5th Reason

443 11 5
                                    


Juskooo ! Naka pang limang rason na tayo ! Namaaaan ang daming posibleng rason naman nitong taong gusto natin ! Sobrang choosy lang. Kainis :3

Singkit ba ang mata mo ? Iyong tipong kahali-halina. Matangos ba ilong mo ? Iyong ilong na di pang Pilipino dahil sarat iyon. May maputi at pinong kutis ? Iyong di na kailangan lumunok ng gluta at magpa Vicky Bello. Pantay-pantay at mala perlas na ngipin ? Iyong di tulad ng sa lola mong naka 1 seat apart at parang may Hepatitis dahil sa pandidilaw. Kissable lips ka ba ? Iyong di tulad diyan sa best friend mo na parang limang kilo ang bigat at naglipstick ng ata ng pusit dahil sa kaitiman. Sexy na katawan ? Iyong mahihiya ang Coco-Cola bottle tumabi sa iyo at mapapaiyak si Jessy Mendiola sa inggit. Magaling pumorma ? Iyong panes lahat ng stylist. Mahabang pilik-mata ? Iyong kasing-haba ng pasensya ng teacher mo kahit bulakbol ka. Ikaw ba lahat ng nabanggit ? Eh aba mag celebrate ka na ! Pumasok ka na sa PBB tutal magaganda lang naman o pogi kinukuha nila. Mag pa screening ka na rin para sa Bb. Pilipinas ganda mo eh naiiyak ako. Salihan mo na pati tawag ng tanghalan, ubusin mo na lahat. Pero ang problema bakit sa kabila ng pagiging almost perfect mo ay bakit di ka pa rin magustuhan ng gusto mo ?

Ahh alam ko na kung bakit. MASAMA, CHAKA, PAKRAS, PANGIT, UGLY ANG ATTITUDE MO. Oo kabaliktaran ng physical appearance mo ang ugali mo. Baka naman kasi napaka suplada mo, napaka bratinella, napaka spoiled brat, napaka laitera, napaka feelingera, napaka tsismosa, napaka self-centered at maraming pang napaka na may dagdag na bad traits sa dulo. Grabe ka naman ateng, hinakot mo nga ang lahat ng good physical appearance hinakot mo pa ang lahat ng bad attitudes. Iyong totoo anong ginamit mong pang-salo ng isaboy ng diyos ang mga katangiang ito ?

Ateng totoo pong na-attract tayo dahil sa physical appearance, maaaring mapansin ka ng taong gusto mo dahil almost perfect na ang panlabas mo na anyo Pero tandaan mo pong ang UGALI po ang minamahal ng tao hindi ang mukha. Gusto mong gustohin ka ng taong gusto mo di ba ? Hala sige simulan mo ng e-repair iyang pangit mong pag-uugali. Maging palangiti, friendly, approachable, kind, sweet, caring, tactful, respectful, lovable, etc. Believe me sa gandang mong iyan kapansin-pansin ka na, paano pa kaya kung gumanda na rin ang pag-uugali mo e baka na obsess sa iyo iyang taong gusto mo. Pero Ingat ka lang baka ma "I love you to death" ka. Hahaha. Oh siya lovelots ! :*

Bakit Hindi Ka Gusto Ng Gusto Mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon