Shame

1.2K 78 18
                                    

_____________

All my friends they shoulder me 

In my poor head of woe

They know I'm good

But I wanna be bad

___________



Alas-dos ng madaling araw nang magmaneho siya patungong Pangasinan. Dala ang lumang kotse ni Tatay na milagrong hindi nagloko nung araw na iyon. Di alinata ang lamig at hamog, tinahak niya ang daan pababa ng bundok.

Ilang beses na siyang nabisita sa bayan ni bes. Bukod sa daanan iyon papuntang Maynila, naisama na rin siya noong dalawin ang namayapa nitong lola kaya't alam niya kung saan ang nag-iisang sementeryo sa sitio.

Maliwanag ang poste sa memorial park. Di mawawala ang mga joggers na nagkakaskas ng rubber shoes sa maputik na daan. Present din ang student drivers na walang permit magmaneho sa loob. Nung umagang iyon, siya lang ang naroon para dumalaw sa namayapang mahal sa buhay.


**********

Commercial break (watty down 😐) 

What's the difference between a grave yard and a cemetery?

Graveyard is the older of two terms, and it is mostly used to refer a burial ground which adjoins a church. In the old days, people were buried close to a church. But with the increase of population, the old burial sites became full and new burial sites called cemeteries came up a little away from the town. So unlike a graveyard, a cemetery does not adjoin a church. So there you go my dear readers, information na walang kinalaman sa kwento. ☺

Ilang days nang nagloloko ang wattpad. Kalurks. Stretch author, stretch..

Isa sa pinakapayapang lugar kung saan ka makakahinga ng maluwag ay sa sementeryo. Minsan gusto mo lang makawala sa maingay na mundo. Makahanap ng katahimikan. Makapagsulat at makapag-isip. One day I shall have my rest. But I will leave you my stories. They're not perfect, and they're nothing really, but I hope you're entertained, more importantly, I hope you learn something. Mik Everett once said, "If a writer falls in love with you, you can never die." 

Ehem! So, do you want to live forever? 😎 Apply na sa call center. #immortal Charot! :-P

Hay salamat, okay na watty after forty years.

 Back to the story 

***********


Malambot ang lupa. Halos lumubog ang boots niya sa bawat pagtapak. Tanda pa niya ang daan. At malakas ang suspetya niyang sa tabi ni lola inihimlay ang kaibigan.

Nakarating siya sa pamilyar na parte ng sementeryo. Buhaghag pa ang lupa sa kapirasong lote, hindi pa nalalatagan ng bermuda. Mahirap pa rin paniwalaang wala na si Samita. Kahit pa malinaw ang pagkakaukit ng pangalan ng nakahimlay.

Samantha H. Flores

Ipinatong ni Glaiza ang kamay niya sa ibabaw ng puntod. Hinawi ang natirang lupa sa marmol na lapida, at doon inilapag ang dalang bulaklak. Dinalhan niya si Sam ng isang basket ng white lilies na paborito nito. 

Who's the Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon