Paulit ulit nalang ba?
Puro nalang ba pasensya?
Nakakapagod oo
Ngunit di iyon sapat para ika'y isukoPuro away at problema
Hindi ka ba nag sasawa?
Mga nasasayang na luha
Sa mga oras na ako'y iyong binabaliwalaGanyan ka ba talaga?
Tila di naman ako mahalaga
Mahal mo ba talaga ako
O hindi mo lang kayang mawala ako?Minsan napapaisip din ako
Kung kasama ba talaga ako sa mga pangarap mo
Wala naman akong magagawa kung wala
Pero wag mo naman iparamdam na ako'y baliwalaTao lang din ako
Maaring sumuko
Pasalamat ka matatag ako
Kaya't heto umiintindi parin sayoMga masasakit na salita mo
Lahat iyon tiniis ko
Hindi ko rin alam kung bakit ganito
Oo na tanga na akoTila tayo pusa't aso
Hayaan mo huli na ito
Pero joke lang pala
Dahil eto nanaman ako 'di magawang tiisin kaMamahalin kita hanggat kaya ko
Alam ko hindi na iyon mag babago
Kaya matuto kang panindigan ako
Bakit ba kasi ang gulo ng buhay mo?Huwag ka sanang mawala
Kahit tila tayo aso't pusa
Hindi ako mag sasawa
Pangako mamahalin kita hanggang sa pagtanda.