, Pag maputing intsik ang mata CHINITO pero pag maitim na intsik ang mata PRINITO, Pag taong mataba na may hitsura CUTE pero kung mataba na pangit pa DAMBUHALA. Ngayon niyo sabihin sa akin na hindi nag-mamatter ang pisikal na hitsura !
Bago ka niya magustuhan kailangan ma-attract muna siya sa iyo. Ngayon, paano mo ba makukuha ang atensyon niya ? Obviously hindi iyang attitude mo ang sagot. Ano ba unang nakikita sa isang tao ? Attitude ba ? Hindi. Di ba't ang pisikal na hitsura ? Bakit pag dumaan ka ba bigla sa harapan niya ugali mo agad ang makikita niya ? Pag nakita niya ang FB account mo malalaman niya agad kung gaano ka kabait o di naman kaya katalino? Sos.
Gusto mong magustuhan ka niya pabalik di ba ? Pwes oras na para halungkatin mo iyang baul mo at ilabas na ang natatago mong ganda o kagwapohan. Alagaan mo ang pisikal mong anyo. Feeling mo oily ang face mo ? Then matuto kang maglagay ng powder. Dry lips ? Mag lipstick ka besh. Badoy ang porma mo ? E di palitan mo. May kaunti kang fats ? Then do proper diet and exercise. Gawin mong presentable ang sarili mo gawin mong kaaya-aya sa paningin mo at sa paningin ng mga tao sa paligid mo. Maganda ka Ateng naniniwala ako diyan. Gwapo ka Kuya alam ko iyan. Wala pong pangit na nilikha ang diyos sadyang iba-iba lang ang katangian natin, kaunting ayos lang talaga ang kailangan mo at tiwala sa sarili. Pero kung pagkatapos ng lahat ay di ka pa rin niya nagustuhan, hindi mo kasalanan iyon siya iyong tanga kasi di ka pa rin niya nakikita. Pero ito tandaan mo huh, hindi ka man niya napansin at least na improve mo ang sarili mo at salamat na lang sa kanya.
Oh siya ! Kay ganda/gwapo mo na ! Ngayon dahil ayaw niya pa rin sa iyo, Humanap ka na ng iba !
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ka Gusto Ng Gusto Mo ?
RandomAyy naku Ateng wag ka ng malungkot o di kaya'y magmokmok ! Hindi ka niya gusto ? Pwes ! Aalamin natin kung bakit at kapag nalaman na natin make a move ! Malay mo mapansin ka na niya ! Fight lang tayo ! Wag pong mawalan ng Pag-asa :) B e e n _ S o o...