Chapter 3 : Anong yakap, hinahaplos mo likod ko e...
Alice Park POV
'Alam mo ba na ang mga patay walang kapangyarihan, pero ang damdamin nila ay mananatili. You have someone like that too...isang importanteng tao at hindi ka maka-move forward.'
And then he leaved. Nagwalk-out si human shelter ko. Ang ganda ng speech ko 'Alam mo ba na ang mga patay walang kapangyarihan, pero ang damdamin nila ay mananatili. You have someone like that too...isang importanteng tao at hindi ka maka-move forward.' - May english pa na part...hehehe bungisngis kong tawa...
Sumipsip ako sa slurpee ko,,,,,'Gyaaaa!!!' napasigaw ako ng konti. Bigla kasing lumitaw itong si Hiro sa tabi ko, nakangiti pa! Sa totoo lang gwapo si Hiro, chinito na chinito ang dating kaya kyut sya kung hindi lang siguro maputi ng sobra ang mukha na para bang nag fondation ng makapal tas hindi nakontento kaya tinapalan nya pa ng powder. Yong circle ring ng mata nila ay black parang puyat ng isang taon ang peg tas yong lips ay black na black na kapag ngumiti ay ang ngipin lang ang maputi para glow in the dark lang... Mukha at ngipin lang ata maputi...Actually lahat ng multo ganyan etsora, idag-dag niyo na lang yong dugo sa mukha nila, may mga multo pa nga kung minsan na yong mata nila e itim lahat tapos may mga wala pang mata...
Nang maubos ko na ang snacks ko at sure na busog na busog ako with extra energy, i headed to my classroom. Good thing at hindi na ata ako sinusundan nong babae sa may eskenita pero meron parin akong nakikita na kaluluwa sa school pero at least hindi ako ginugulo. Parang tambay ngalang ang mga to e.
Boring ng klase pero nakikinig padin ako, ang mahal pa naman tuition fee sa school nato! Mga rich kid nag-aaral dito. May class ranking sa school na to. Una ay ang mga high class, mga tagapag-mana ng malalaking kompanya! Pangalawa ang mga 2nd class, hindi sila tagapag-mana ng isang malaking kompanya pero sila ay mga major shareholders. Pangatlo ang mga 3rd class, mga honor inheritance group. Mga anak ng ministers, politician, the chief justice, presidents of law firms, children of honorable occupations. And the last is the fouth class, the Social Care Group like me. Mga studyanteng nakapasok sa skul through social care.
Kung iisipin ko nakapasok ako sa school nato dahil kay lola. Oo, yong may-ari ng apartment. Bago pa man ako ma-aksidente ay kilala ko na si lola at ng matapos nung aksidente ay pagkagising ko na lang sa hospital ay nasa tabi ko na siya at nung time nadin yon ay wala na yong apo niya. Naging close kami at pinatira niya ko sa apartment, hindi kami magkadugo pero tinuturing ko na syang pamilya gaya ng pagturing nya sa aken. And about my family, before the accident i already cut my ties to them and until now their's no communication. I'm not regretting my decision but it doesn't mean that i'm proud of it....
Ang apo niya dapat ang pumapasok sa school na pinapasukan ko ngayon pero namatay ito. Pinakausapan ni lola yong may-ari ng school since kakilala niya nga eto at sayang naman kasi kung hindi ako makaka-graduate at least kahit na hindi niya makita na grumaduate ang apo niya ay masaya na siya na makita akong mag-marcha sa stage. Kaya ako nalang daw ang papasok, dalawang taon nalang daw kasi at matatapos nako ng high school. Mga 16 years old ako ng naging 3rd year ako at ngayon 4th year nako ay gagraduate ako sa edad na 17 sa high school.
note: Nakuha ko ang class ranking sa The Heirs.. hahaha
Anyways....yan lang naman ang iniisip ko buong klase dahil tinamad akong makinig sa guro namin.
Ang taas ng sikat ng araw kanina pero ngayon ay makulimlim...uulan pa yata ng malakas! I didn't even bring my umbrella, lintek na weather forecast yan! Five - o'Clock na, it means ay dismissal na! Yipee!!!! Gusto kung matulog, ilang araw na kong puyat dahil sa mga unwanted na bisita sa apartment ko! But before that, kinolekta ko muna mga notebooks ng klasmayt ko para ibigay kay english teacher namin at since ako lang ang galing sa Social Care Group sa section na to ito ay napag-desisyunan ng mga mayayaman at mababait kung kamag-aral na klasmayt na ako ang mag-dala. Buti 20 students lang kami sa section nato kundi baka hindi ko kayanin na dalhin lahat.
BINABASA MO ANG
I Can Feel You (GeunBum) ONHOLD-EDITING
FantasyRead this story in my another account. http://www.wattpad.com/user/HaruOtaku