Logic

28 1 1
                                    

Nijel's POV

Ansaya ko ngayong araw! Hindi pala ansaya, SUPER SAYA! Hindi ko akalain na mapapapayag ko si Chicky na ligawan ko siya. Ako na ang pinakamasayang tao sa mundo!! Wooh! Sa sobrang saya ko hindi ko namalayan na dinala na ako ng mga paa ko sa terrace. Sakto nandun si Chicky. Pagkatingin niya sa akin ay nginitian ko siya at naglabas ng white board.

"Date tayo bukas? ^_^" tanong ko sa kaniya gamit yung white board.

Sinenyasan niya muna ako ng wait tapos pumasok siya kuwarto niya at pagkatapos lumabas na siya na may dala-dalang maliit na white board.

"Wait pag-iisipan ko" sabi niya sa akin at itinutok niya yung marker dun sa ulo niya na para bang nag-iisip.

Nagsulat naman ako agad at nagpretty eyes sa kaniya. Para akong bading nito! Kahit na I'll do anything para lang makasama ko ulit si Chicky bukas ^_^

"Please? Pretty please?" Sulat ko.

Natawa naman siya sa ginawa ko kaya nagsulat din siya.

"Okay, sa isang kondisyon ^_^" sulat niya. Kondisyon?

Tumalon-talon naman ako at nagsulat dun sa board ko.

"Yes! Anong condition? Anything for My Angel ^_^" sabi ko sa kaniya.

Parang nag-iisip pa siya at sa wakas nagsulat din siya..

"Sagutan mo tong logic para makapag-date tayo bukas ^_^ Bukas mo sasabihin yung answer. Note: Bawal magpatulong ^_^" sabi niya at nagsulat na ulit. Logic? Ansaya nito mahahasa na naman yung utak ko ^_^

"What can bring back the dead; makes us cry; makes us laugh; makes us young; born in an instant yet last a life time?" hindi na niya ako hinintay na magsulat ulit. Tinignan niya lang ako kaya nagflying kiss ako sa kaniya. Umiling-iling lang siya habang nakangiti. Sayang hindi niya kinatch yung kiss ko haha.

"Jalgayo (Goodbye in Korean) ^_^" sabi niya sa akin tapos bumalik na siya sa loob ng kuwarto niya.

Inisip ko namang mabuti yung logic at isinulat dun sa white board ko.

"What can bring back the dead; makes us cry; makes us laugh; makes us young; born in an instant yet last a life time?"

Ano nga ba? Bring back dead? Cry,laugh,young? Hmm..

Ilang oras din akong nag-isip hanggang maisip ko na yung answer. Sure ako eto yung answer ^_^ Isinulat ko muna yung answer sa white board at natulog na. May date pa ako bukas ^_^

--------------------------------

Angel's POV

"Goodmorning!! ^_^" masayang bati ko kila Mommy at Daddy.

"Mukhang sobrang saya ng baby namin ah?" nakangiting tanong ni Daddy.

"Haha slight lang.." sabi ko at umupo na doon sa dining table.

"Bakit ano bang nangyari at sobrang saya mo ngayon ha?" tanong naman ni Mommy habang nilalagyan ng fried rice si Dad sa plato niya.

"Hmm secret!" sabi ko sa kanila haha. Sinusubukan ko lang na magsekreto sa kanila haha.

"May pasecret-secret ka ng nalalaman ngayon ah ^_^" nakangiting sabi ulit ni Mommy.

"Bakit kayo na ba ni Nijel?" tanong naman ni Daddy.

0_0 Buti wala akong iniinom, baka maibuga ko pa yun! Haha 😂

"Daddy naman eh! Hindi pa po kami, okay? siyempre manliligaw muna siya noh!" sabi ko sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Of A Bitter LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon