♂Fake Twenty Six - Love Sick♀

62 4 0
                                    

▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧
Fake Twenty Six - Love Sick
▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧

- Baek Ha -

I found myself crying when I entered my room here. Dinaluhan ko ang nanahimik kong unan at dun nag iiyak. Isang linggo? Para na ring nyang sinabing paghandaan ko na ang pag iwan kay Chanyeol. Ayoko pa. Kung kailan nagiging malinaw na lahat saken. Na si Chanyeol na ang para saken. Tsaka ano? Iiwan ko na lang sya? Sasaktan ko na naman sya? At ako? Pinapatay ang sarili sa sakit na gagawin ko.

*tok*tok*

"Baekha buksan mo ito!! Ano nangyayari sayo!" Nadinig kong kumakatok si Taeyeon. Pinagpapahid ko muna ang luha ko. Pero ayaw papigil ng mata ko. Tumayo na lang ako para buksan si Taeyeon. Tutal I need her din naman.

Pinagbuksan ko sya ng pinto. Walang salitang lumabas sa bibig ko kundi sinalubong ko sya ng yakap. Umiiyak na naman ako.

"Sssh" pag aalo ni Tae saken.

Tuloy tuloy lang ako sa pag iyak.

"Baekha nandito lang kami para sayo" napahinto ako sa pag iyak ng marinig ko ang boses nya. Tinignan ko kung sino yung nagsalita.

"Sehun?" He reach my face. Pinahid nya ang luha ko na halos humilamos sa mukha ko.

∞∞∞

"Why dont you tell him the truth. That your Baekha. So that di na kayo mahihirapan sa sitwasyon" suhestiyon ni Taeyeon after ni Sehun ikwento ang napag usapan namin ng Exo kanina about sa relasyon namin ni Chanyeol. Hindi pa ko nagsasalita mula nung umiiyak akong umuwi dito.

"I dont know kung magandang ideya yan. Tayong dalawa pa lang naman kasi ang nakakaalam ng totoo eh" sagot naman ni Sehun.

"So wala kang tiwala kay Chanyeol? Sa tingin mo ipagkakalat nya ang nalaman nya kay Baekha?" Sabi ni Taeyeon.

"Hindi naman sa ganun. Pero baka lumala lang kasi. Wag muna nating biglain Tae" pag aalo ni Sehun.

"So itatago lang nya. Malalaman din naman nya ang totoo!" Nagagalit na parang may pinaglalaban si Taeyeon. Palipat lipat ko silang tinitignan.

"Iniisip ko lang ang pwedeng magiging reaksyon nya. Paano kung magalit sya kay Baekha" Sabay tingin saken ni Sehun. Di lang ako naimik at umiwas na lang ng tingin.

"Sige sabihin nating yung pede maging reaksyon ni Chanyeol pag nalaman nya. Oo mabibigla talaga sya, pero mahal naman nya si Baek ehh. Matatanggap rin nya yun" sagot naman ni Tae. Naiiling na lang ako. Sumasakit lang ulo ko lalo sa kanila.

Falling For FAKE BYUN BAEKHYUN • CHANBAEK [Completed]Where stories live. Discover now