Continuation

5 0 0
                                    

Angel's POV

Nung makalabas na kami sa hotel. Dumiretso na kami dun sa gubat. Medyo malayo-layo din siya dito sa hotel kaya nakakapagod lakarin. Pero okay lang din, atleast naexperience ko ^_^ Pagkarating na pagkarating namin dito sa harap ng gubat. Bigla akong kinilabutan, grabe!! Nakakatakot masiyado kahit nasa harap palang kami.

"Natatakot ka?" tanong sakin ni Aircon. -_- Hindi natatawa nga ako ehh! Obvious ba? Hah joke. Baka napansin niya na namumutla ako. Matatakutin pa man din ako 😵

"H-hindi ahh!" pagsisinungaling ko.

"Sus! Kitang-kita naman sa mga mata mo na takot ka! 😏" sabi niya sabay smirk.

"H-hindi nga eh! B-baka ikaw takot!?" sabi ko naman sa kaniya. Baka mapansin niya kasing kinikilabutan na talaga ako.

"Nagsinungaling ka pa 😏 Halika na nga!" Sabi niya tapo--

"0_0 A-anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. Dahil hinawakan niya yung kamay ko.

"Baka mawala ka. Bakit gusto mo bang mag-isa sa gubat na yan?" pananakot niya sa akin.

Hindi nga siya nagkamali dahil takot na takot na talaga ako kahit wala pa kami sa mismong gubat.

"H-hindi!"

"Yun naman pala eh! Halika na ^_^" sabi niya sa akin at hinatak na niya ako papunta dun sa creepy forest 😵

Hindi lang pala nakakatakot 'tong gubat na 'to! Sobrang nakakatakot!! Parang gusto ko nang bumalik dun hotel! Wwwwwaaahhhh >.< Mamamatay na ata ako sa takot! Tulungan niyo po ako please! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Natatakot pa rin ako!! 😱

"Huwag kang matakot, nandito ako ^_^" sabi ni Aircon at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. (Hindi naman as in mahigpit! Mababali na nun yung mga buto sa kamay ko 😂)

Gusto ko mang magpasalamat, naaalala ko lang yung kayabangan niya. Tss! Kung hindi lang sana mayabang 'to, magu-- No! Erase! Erase! Nasisiraan na ata ako nang ulo dahil sa takot? Ano bang nangyayari sakin?

"H-hanggang saan ba tayo maglalakad?" nauutal ko pa ring tanong kay Aircon. Eh sa natatakot talaga ako eh!!

"Hanggang makakita tayo ng safe na pagtayuan ng tent ^_^" sabi niya sabay ngiti.

Hindi pa man din gabi pero natatakot na ako. Pa'no pa kaya mamaya? 😱 Andami pa man ding wild animals dito!! 😣

"Hayun! Nakahanap na ako ^_^" sabi ni aircon tapos kinaladkad na niya ako papunta dun sa itinuturo niya kanina.

"L-ligtas ba tayo dito?" tanong ko sa kaniya. Baka kasi may magbukas ng tent at bigla nalang kaming lapain 😱

"Maybe? huwag mo nalang isipin yun. Nandito naman ako ehh! I will make sure that they will not harm us okay? ^_^"

Nag-nod nalang ako na parang bata. Dahil sa sinabi niya, medyo gumaan na yung pakiramdam ko. Nagtayo na rin kami ng tent at inayos na yung mga gamit namin sa loob. Unti-unti na ding lumulubog ang araw kaya gumawa na ng bonfire si Aircon malapit sa tent namin. Boyscout pala 'tong kasama ko eh? Alam niyang gumawa ng apoy sa pamamagitan lang ng tuyong mga kahoy 😀

"Ano yung mga pagkain na nakalagay sa bag?" tanong niya sa akin.

"Canned goods,bigas,bottled waters, tapos tinapay. Nagdala din ako ng marshmallow, baka kasi kainin nila Rochelle. Mahilig din kasi sila sa marshmallow" sabi ko sa kaniya.

"Okay, ano bang gusto mong kainin? ^_^" nakangiting tanong niya sa akin.

"Since, hindi tayo makakapagluto nang bigas..I will just eat marshmallows ^_^" sabi ko sa kaniya sabay ngiti. Weird?

Diary Of A Bitter LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon