♂Fake Seven - Hang Over♀

91 6 10
                                    

▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧
♂Fake Seven - Hang Over♀
▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧▧

- Baek Ha -

Di ako makatingin ng maayos sa kanya. Sya din yata ay ewan. Sobrang nakakailang.

"Baek, paabot nga nung termos" hay. Nanadya ata toh. Sinunod ko na lang sya. Nang di tumitingin sa kanya.

Magmula nang magising ako ngayong araw na ito. Pinilit kong wag syang pansinin at kausapin. Although mahirap kasi di naman kalakihan ang kwarto namin talagang magkikita't makikita kami. Bahala sya sa buhay nya. Inis na inis ako ako sa kanya. Hanggang sa makaalis na kami sa dorm, sabay pa nga kaming naglalakad papunta sa classroom namin.

Nang nasa room kami di kami naimik. I wonder bakit tahimik din si Yeol? Alam nya kaya ang ginawa kagabi? Aish naiinis na naman ako. Peste sya kinuha nya ang pers kiss ko! Ugh

"Baek!! Yeol!!" Sabay upo sa pagitan namin ni Yeol si Kai at pareho kaming inakbayan. Salit salitan nya kaming tinitignan. Ngumisi lang sya.

"Tahimik nyo ah. May nangyari kagabi noh? Or hangover pa!" Patawang tanong nya. Feeling ko nag iinit na ang mukha ko. Naalala ko bigla ang eksena kagabi. Humiwalay ako sa akbay ni Kai dumistansya ng konti.

"Masakit pa ulo ko" tinignan ko si Yeol. Hawak nya ang ulo nya.

"Gusto mo ng gamot?" Alalang tanong ni Kai. Tumango lang ito at dali dali namang tumakbo doon sa emergency side ng classroom namin. Bumalik din sya na may dalang gamot si Kai at isang baso ng tubig.

"Salamat bro" tapos na nyang mainom ang gamot. Tumango lang si Kai

"Wala yun, ikaw kasi. Ngayon lang kita nakitang umiinom ng ganun. Ganun ka ba kaapektado kay Dara?" Nayuko lang sya. Mahal nya ba ang Dara na yun? Kainis nireject na nga sya ng tao gusto pa din nya. Hay bat ba ako nangengealam. Aish.

"Ewan, pero ngayon okay na ko" ngumiti naman ito. Ginulo ni Kai ang buhok nya.

"Haha sira ulo ka talaga! Madami pa naman kasi dyang iba haha!" Napailing na lang ako.

Maya maya pay sunod sunod nang dumadating ang iba. Nakaramdam uli ng ilang uli. Ung nasa gilid ko kasi si Tao. Eh halos malusaw na ako sa titig nya saken. Wagas mga bhe anong meron?

"Kanina mo pa ako tinitignan? May mali ba saken?" Nakapalumbaba pa sya habang natingin saken tapos nangingiti. Luh nababaliw na ba sya?

"Hoy Tao!!" Pag snap ko sa harap ng mukha nya. Napashake sya ng ulo nya. Yii ang cute ng second crush ko weee.

"Ah huh?" Parang bangag nyang tugon. Pfft nu tinira netoh.

"Kanina mo pa ko tinitignan kako. Nu meron? May mali ba sa itsura ko?" Aware kong tanong baka naman mali style ko sa buhok ko o yung suot ko.

Falling For FAKE BYUN BAEKHYUN • CHANBAEK [Completed]Where stories live. Discover now