4th Reason

509 11 2
                                    


Ina-antok talaga ako. Pero dahil nanalo kami sa aming sayaw, magtatype ako ngayon ng isang rason. Oo isa lang dahil dapat talaga isa-isa lang hindi dalawa, hindi tatlo. Sabihin mo ito sa kaibigan mong daig pa ang stopwatch sa pagiging timer.

Oyyy ikaw na nagbabasa. Oo ikaw. Kamusta ? Hot pa rin ba ? Naksss naman ! Haha. Mabuti kung ganoon ipagpatuloy mo lang iyan dahil paniguradong di ka makaka-akyat sa langit dahil sa panloloko mo sa sarili mo. Haha Joke lang. Ahem ! Ahem !

Naranasan mo na ba iyong feeling na ang galing sumayaw ng mga kabarkada mo tapos ikaw sobra pa sa parehong kaliwa ang paa na ultimo simple waltz step hindi mo makuha ? Iyong sila swabeng-swabe na nasasayaw ang gimme-gimme tapos ikaw parang kinokombulsyon. Sila astig na nasasayaw ang Horn dance samantalang ikaw puro tuhod lang ang gumagalaw. Sila ang galing sumayaw ng trumpet tapos ikaw ang galing pumalakpak. Grabe noo ang blessed natin. Note the sarcasm.

Ito pa kamusta sa feeling na iyong kaibigan mo effortless na nabibirit ang emotion ni Mariah Carey at partidang may whistle pa samantalang ikaw sitsiritsit lang ang kayang biritan at pag-sipol lang ang kayang gawin. Eh kamusta naman iyang best friend mong daig pa ang makata sa pagkanta na akala mo ay tumutula na ? Iyang katabi mong halos sa ilong kumukuha ng hangin pag kumanta , ganda ng boses noo ? Sa sobrang ganda gusto mo ng maiyak at mag split.

Si classmate mo na sobrang talino na halos kulang na lang na kainin ang lahat ng libro at angkinin ang library. Si best friend na magaling mag sepak takraw, mag badminton, mag table tennis, mag volleyball, mag basketball na halos sarilihin na ang court at athletic field at pamunuan ang Intramurals. Si ano na magaling mag drawing at mag painting na kahit na ang kulangot mo sa ilong kaya niyang kopyahin with colors pa di ba bongga ? Si Ano na kumakain ng apoy. Si ano na umaapak sa bobog. Si ano na kasya ang kanyang kamao sa bibig. Si ano na lumulunok ng karayom. Si ano na bali-bali ang katawan. Si ano na nakaka-twerk kahit nakasabit ng patiwarik. Si ano .. Siya ! Siya ! Edi kayo na ang talentado ! Kayo na ! Kayo na !

Baka hindi tayo nagugustuhan ng gusto natin kasi wala tayong talent as in nothing as in zero. Oo itlog. Powtapepe naman kasi iyang nagustuhan mo sana pala nag hurado na lang siya sa talentadong pinoy o di kaya sa Pilipinas got talent kung naghahanap siya ng talentado. Pero kungsabagay, di naman natin sila masisisi eh iyon ang gusto nila. Baka gusto nila ng dancer para cool. Baka gusto nila ng singer para instant FM radyo. Baka gusto nila ng matalino para may taga-gawa sila ng kanilang thesis (middle finger lang sa part na ito). Baka gusto nila ng sporty para para fit, allergic siguro sa fats. Baka gusto nila ng kumakain ng apoy para kunwari pirena syota nila, kumakain ng bobog para tipid sa ulam, bali-bali ang katawan para iwas hospital. Hays ! Ang dami niya lang alam. Itanong mo nga sa kanya kung ano ang nauna, itlog o manok ?

Anyways, wag ma-pressure kung wala kang talent. Pero napaka impossible naman kung wala talaga. Meron iyan. Baka naman kaya mong maglaba at tapusin ang limang sakong labahan in 30 minutes oh e di talent iyan. Baka kaya mong ubusin ang isang kalderong kanin aba nakakabilib iyan. Nakakaya mong magpapak ng purong paminta at vitsin ? Aba talentadong bata. Kaya mong murahin si mama at papa mo ? Grabe iilan lang ang nakakagawa niyan. Ito pa baka kaya mong maligo ng walang tubig at magsalita na nakatikom ang bibig ? Aba ! Guinness book of record na iyan ! Sabi ko sa iyo eh may talent ka, kakaiba nga lang.

Dapat mong gawin ? Maging active ka at mag participate. Sumali ka sa ibat-ibang activities, makilahok, makialam, makibaka, makikain, mangutang, manguha, mamatay de joke lang. Mag-practice ka. Practice may not make you perfect but swear it will make you better. Lalabas din iyang natatago mong talento pag nahasa mo. Tiwala lang. Tiwala lang mapapansin ka rin niya :)

Bakit Hindi Ka Gusto Ng Gusto Mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon