Kaibigan mula sa Nakaraan

229 6 0
                                    

Nagkakilala tayo sa eskwelahan,
Nagkalapit at naging magkaibigan.
Magkasama mula umaga hanggang uwian,
Mula eskwelahan hanggang sa pasyalan.

*
Tinitiis mo ang kasupladahan ko,
Kahit iniirapan kita kapag kinakalabit mo ako.
Sa totoo lang, noo'y crush kita,
ang cute kasi nang iyong mukha.

*
Naalala mo ba noong pinanood mo ako ng nakatatakot na video?
Kinabukasan ay Hentai naman ang pinakita mo.
Ang payat mo pero ubod ka nang pilyo,
Dinungisan mo ang kainosentehan ko.

*
Recognition day nang ako'y iwanan mo,
Di mo man lang hinintay na aking makuha ang medalya ko.
Ako'y nagtampo sa'yo,
Pagganti ang naisip ko.

*
Ako'y lumipat ng eskwelahan,
Pagkakaibigan natin ay aking kinalimutan.
Isa ka na lang masayang alaala,
Salamat na rin at ika'y nakilala.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon