Team Building

2.5K 126 41
                                    


Thanksgiving tomorrow. And by divine intervention, walang pasok ang Academy. :) Kaya nga't halos mapunit ang mga labi nila sa kakangiti lalo na't Team Buiding pa. O dava? Double celebration. Ilabas ang lechon!

Maswerte ang team dahil hindi naman lahat nabibigyan ng ganitong pagkakaton. Sa Call Center world kasi the general rule is walang holidays. Business is business at siguradong magugunaw ang mundo kapag wala ka! That's the reason why may initiation bago ma-endorse sa production.

Wag kayo maingay ha? Pero ito ang nangyayari dun...

Bale i-aalay ka ng manager mo sa espirito ng Avaya. Papausukan ka ng insenso for 5 minutes at magkakaroon ng blood compact. Pagkakalooban ka ng kapangyarihan ng call center gods.. at viola! Isa ka nang immortal! :)

Congratulations Beks! May superpowers ka na at kaya mo nang suungin ang lahat!

Mula ngayon kahit sumapit ang Pasko, Bagong Taon, Rizal Day, Easter Sunday, birthday ng aso mo, umalan, umaraw, bumagyo, lumindol, mag-snow, o kahit mag-concert pa ang Coldplay sa Pilipinas (Ugh! I badly want to go 😢).. hindi pwede umabsent! 

Dapat present ka sa office at bumibirada ng...

"Thank you for calling *insert company name*. My name is *insert your name*. How can I help you today?" (in C Major).

After today's shift, malaya na silang mag-lamiyerda. Ready na nga ang mga gamit sa ilalim ng mesa eh. May Urvan si teammate Trisha kaya't walang probrema sa sasakyan. Kasyang-kasya ang seven agents at two TLs sa van. Hindi na sila kumuha ng driver dahil relyebo na lang sa pagmamaneho.  

Finally, uwian na! Nag-uunahang sumugod sa parking lot ang team, habang ang mga nanay nila ay naiwan pa sa floor. Mabagal kasi maglakad yung isa and mega jalalay naman yung isa pa.

"It's okay Glai, I can walk. Mabagal nga lang, so you have to bear with me." Biro ni Rhian habang hawak ni Glaiza. 

OA naman kasi si ateng, with her left arm draped around Rhian's waist and her right hand holding the latter's arm, halos buhatin na niya ang kasama.

"Rhian, I don't mind. Paano kung matisod ka o maitapak mo yung fracture mo? Saka, tama naman na nagtutulungan tayo diba? Kapag mahina ka, dapat malakas ako and vice versa." Malumanay na tugon ni Glaiza. Nangiti pa siya sa sariling sagot nang ma-realize na may sense itey. Abala kasi sa mga pa-simpleng ninja moves niya.

Her cheesy line definitely got Rhian's attention. Pinatulan tuloy nitey ang pambobola niya.

"Fine, but I'm not paying for your services okay? You volunteered!" She chuckled.

*Ding!*

The elevator door opened at sumakay ang dalawa. 

🎶Memories.. light the corners of my mind.. misty water-colored memories..🎶

Nagbalik sa ala-ala nila ang elevator incident pero dedmakels sila kunwari. Ayiie!.. Lumapit pa ng isang pulgada si Rhian kay Glaiza na ikinakaba naman nung huli.

Hmm.. ano na naman ang binabalak ng babaeng ito? Meron kaya?... Sana nga! :)

Pilyang banat ng isip ni Glaiza. But sorry, behave si Rhian today so ngangers yung isang ale!

Hindi mapakali si Glai. Iniisip pa rin kung papatulan niya ang banat ni Rhi kanina or not. Boring kasi sa elevator, tahimik silang dalawa at nagpapakiramdaman. In the end, nanaig and dugong patola ng lola mo so she decided to say.. (cover your ears guys, cheesy line coming through..)

Who's the Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon