Chapter 7: Last Dance

13 0 0
                                    

"Ayan maganda ka na ulit." Sabi ni Reya ng matapos nya akong ayusan.

Nasira kase yung make up ko kanina nung umiyak ako kaya pumasok muna kami sa kwarto nya at inayusan nya ako.

"Salamat bestie." Nakangiting sabi ko.

"Oh halika na dun sa party. Sigurado akong hinahanap na nila tayo." Sabi ni Reya habang naglalagay ng lipstick nya.

Tumango ako, "Mabuti pa nga."

Pumunta na ulit kami sa may garden area nila Reya kung saan nagaganap yung party. Marami paring nagsasayawan sa dancefloor pero hindi sweet kundi pang disco. Kanya-kanyang sayawan sila.

"Wooooohoooo!" Sigaw ni Reya at tumakbo na papunta sa dancefloor.

Umupo na lang ako at pinanood yung mga sumasayaw. Si Kuya Rhyan at Reya nagsasayawan na dun sa gitna. Nakakatuwa sila kasi hindi mo iisiping magkapatid sila kasi parang magbarkada lang sila. Si Darius naman kasama yung mga kaklase yata nya, nakaupo lang sila sa isang table at nagtatawanan kasama si Kelly. Nasan si Lantis? Hindi ko pa sya nakikita. Saan naman kaya nagpunta yun? Ang sabi ni Papa sabay kaming uuwi eh. Tumingin ako sa orasan ko, 11:20 pm na din pala.

Nung sweet na naman ang tugtog nagsiupuan na yung mga sumasayaw sa gitna. Tapos nilapitan ako ni Kuya Rhyan.

"Hindi ko palalampasin na matapos ang birthday ko ng hindi ka naisasayaw." Nakangiting sabi ni Kuya Rhyan.

"Sure Kuya Pogi!" Masayang sabi ko at tinanggap ang kamay nya.

Sumayaw kami ni Kuya Rhyan, nagsayawan na din yung iba. Nakita ko si Reya may kasayaw na gwapong lalake.

"Kuya tignan mo si Reya." Natatawang sabi ko at itinuro ko ang halatang kinikilig na si Reya.

"What? She's dancing with Timmy!" Inis na sabi Kuya Rhyan.

Natatawa ako kay Kuya Rhyan kasi ganyan yung reaksyon nya nung makita sina Reya at yung Timmy daw na magkasayaw. Di ko sya masisisi kasi Kuya sya kaya ganyan sya makaprotekta sa kapatid nyang bunso.

Pagkatapos naming magsayaw ni Kuya at hinatid na niya ako dun sa pwesto ko dati. Tapos si Jim naman ang nagyaya sa akin na sumayaw.




Tonight, a candle lights the room

Tonight, it's only me and you

Your skin, like gravity

Is pulling every part of me

I fall, you and I collide




Wala pang sumasayaw. Marahil ay napagod na ang mga tao dahil kanina pa sila sumasayaw. Nasaan na kaya yung si Lantis? Yumuko ako dahil naiisip ko na naman yung nangyare kanina, nung magkasayaw sina Lantis at Kelly. Kitang-kita ko kay Lantis yung tamis ng ngiti nya kaninang magkasayaw sila ni Kelly.

"May I have your last dance?" Sabi sa isang baritonong boses ng taong nasa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin para makita ang mukha ni Lantis na seryosong nakatingin sa akin.

Lub dub.. Lub dub..

Yung puso ko..

Tinanggap ko ang kamay nya. Napakalambot nito. Ito ang unang beses na nahawakan ko ang kamay ni Lantis ng ganito.

Nagpunta kami sa may dancefloor. At dahil kami lang ang nagsasayaw ay itinapat sa amin ang spotlight. Pinapanood lang kami magsayaw ng mga tao.

Seryoso lang kaming nakatitig sa isa't-isa habang nagsasayaw kami ni Lantis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon