Chapter 5: Lub dub

9 0 1
                                    

"Where are you going?" Tanong ni Lantis ng magkasabay kami sa pagbaba sa hagdanan.

"Wala ka na dun." Masungit na sagot ko.

"Saan ka nga pupunta?" Nakataas kilay na tanong ulit nya.

Huminto ako at nagrolled eyes, "Fine, may dinner date kami ni Jim okay na?

"Date? Bakit gabi? Pwede naman kaninang umaga ah." Sabi nya.

Humarap ako sa kanya at nagcrossed arm. "Sabihin mo nga sa akin kung pwedeng gawin sa umaga ang dinner date? Dinner nga di ba! Kung kaninang umaga eh di hindi na dinner date yon! Akala ko ba matalino ka? Psh! Class A ka pa naman pero common sense lang yun hindi mo pa alam."

"Ang dami mong sinabi." Inis na sabi nya at nauna pang bumaba ng hagdan sa akin at nagtungo sya sa kusina.

Bumaba na rin ako at nagtungo sa sala at umupo sa sofa. Susunduin kase ako ni Jim dito sa bahay ngayon.

"Alam ba ni tita?" Tanong nya habang may hawak na isang can ng soda at umupo sa kabilang sofa.

"Ang alin?" Balik na tanong ko.

"Your dinner date." Simpleng sagot nya bago inumin yung softdrinks na hawak-hawak nya.

"Oo alam nya." Sagot ko.

"Sino nga ulit yung kadate mo? Jim?" Tanong ulit nya.

"Jim Alonzo." Sagot ko.

"Jim Alonzo of class B?" Tanong ulit nya.

Magkakilaka ba sila ni Jim?

"Oo. Bakit?"

Umiling sya, "Nothing."

Hindi na lang ako kumibo at maging si Lantis hindi na rin nagsalita. Tumingin sa akin si Lantis. Nakatitig lang din ako sa mga mata nya at para bang hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata nya. Binalot kami ng nakakarinding katahimikan. Nakatitig lang kami sa isa't-isa.

Lub dub.. Lub dub..

Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko habang nakatitig sa mga mata ni Lantis.

Ang mga mata nya parang isang patibong na kapag tinitigan mo ay unti-unti kang mahuhulog at wala ng paraan pa para makatakas.

*ding-dong*

Napatitig kami pareho ni Lantis sa pintuan.

"B-baka si J-Jim na yon!" Natatarantang sabi ko at tinungo na ang pintuan.

Hindi ko kayang tumingin kay Lantis. Naiilang ako.

"Take care." Dinig kong bulong nya bago ko maisarado ang pinto.

Paglabas ko ng bahay hinawakan ko ang kaliwang parte ng dibdib ko. Ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso aking puso.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago ko buksan ang gate namin.

"Good evening, Aria." Nakangiting bati sa akin ni Jim.

"G-good evening din." Sabi ko at pinilit ngumiti.

"Tara na?" Tanong nya.

Tumango ako.

Binuksan nya ang pinto ng kanyang sasakyan at hinayaan akong makapasok bago nya ito isaradong muli. Masaya naman syang sumakay na din sa kotshe at nagmaneho na.

Tahimik lang ako na nakadungaw sa bintana ng sasakyan.

"Okay ka lang ba, Aria?" Tanong ni Jim.

Tumingin ako sa kanya at pinilit ngumiti, "Okay lang ako. Pagod lang siguro ako. Pero wag mo 'kong intindihin Jim okay lang ako."

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon