A Bitter One

6 0 0
                                    

Angel's POV

"Thank you ^_^"

Ba't ayaw maalis ng scene na yun sa utak ko!? Uugghh!! >.< Alam ko bitter ako, pero bakit pag ako na yung kinikilig nakakalimutan kong huminga? Fudge!!

Being bitter is a not a sign of having a stoned-heart, it is being ready and wise before entering a relationship.

Naalala ko yung nabasa ko sa isang book, yung pagiging bitter ko lagi ko yung nadadala kahit saan ako magpunta. Lalo na kapag may couples akong nakikita na naglalandian. Pero, ba't pag si Aircon ang lumalandi sa akin nagmamalfunction yung pagiging bitter ko? I mean, kapag kasama ko siya. Ni hindi man lang gumagana yung bitter function ko. Dati hindi naman ako tinatablan nang sweet words ah? Pero ba't nung nagconfess siya, halos lahat ng banggitin niyang words eh kinikilig ako? Shemay! Nababaliw na ata ako?

Iimbestigahan ko nalang ang sarili ko, hindi kasi magfunction ng tama yung katawan ko eh!

Nasa batis kami ngayon ni Aircon at naliligo. Okay na sigurong maligo siya basta wag lang masyadong matagal. Tinitignan ko lang siya, parang ewan nga eh?

"Baka matunaw ako sa ginagawa mo?" >////< shems! Nakatingin na pala siya sa akin? Nilagay ko na naman ang sarili ko sa kahihiyan! -_-

"Huwag kang ambisyoso! Hindi ikaw ang tinitignan ko!" yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Ang hirap magsinungaling! Tinitignan ko siya, kasi yung mata ko eh!! Ansarap tusukin! Siya lang kasi yung tinititigan!!

"Bakit may iba ka pa bang nakikita bukod sakin?"

Pagkatapos niyang sabihin yun bigla siyang nag-smirk. -_- Nababaliw na rin ata siya. Hindi naman ako nakakakita ng multo eh. Mabuti nga at hindi, kasi kung nakakakita ako? Hindi ko kakayanin 😱 Baka mamatay nalang ako bigla sa takot!

"Diyan din kasi sa direction mo nakatira si Lola Marina, yung gumamot sayo"

Sabi ko tapos tumango-tango lang siya. Sabi na eh! Abnormal din siya gaya nung mga kaibigan ko 😂

"Mamaya pagkatapos nating maligo, magtethank you ako sa kaniya ^_^" buti naisipan niyang gawin yun. Ako lang kasi ang nakapagthank you kay lola kanina.

"Okay" matipid na sagot ko at ibinalik ang focus ko dun sa pagliligo ko.

Nung matapos kami ni Aircon maligo, nagbihis na ako agad. Excited na akong makita si lola eh. Kahit na kakakita ko lang sa kaniya kanina. Hapon na rin kasi at ilang oras na din ang nakalipas nung makita ko siya ^_^ Nung matapos akong magbihis sumunod na si Aircon at hinintay ko nalang siyang magbihis dito sa labas. Sinampay ko na din yung mga basa kong damit. Uuwi na kasi kami bukas. Woohh!! Mabuti nalang walang nagpakita sa aming wild animals o kahit ano pang nilalang 😌

"I'm done, let's go ^_^"

Pagkasabi niya nun naglakad na kami papunta dun sa bahay nila lola. Sabi sa akin ni lola, tatawirin lang daw namin yung batis at saka maglalakad ng kaunti tapos may maliit daw na kubo doon.

"Bahay ba nila yun?" tanong ni Aircon. Siguro nga kasi yun lang naman ang bahay na nakikita namin 😂

"Oo yun si lola oh ^_^" sabi ko sa kaniya sabay turo kay lola na nagwawalis sa labas.

"Looollllaaaaaa!! ^_^" sabi ko sabay kaway sa kaniya. Sabi ko na nga ba eh, nababaliw na rin ako -_-

"Oh iha ikaw pala ^_^ Magaling na ba siya?" tanong niya sa akin sabay turo kay Aircon.

"Opo ^_^" nakangiting sagot ko.

"Ah, salamat po pala sa panggagamot niyo sa akin lola. ^_^"

Nakangiting pagpapasalamat ni Aircon kay Lola Marina.

