Chapter 2 : oops-oops.. At anong haplos ka jan, ang perv nito oh! May haplos haplos pang nalalaman!
Alice Park POV
'Manang ano ba....ayoko! Late nako sa school nyan pag tinulungan ko kayo.' Panay ang kalabet ni manang sa balekat ko kaya panay din ang kibit (shrug) ng balekat ko. Pinagtitinginan na ko e habang naglalakad ako papuntang school. '~aishhh, sige sige pero mamayang hapon nalang ho? Kelangan kung pumasok.' sabi ko kay manang. Pero ayaw makinig at panay ang kalabet sa balekat ko kaya ako naman ay panay din ang kibit ng balekat ko kaya pinagtitinginan na naman ako ng mga tao, Well okay lang sanay nako pero minsan gusto ko din mahiya kaya nag shortcut ako sa may eskinita kahit ni mejo madilim ng konti para makapunta agad ako sa may kanto kung saan tapat lang to ng pedestrian. Habang naglalakad ako sa may eskinita ay nasa gilid ko si manang tas biglang may nirinig ako kaluskus. Napatingin ako sa likod, isang babae na naka pang office, mahaba ang buhok, duguan ang mukha at ang nakakatakot sa lahat e habang naglalakad eto is she's dragging her right foot while walking papunta sa akin tas yong kamay niyang isa ay naka-extend na parang nagsasabing HINTAY 'Great!' Tumakbo ako ng mabilis, malapit nako sa may kanto pero pabilis ng pabilis yong paglalakad nung babae. Ok lang sana kung si manang pero eto yong ayoko, parang nasa horror movie lang ako e, wag sana akong madapa gaya sa mga napapanuod ko sa TV. Pagdating ko sa may pedestrian ay saktong naka-red yong traffic light kaya dire-diretso ako sa pagtakbo tas lumingon sa likod ko at andun padin yong babae tas si manang.
Dumating ako ng school na hinihingal wala nadin kasi yong humahabol na multo sa aken kanina pero feeling ko babalik yon... aishh, iniisip ko palang kinikilabutan nako. Pumunta ako sa may locker kung saan nakita ko si Icen. 'Oi Icen Yang!' tawag ko sa kanya tsaka kumaway ako sa kanya habang patakbo sa tabi nya. 'Oi ka jan?' masunget na sabi niya. Hindi ko sukat akalain na makakatagpo ako ng safe zone ko. 'Oi...bat pawis na pawis ka? Natanong ko lang kaya wag kang mag-isip ng ibang dahilan. Ni mangarap wag mong gawin.' sabi niya ulit. 'May humahabol kasi sa aken kaya napatakbo ako hanggang dito sa school.'
'Sinong humabol sayo? pinagkautangan mo?' sarcastic na sabi niya tas humirit uli 'O baka naman multo? hahaha'
'Oh? Pano mo nalaman?' tanong ko sa kanya. tama kasi sya e.
Tumingin sya sa aken ng eto-nanaman-tayo na look. 'Totoo...grabe kung nakita mo lang yong humabol sa aken, she's walking while dragging her foot' kwento ko sa kanya tas ginaya ko yong paglalakad nung multo habang si Icen naman ay patuloy sa paglalakad at ako naman ay diretso ang pagkukwento. 'Actually dalawa yong humabol sa aken una yong manang tas nung nag-shortcut ako sa eskenita e sumunod yong isa. Ahy grabe kung nakita mo lang talaga siguradong matatakot ka.' Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa aken, 'Hindi ako natatakot sa multo dahil hindi ko sila nakikita.' sabi ni Icen 'Pero naniniwala ka na nag-eexist sila?' tanong ko. 'Hindi dahil hindi ko sila nakikita.' tsaka sya naglakad palayo sa aken since iba ang direksyon ng klase nya. Pero bago sya makalayo ay nagtanong uli ako. 'PERO, NANINIWALA KA BA SA MGA SINASABI KO?' Napatigil sya sa paglalakad at mayat-maya ay lumingon sa aken, Para syang nag-iisip kung ano ang sasabihin niya pero walang syang sinabi at naglakad na talaga palayo sa aken.
Mayat-maya ay may narinig na naman ako na kaluskos...pero feeling ko lang kaya napatakbo uli ako sa klasrum.
-
-
-
Hindi ko akalaing hindi ko nasagot lahat ng tanong sa quiz, kaasar naman kasi, hindi ako mapakali kasi nandun yong babae na nakita ko sa eskinita. Ang sama ng tingin hindi sya pumasok sa loob ng klasrum pero asa labas sya ng bintana na nakatingin sa aken. Eeek!!! Kelangan ko si Icen, ang safe zone ko or should i say my human shelter. Kelangan ko syang mapapayag, ayaw pahawak sa aken e sana pumayag sya kahit haplos lang sa face nya na gwapo o di kaya sa kamay niya. Swak nako dun, no worries.
Nung recess time na ay dali-dali akong tumakbo papauntang cafeteria at hinanap si Icen, nakita ko sya nakaupo sa may tapat ng bintana ng mag-isa wala yong dalawang kasama niya. Lumapit ako sa kanya, good thing at kokonti lang ang table doon.
'Icen Yang!!!' tawag ko sa kanya, kakalabitin ko na sana sya ng may makita ako ng katabi niya. Isang maputi na babae na mahaba ang buhok naka-uniform, ang ganda nya! Ang suot niya na uniform ay uniform namin sa school pero eto yong lumang version, pinalitan na kasi ng bago yong style pero may pagka hawig padin sa dati. Habang nakatingin ako sa babae ay nagtama ang tingin namin. Ah!!! Kilala ko sya.
Umupo ako sa tapat ni Icen kung saan nag-react sya. 'Hoi babae ano ginagawa mo dito?' sabi niya sa aken. 'Alam mo yong kinuwento ko sayo kanina na humahabol sa aken, sinundan kasi ako sa skul e..' amin ko sa kanya. 'Ano naman kinalaman ko jan?'
'Alam mo na...'sabay extended ng kamay ko at gamit ang hintuturo ko para hawakan sya. 'pahawak lang o haplos man lang.'............ 'oops-oops.. At anong haplos ka jan...ang perv nito oh..May haplos haplos pang nalalaman!' binawi ko yong kamay ko mahirap na baka magalit at mag walk-out pato.
Napatingin ako sa babae na katabi niya, Ailee yong name nya, nakasulat kasi yong name nya sa name tag nya sa pin. Tas nabasa ko yong last name niya. 'Yang...Ailee Yang. Ganda ng pangalan.' pagkasabi ko nun ay ngumiti sya sa aken kaya ngumiti din ako.
Napatingin ako kay Icen, ang tahimik nya kasi bigla...ang weird lang! Tas kung makatingin sa aken parang nagtatanong yong mata niya. 'Pano mo nalaman pangalan ng Ate ko..kilala mo ba sya?' tanong nya sa aken ng seryuso. 'Nakita ko sya kagabi nung nakisakay ako sayo tas ngayon ngayon lang' sabay tingin kay Ailee.
End of Alice Park POV
Icen Yang POV
'Yang...Ailee Yang. Ganda ng pangalan.' napatingin ako sa kanya. 'Pano mo nalaman pangalan ng Ate ko..kilala mo ba sya?' seryuso kong sabi sa kanya. 'Nakita ko sya kagabi nung nakisakay ako sayo tas ngayon ngayon lang' Pinagloloko nya ba ako...
'Anong pinagsasabi mo? Ate Ailee is-' hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita sya. 'dead..' Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla, pano? 'I know.. matagal na syang patay.'
'She was murdered. Magkakilala ba kayo?' tanong ko sa kanya 'Not really, sabi ko nga sayo kanina, nakita ko sya kagabi sa backseat ng sasakyan mo. Pero diba sasakyan nya yon?'
'How did you know that? Nakakakita ka talaga?' sabi ko sa kanya.
'Oo..actually nasa tabi mo sya ngayon, naka-uniform sya...yong dating uniform ng school'
Parang nagkaroon ng adrenaline sa utak ko kaya i grab Alice shoulder 'ASK HER!!! ANONG NANYARE NG ARAW NA YON?' pasigaw kung mahina sa kanya para kami lang ang nakakarinig.
'Wala na sya...' mahinang sabi niya
'Anong wala na sya diba sabi mo nasa tabi ko sya...'
'Do you remember what i told you that everytime i touch you ay nawawala yong mga multo sa paligid ko.' right, naniniwala ba ko sa kanya? oh talaga lang desperado ako ng malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni ate. 'Alam mo ba na ang mga patay walang kapangyarihan, pero ang damdamin nila ay mananatili. You have someone like that too...isang importanteng tao at hindi ka maka-move forward.'
-
-
-
'Alam mo ba na ang mga patay walang kapangyarihan, pero ang damdamin nila ay mananatili. You have someone like that too...isang importanteng tao at hindi ka maka-move forward.'
Alice Park words keeps playing in my head....she's right! i have that someone and i cant move forward because of it. My sister was murdered but the police told us that she commit suicide, they told us that theirs no proof that she was murdered, their was no evidence in the crime scene. I cant accept it, my sister will never do that even though she was dying she valued her life and any living things that has life.
Before i headed to the clasroom i murmured to myself 'I'll be her safe zone.'
End of Icen Yang POV
BINABASA MO ANG
I Can Feel You (GeunBum) ONHOLD-EDITING
פנטזיהRead this story in my another account. http://www.wattpad.com/user/HaruOtaku