Allison's POV
May mga nameet na akong bagong friends. Actually close na nga kami agad. And I don't think na plastic sila, natural ang mga smiles at tawa nila pag nagkukwentuhan kami.
Their names are Kimberly, Honeylyn and Vea. Si Kimmy(Kimberly) ang pinaka close ko sa kanilang tatlo. Magkaka klase na sila since then, pero mas close sila Lyn(Honeylyn) at Vea dahil magbestfriend sila. Magkakatabi din kasi kami kaya nakabuo ako ng group of friends. Kilala ko ang mga parents nila dahil kay dad. Lagi kasi akong sinasama ni dad kapag may business meeting sila kaya nakikilala ko yung mga friends ni dad.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa dumating yung break time namin. Hanggang sa cafeteria ng school ay nagtatawanan at nag kukwentuhan kami.
Habang kumakain kami ay may narinig naman kaming usapan sa katabi naming table, kung di ako nagkakamali ay nabanggit nila ang pangalan ko. Hindi ko nalang pinansin yun pero narinig pala nila yun kaya nanahimik sila at tinignan nila ako. Nginitian ko nalang sila at kumain na kami ng tahimik. Pero pagkatapos na pagkatapos namin kumain ay narinig nanaman namin ang pangalan ko at nagtawanan sila. Biglang tumayo si Vea at lumapit sa table ng mga babaeng naguusap kanina. Dahil sa gulat namin sa pag tayo niya ay di namin siya napigilan.
"Hoy mga babae!" sigaw ni Vea na ikinagulat ng mga babae kanina "Alam niyo ba na yung babaeng pinaguusapan niyo lang kanina ay nasa tabing table niyo lang?!" napalingon sa table namin yung mga babae at halatang nagulat sila "Ano bang problema niyo kay Allison?! Naiinsecure ba kayo sa kanya ha?!"
Napasmirk naman yung isa sa kanila at tumayo
"Kami? Naiinsecure jan sa Allison na yan?! Hahahaha! Ano ka patawa?! Bakit kami maiinsecure jan sa babaeng yan e di hamak naman na mas maganda kami sa kanya. At ano ang problema namin sa kanya? Siya mismo! Kabago bago dito sa school e kung umasta akala mo kung sino! Kung lumandi parang wala nang bukas!"
Nagulat ako sa sinabi nung babae. Ako? Malandi? Wala naman akong nilalandi na kahit na sino ah?
"Hoy! Kung makapag sabi ka ng malandi kay Allison parang hindi ka malandi ah? E mas malandi ka pa nga sa pinaka malandi e! At pano mo nasabing malandi si Allison aber?! E kakapasok niya pa nga lang kanina." galit na galit na sabi ni Vea. Napansin ko naman na pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya tumayo ako at nilapitan ko si Vea. Pero imbis na makalapit ako ay hinawakan ako nila Kimmy at Lyn para pigilan ako.
"Yun na nga e! Kapapasok niya palang kanina! Pero dahil sa kanya nakipagbreak yung mga boyfriend namin saamin dahil sa malanding yan! Haliparot akala mo kung sinong maganda! Mangaagaw!"
Nasasaktan na ako sa mga sinasabi ng babaeng to kaya napaiyak nako.
"Hindi na kasalanan ni Allison kung ganon siya kaganda para makipaghiwalay ang mga boyfriend niyo sa inyo dahil nakita nila si Allison! Kasalanan niyo yan dahil kung hindi kayo naging pangit hindi nila kayo iiwan!" sagot ni Vea sa babae
"Kahit ano pang sabihin niyo, malandi pa din siya at mangaagaw. Girls, let's go. Baka mahawaan tayo ng kalandian ni Allison." kinuha nila yung mga gamit nila at sabay sabay na naglakad
Nagpumiglas ako kayla Kimmy at tumakbo ako dun sa mga babae. Hinarap ko saakin ang kaninang kasagutan ni Vea.
"Sorry..." sabi ko sa kanila na ikinagulat ng mga tao sa paligid namin maski sila Vea nagulat. "Kung ano man yung nagawa ko sa inyo sorry..."
'Pak!'
Mas lalong nagulat yung mga tao nung sampalin ako nung babae. Nagsorry nalang uli ako at saka ako tumakbo palabas ng cafeteria. Narinig ko pang tinawag ako nila Vea pero di nako lumingon. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa maka rating ako sa ladies' room. Pumasok ako sa isang cubicle at dun ako umiyak ng umiyak. Nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi nung babae. Unang araw ko palang pero nakaranas ako agad ng ganitong feeling.
BINABASA MO ANG
First And Last
Teen FictionLahat ng yun ay una. Unang pagibig, unang sakit, unang saya dulot ng taong mahal mo. Kaya mo bang iwan at saktan ang kauna unahang tao na minahal mo ? O pipilitin mong siya ang magiging huli mo ? Ito ay storya patungkol sa dalawang taong nagmahalan...