"Walang anuman iyon iho ^_^ At saka hindi naman ako ang talagang gumamot sa iyo. Ang binibining katabi mo ang hindi ka iniwan magdamag nung may sakit ka. Yun ang nagagawa ng pag-ibig 😊"

Hanudaw? 0_0 Ako? Hindi ko naman siya tinusukan ni isang karayom? 😂 Nagagawa ng pag-ibig? Shemay!! >.<

"Ganun ho ba? Kaya nga po gusto ko ito eh ^_^"

0_0 Inakbayan ba naman ako? Nababaliw na talaga 'to! Nabinat yata?

Tapos bigla nalang lumabas yung mga anak ni Lola Marina..

"Nay sino po sila?"

Narinig ko namang tanong nung babaeng anak ni Lola. Sa tingin ko nasa 20 anyos lang siya tapos 30 anyos naman yung lalaki.

"Ah sila yung tumulong sa akin kanina. Nagugutom na kasi ako kaya lumapit ako sa kanila. ^_^" sabi ni Lola sabay tingin sa amin ning mga anak niya.

"Siya nga pala itong babae ay si Angel at itong lalaki naman ay si Nijel. Angel, Nijel sila yung mga anak ko, si Hideo at si Marissa ^_^" pagpapakilala naman ni Lola Marina sa mga anak niya.

"Ikinagagalak po naming makilala kayo ^_^" sabay naming sabi ni Aircon.

"Ikinagagalak rin namin kayong makilala ^_^" sabi naman ni Ate Marissa.

"Ako din 😊" sabi naman ni Kuya Hideo.

"Pasok na muna kayo at dito na kayo maghapunan." pagaalok naman ni Lola Marina.

"Salamat po, pero hindi na po. Baka maabala lang ho kayo sa amin ^_^" nahihiyang sabi ko.

"Hindi, minsan lang kami magkabisita kaya ayos lang. At saka tinulungan niyo ang nanay namin kanina nung wala kami ^_^" sabi naman ni Kuya Hideo.

"Mahirap tumanggi ^_^" sabi naman ni Aircon sabay kamot sa ulo niya.

"Sige na, nagluto ako ng adobong manok ^_^" ngayon ay si Ate Marissa naman ang nagsalita.

0_0 Manok? Sige na nga hahahahah 😂 Manok eh! Mahirap tumanggi sa chicken.

"Sige po, kayong bahala hehe 😅" nahihiya pa ring sabi ko.

"Oh siya at pumasok na kayo sa loob ^_^" sabi ni Lola at pinapasok na niya kami dun sa bahay nila.

Ang simple ng pamumuhay nila. Ang layo-layo sa stress. Kahit na nakakatakot dahil nasa gubat sila. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain. Grabe! Ang saya nilang kasamang tatlo ^_^ Pagkatapos naming kumain nagpaalam na din kami sa kanila, tapos umuwi na kami ni Aircon dun sa tent.

Pagkarating namin dito sa tent ay nagsalita si Aircon.

"Ang saya nilang kasama ^_^"

"Oo nga eh. Sayang at uuwi na tayo bukas.."

Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay tumingin siya sa akin.

"Oo nga pala, last day na nating magkasama na tayong dalawa lang.." tapos nagbuntong-hininga lang siya at parang nalungkot ang itsura niya. Baliw talaga! 😂

"Lagi kaya tayong magkasama, magkaklase kaya tayo. Remember?"

Pagkatapos kong sabihin yun ay tumingin siya sa akin.

"Yes I know, but what I mean is yung tayong dalawa lang. Walang ilangan tapos laging nag-uusap." sabi pa niya.

"Makakausap mo rin naman ako kapag magkasama tayo. Basta huwag ka lang magyayabang, nakakairita eh!" Tapos natawa naman siya.

"Opo ma'am ^_^" tapos nagsalute lang siya kaya natawa ako.

Minsan may sense rin kasama si Aircon. Tama nga siya, kapag nasa school kami it's either mag-aaway kami o kaya mag-aasaran. Hahahahhahaha 😂 Atleast nasabi ko na, na wag siyang magyayabang. Kasi kumukulo talaga yung dugo ko kapag ganun eh 😂

Hindi na rin kami gumawa ng bonfire. Busog naman na kami kaya itinulog nalang namin...

🎼🎼🎼🎼🎼🎼🎼🎼🎼🎼🎼🎼🎼


Diary Of A Bitter LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon