Chapter One

21 1 0
                                    

Zyron's POV

Ako si Zyron Louisse.

Mabait,matalino,mayaman,good looking,down to earth at iba pang magagandang katangian ang dinedescribe nila sakin.

Lumaki ako sa karangyaan pero hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na spoiled brat at bad boy. Sinanay nila kami ng kapatid ko na mamuhay ng simple. Kahit na nakatira kami sa malaking bahay, marunong kaming mamuhay na kahit tuyo ang ulam ay kakain kami.

Dalawa kaming magkapatid at ako ang panganay sa aming dalawa. Labing anim na taong gulang na ako at labing apat naman ang kapatid ko.

Nagaaral kami sa GGIS kung saan puro mayayaman ang nagaaral. Gusto ko sana na sa public school nalang magaral, pero dahil sa share ni papa sa school na yun dun na nila kami pinag aral. Kaibigan din kasi nila mama't papa yung may ari ng school na yun, may tatlo daw na anak si tito Sev (yung may ari ng school) dalawang lalaki at isang babae. Yung dalawang lalaking kambal palang yung nakilala ko, ni minsan di ko pa nakikita yung babae. May mga nagsasabi na malapit na daw dumating yung babaeng anak ni tito Sev kaya nagaabang na ako. Madami din kasing nagsasabi na madami kaming pagkakapareho kaya na eexcite akong makita siya.

***

"Ze? Nabalitaan mo na ba?"sabi ni Richard, bestfriend ko

"Ha? Yung alin?"

"Yung pag pasok ngayon nung babaeng anak ni tito Sev?"

"Ngayon?"

"Oo. Di mo pa ba alam yun?"

"Di naman siguro obvious na di ko pa alam."

"Sabi ko nga di mo pa alam."

"Tss. Tara na nga pasok na tayo sa room."

***

Nagtuturo ngayon yung Science teacher namin.

"Class, always remember that--"

*tok* *tok*

Naputol yung sinasabi ni Sir nung  may kumatok sa pinto.

"Ahm. Excuse me sir, madam is already here."sabi nung body guard. Oo body guard siya, yung as in family body guard.

"Oh, ok. Let her in" pagkasabi nun ni Sir, tumabi yung isang body guard tapos may pasok na babae.

Maganda siya, maputi, makinis yung balat, halata sa kanya na sobrang yaman niya, well base sa narinig at nakita ko kanina. Pero yung pananamit niya, simple lang, naka complete uniform siya, may I.D., naka black shoes, tapos maayos yung buhok niya. Naka headband lang siya na blue na may ribbon. Para siyang bata tignan.

"Hi :)" bati niya samin "For those who doesn't know me yet, I'm Allison Gerrero-Guazon"

W-what? Siya si Allison? Ah, aaminin ko, mas simple pa yung ineexpect ko sa kanya. Well, baka feeling ko lang na plastic siya. Uso naman yung getting to know each other diba? Siguro kailangan ko lang ng time.

***

Maagang naguwian dahil may meeting daw yung mga nagtatrabaho sa school, para sa mga babaguhing rules

Pag uwi ko umakyat agad ako sa kwarto ko, hindi ko talaga ineexpect na yun si Allison.

-----

Sorry, short UD. Blanko utak ko e 😂

First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon