Magulang

191 3 0
                                    

Magulang
ni Smoochera

Hindi bale nang mahirapan basta't buhay ng anak ay maging maalwan,
Lahat ng hirap at pagod ay titiisin,
Walang problemang hindi kakayanin.

Lahat ng hirap at pagod ay titiisin,
'Di hamak na mas mahirap ang magdildil sa asin.
Maibigay lang sa anak ang hindi natin naranasan,
Sapagkat alam natin ang problemang dulot ng kahirapan.

'Di hamak na mas mahirap ang magdildil sa asin,
Minsan pa nga'y walang naihahain.
Sapagkat alam natin ang problemang dulot ng kahirapan,
Hangga't maaari'y pinipilit natin itong iwasan.

Minsan pa nga'y walang naihahain,
Kapag walang pera, wala ring makakain.
Hangga't maaari'y pinipilit natin itong iwasan,
Maghahanap-buhay kahit pa magdamagan.

Kapag walang pera, wala ring makakain,
Walang problemang hindi kakayanin.
Maghahanap-buhay kahit pa magdamagan,
Hindi bale nang mahirapan basta't ang buhay ng anak ay maging maalwan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon