Sa Ngalan ng Espasol

48 1 0
                                    

#SP_RatedXmasDay
#SP_6thDayOfXmas

Sa Ngalan ng Espasol
Smoochera

Ilang buwan ng asawa ko'y nanlalamig,
mas malamig pa sa yelong naging tubig.
Lambingan namin ay aking namimiss,
lalo na ang masarap niyang kiss.

Kaya naman bago mag-Pasko,
ako'y may naisip na plano.
Aakitin ko ang asawa ko,
tingnan ko lang kung makatanggi siya sa kaniyang paborito.

Inihanda ko lahat ng kailangan,
para sa mangyayaring akitan.
Naligo ako at nagpabango,
isinuot ang sedang pantulog ko.

Nang sa pinto asawa ko ay sumungaw,
ako'y naupo sa kama at espasol sa kamay ay iginalaw-galaw.
Sa aking bibig iyon ay inilapit,
saka dinilaan nang paulit-ulit.

Kitang-kita ko ang paglunok niya,
tila ba siya'y takam na takam na.
Maya-maya pa siya'y sumunggab,
espasol ko ay nginasab.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon