Chapter 3: Priceless

12 0 0
                                    

"You're so beautiful, Aria.
I really admire you."

Ito ang nakasulat sa isang puting papel na nakalagay sa isang itim na envelope na may design na tatlong maliliit at maniningning na mga bituin sa gilid nito.

Computerized ang sulat at italic. Alam ko na ang gamit na font dito ay monospace dahil ito ang paborito kong font.

Nakita ko ang itim na envelope na ito na nasa loob ng locker ko.

"Ano yan?" Tanong ni Reya. Bago pa man ako makapagsalita ay hinablot na nito sa akin ang puting papel at itim na envelope na hawak ko. Binasa nya ito, "Waaaah!!! Kanino galing 'to, Aria? Wow!! Ang sweet naman! Mabuti ka pa may secret admirer!!" Naghihisterikal na sabi ni Reya.

"Hindi ko alam. Nakita ko lang dito sa locker ko." Sabi ko habang nakatingin sa locker ko.

Ipinasok ko na ang mga libro ko sa locker ko at isinarado na ito. Humarap ako kay Reya at kinuha sa kanya ang letter at inilagay ito sa bag ko. "Tara na sa canteen." Sabi ko.

Tumango naman sya at nagtungo na kami sa canteen.

"Sino kaya yung secret admirer ko?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa canteen.

"Ewan. Baka si Jim?" Tanong ni Reya.

"Si Jim? Pwede.. pero nililigawan na niya ako di ba? Anong dahilan nya para isikreto pa yun eh alam naman na natin." Sabi ko.

"Oo nga no? Pero malay natin di ba?" Sabi niya.

"Sabagay." Sabi ko.

"Or baka naman siya.." sabi ni Reya habang nakatingin kay Darius na nakangiting naglalakad papunta sa kinaroroonan namin.

"Hi Reya! Hi Aria!" Masayang bati ni Darius.

Ngumiti naman kami ni Reya kay Darius.

"Saan kayo pupunta? Lunch?" Tanong ni Darius.

Tumango ako, "Oo sa canteen lang kami maglalunch." Sabi ko.

"Can I join you guys?" Nakapout na sabi ni Darius.

Takte! Nagpacute pa 'tong Darius na 'to! Ano ba yan? Bakit ba ang gwapo-gwapo nya? Lahat ng gestures nya gwapo parin sya. Siguro kapag tumatae to at umiiri gwapo parin sya.

"Sige tara!" Sabi ni Reya.














"Punta tayo sa bahay nyo this weekend?" Sabi ni Reya.

Nagsnap ng daliri si Darius, "Good idea! Sama ako ah?" Sabi niya.

Nandito kase kaming tatlo sa rooftop ng Building C. Dito na kami kumakain ng lunch kase ang daming tao sa cafeteria. Pinagkakaguluhan kase nila si Darius dun eh. Palagi na kase naming kasamang kumakain ng lunch si Darius.

"Ah hindi kase pwede eh." Sabi ko at nagkamot ng batok ko.

Gusto ko talaga silang pumunta sa bahay sa weekend eh. Pero may trabaho kase ako nun eh. Remember yung part time job na sinasabi ni Mama dun sa fast food resto ni Ninang Pinky?

"Bakit naman, Aria?" Tanong ni Reya.

"May raket ako eh." Sabi ko bago sumubo ng pagkain.

"Rocket? Meron din ako nun sa bahay." Masayang sabi ni Darius.

Nagtawanan naman kaming dalawa ni Reya. Palibhasa mayaman kaya walang alam sa dictionary ng mga normal na tao eh.

"Hindi yun yung ibig kong sabihin, Darius. Raket, parang part time job ganun. Basta yung pagkakakitahan ng pera." Natatawang explain ko.

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon