Chapter Three

21 2 2
                                    

Zyron's POV

"Ze? Anong meron?"tanong sakin ni Richard. Andito kami ngayon sa kwarto ko.

"Ha?"

"Bakit di mo pinapansin si Allison? Isang linggo na siya sa school pero di ko pa nakikitang kunausap mo siya ng matino. Diba gustong gusto mo siyang makilala noon? Pero ngayong andito na tinataboy mo. Anong problema mo?"

"Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan. Pero ang alam ko lang, nakikita ko si Mimi sa kanya."

"Yung bestfriend mo noon na babae? Hanggang ngayon ba nagaantay ka pa din sa kanya? Walong taon na siyang di nagpaparamdam sayo ah?"

"I want to call tita Gie. Gusto kong tawagan si tita Gie. Baka this time may sumagot na."

"Araw araw mo nalang ginagawa at sinasabi yan. Araw araw ka nalang na umaasa. Sige pala Ze, uuwi na ako. Gagawin ko pa yung mga assignments natin."

"Ge."

Pagkaalis ni Richard, kinuha ko agad yung cellphone ko at dinial ang number ni tita Gie. Sabi ni mama eto pa din daw ang number niya sa ibang bansa.

*ring**ring**ring*

Nagriring na, baka nasa bahay na sila tita Gie

*Hello? It's Reclanta family's number, sorry, but we are not available right now. You can leave a message after the beep.*

Akala ko makakausap ko na sila.

*beeeeep*

Magiiwan nalang ako ng message.

"Ah? Hello tita Gie? Si Zyron po ito. Pag narecieve niyo na po tong tawag ko pakitawagan naman po ako. May gusto po sana akong itanong sa inyo."

Pagkatapos non pinatay ko na yung tawag.

Miss na miss ko na si Mimi.

//Kinabukasan//

Pagpasok ko sa school nginitian agad ako ni Allison. Hindi ko siya pinansin. Palagi ko namang ginagawa yun. Siguro immune na siya.

***

Breaktime na namin. Pupunta sana ako ngayon sa library kaya lang may tumatawag sakin kanina pa unregistered naman yung number kaya di ko kilala kung sino to. Pumunta ako sa lumang building na malapit sa library para sagutin yung tawag. Walang ganong pumupunta sa lugar na to kaya tahimik.

Sinagot ko na yung tawag

"Hello?"sabi ko

"Ze ikaw na ba to? Si tiya Gie ito."

"Tita Gie?!" nagulat ako kasi nakakausap ko na siya. Pwede ko nang itanong si Mimi. "Kamusta na po kayo?"

"Busy kami ng tito mo iho. Madami kaming inaasikaso na business namin."

"Si Mimi po?"

"Ah, iho hindi mo ba nalaman?"

"Ang alin po?"

"Wala na si Mimi."

"Po?" nagulat ako sa sinabi ni tita

"So hindi niyo nga natanggap yung sulat ko noon. Wala na si Mimi, naaksidente yung sinasakyan nilang eroplano noong papunta sila dito. Nakasurvive ang tito mo pero si Mimi hindi. Hanggang ngayon hindi pa din namin nakikita yung katawan niya." umiiyak na si tita pati ako naiyak na din "Hindi namin alam kung saang parte ng dagat namin hahanapin yung katawan niya."

Hindi ako makapag salita, di ko alam kung maniniwala ba ako. Baka kasi joke lang to. Baka nang gugoodtime lang si tita Gie. Pero naririnig ko yung hikbi niya, nagpapahiwatig na totoo ang lahat. Kaya pala. Kaya pala hindi siya nagpaparamdam sakin. Ang akala ko hindi na ako mahalaga sa kanya.

"Iho? Anjan ka pa ba?"

"Ah, yes po tita"

"Ay sige, nga pala iho. Alis na muna ako, may aasikasohin pa kami. Tawag nalang ako pag may time."

Di nako nakasagot kay tita Gie. Napaupo nalang ako sa pwesto ko. Pakiramdam ko pasan ko yung mundo, ang bigad ng pakiramdam ko. Di ko na namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Sobrang sakit. Hindi ko matanggap na wala na si Mimi. Ang hirap tanggapin lalo na't naging best friend ko siya. Napaka bait ni Mimi, bakit nangyari sa kanya yun? Ang sakit at ang hirap isiksik sa utak ko yung mga nangyari.

Iyak lang ako ng iyak dito. Ayos lang naman na umiyak ako ng umiyak dito. Wala namang dumadaan dito kaya walang makakarinig. Gusto ko lang mailabas yung sakit na nararamdaman ko. Gusto ko sanang tawagan si Richard kaya lang naguumpisa na yung klase. Ayoko naman siyang maabala, consistent honor student siya gaya ko. First ako at second siya. Sa katunayan ngayon ko lang nagawa to, yung hindi pumasok. Hindi ko din kasi kayang pumasok na ganito yung itsura ko at nararamdaman ko. Lilipad lang yung utak ko pag nagkataon baka masita lang ako.

Nakaupo lang ako dito sa madilim na sulok ng building. Hindi ko pa din mapigil ang iyak ko. Maya maya ay nakarinig ako ng pag lakad ng babae, oo nahuhulaan kong babae yun dahil sa tunog ng sapatos. Papalapit dito yung footsteps pero wala akong paki alam. Basta ang gusto ko lang gumaan ang loob ko kahit konti. Huminto na yung paglakad at alam kong nasalikuran ko na siya.

"Mas gagaan ang loob mo if may paglalabasan ka niyan. I'm ready to listen." sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatayo at niyakap ko siya. Saka ako umiyak ng mas malakas sa balikat niya.

----
TBC :)

Thank you for reading guyseu :)

First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon