Elevator Madness

2.9K 139 23
                                    


Halos 45 minutes na ang naubos at stuck pa rin sa elevator ang mga bidang nakasalampak sa sahig. Kay bagal ng oras pag ika'y naghihintay. Tila bagang ang isang minuto ay katumbas ng isang araw na nakalipas.

Hay... Mabuti na nga lang at sila'y magkasama, kahit papaano ay naiibsan ang kaba at pagkabagot na nadarama sa loob ng hightech na piitan, I mean elevator.

Ayaw man nila sa isa't isa ngunit lagi silang pinagbubuklod ng tadhana. At least for now, each other's company will suffice kesa naman waley dava? E itong si Kuya Facilities sa kabilang linya ay iniwan na yata silang tuluyan. After nitong ibalita na..

"Ay Ma'am nasira ang surveillance camera. Basta balitaan namin kayo. Ba-bye!"

Wala parin itong update hanggang ngayon tulad ng sinabi nito na tatawagan raw sila... Anong oras na?

To make matters worse, tegiboomboom na ang cellphone signal sa loob (hala!) at papitik-pitik na din ang ilaw ala dancing disco lights. Konti na lang at magsasayaw na ang isa kanila ng Spaghetti para sumabay sa pagpatay sindi nitey. Sinong hindi magpa-panick nun!?

Hay naketch! Andap sila mag-usap kaya humanap na lang sila ng ibang paraan para aliwin ang mga sarili.

Ano nga ba ang mga maaring gawin pampalipas oras pag ikaw ay nakulong sa elevator kasama ang taong iyong kinaiinisan?

Here are some ways to kill time so you won't kill each other in the long run:

1) Magbilang ng 1 -1000.. nang nakangiti. Hep! Ang sumimangot panget! Ayon sa studies, ang pag-smile (kahit fake) ay nakakapagproduce ng dopamine na nagdudulot ng positive vibes sa brain. Gagaan ang iyong pakiramdam at lalong mabubwisit sayo ang kinaiinisang kasama. Proof that the best type of revenge is still success and happiness! Bwahahahaha!

2) Pagnilayan ang buhay. Sa panahon ngayon na instant everything... instant noodles, instant coffee, instant ulam, instant friendship, instant relationships, instant gratification, instant cash (I wish!) at instagram! Minsan nalilimutan natin ang mga mas mahahalagang bagay sa buhay, yung mga karapat dapat paglaanan ng panahon, lakas at emosyon. Subukang maging mapagpakumbaba. Malay mo, ang kinaiisang katabi pala ang magliligtas ng buhay mo balang araw. Siya ang papatay sa umaaligid na lamok sa loob ng elevator at maiiwasan mong ma-denggoy. Doon magbo-blossom ang true friendship niyo. Wagi!

3) Paganahin ang imahinasyon. Mistulang bibilis ang oras ng mga 38 minutes and 41 seconds. Sabi nga ni Einstein "Logic can get you from point A to point B, but imagination can take you everywhere." Panahon na para bisitahin ang mga imaginary friends ng iyong kabataan at makipagchit-chat over biscuits and tea. I-chismax ang kinaiinisang kasama na hindi ito naglilinis ng kuko sa paa at nahuli mo itong kinakantahan ang poster ni Tootsie Guevarra (nothing wrong with that though 😉). Just be careful not to dream your life away dear. It is true that everything starts with a dream, but if you are to build your empire, you still need to work your a$$ off!.. Okies?

Tandaan: ang mga natutupad na pangarap sa buhay ay yung may matatag na pundasyon, pinaghihirapan at binibigyan ng TLC (The Lopez Company).

4) Mag imbento ng code names para sa mga officemates. Be creative. Subukang gamitin sa kinaiinisang kasama. Hehehe. Ganito, mag-imagine ng color (green). I-assign itey sa unang taong maiisip mo (kinaiinisang kasama). Idugtong dito ang unang word na maiisip sa kanya (poknat). Siya na ngayon si Green Poknat. Parang power rangers ang dating. I-chismax uli ito sa mga imaginary friends at itago si kinaiinisang kasama sa kanyang bagong code name.

5) Kung bored ka pa rin at hindi trip gawin ang mga suggestions sa itaas.. You better get up and dance! Kahit walang tugtog, oks lang! Pakitaan si kinaiinisang kasama ng mga killer moves mo at hamunin ng dance-off. Ang panalo ay may bragging rights at may karapatang mag-edit ng video. Recorded ang krimen sa CCTV kaya pwedeng pang-blackmail. ;)

Who's the Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon