BALWARTECO

112 3 0
                                    

Dalawang araw pa lang ang nakalilipas,
Sa lugar na ito'y nasayang ang aking oras.
BALWARTECO kung ito'y tawagin,
Ito'y nasa Samar, sa bayan ng Allen.

Bus na sinasakyan ay kailangang tumawid,
Sa dagat na mahirap masisid.
Dagat na pumapagitan sa Samar at Sorsogon,
Dagat na kulay berde at kung minsan ay maalon.

Walong oras na naghintay,
Bago sa ferry boat ay nakasakay.
Mabuti na lang at inip ay 'di ko ikinamatay,
Mabuti rin na sa paghihintay ako'y sanay.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon